Chapter 35 - Runaway Chad

13 2 0
                                    


<JeyEn's POV>


Shit! Nabutas ata ang suot kong shorts dahil sa pagkakadausdos sa malalim na parteng iyon. Narinig kong nagtawanan ang dalawa kong kasama. Paano ba naman, akala ko bangin 'tong nilaglagan ko. Hindi naman pala! Lampas tao lang ata ang lalim. Wagas pa kong tumili!


"Bakit ka kasi umatras sabi ko naman sa'yo wag kang gagawi rito." Tumatawang inabot ni bebeh Louie ang kamay ko para makaakyat. Sabay nila 'kong hinila pataas. Naalala ko bigla ang naririnig kong sumisitsit at bumalik ang takot na nararamdaman.


"May narinig kasi ako parang..." hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng sabay-sabay kaming napalingon sa papalapit na sumisitsit na tunog. Napahawak ako sa braso nilang dalawa. Natahimik ang lahat at matamang pinakinggan ang tunog na papalapit. Pare-parehas kaming napaatras ng marinig na malapit na sa amin ang mahiwagang nilalang. Pigil ang hingingang hinintay namin iyon...


Sabay-sabay na tili ang pinakawalan ng bawat isa ng mabilis na nagpakita mula sa damuhan ang nilalang na kung gaano kabilis nagpakita ay ganun din kabilis naglaho. Tili na dagli ring napalitan ng hindi magkamayaw na tawa.


"Taena! Daga!" naisiwalat ni bebeh Chill habang tumatawa. "Bebeh, muntik ka ng mamatay dahil sa daga!"


"Eh kasi naman bakit kasi ganun ung tunog niya parang ahas!" tumatawa ring sagot ko.


"Baka pinaglihi siya sa ahas o baka ahas ang nanay niya!" sagot din ni bebeh Louie na sapo ang tiyan habang tumatawa. Muli ay nagtawanan kami.


Maya-maya lang ay napagpasiyahan na naming bumalik ng hindi nawawala ang pagtawa. Para kaming mga praning na hindi nauubos ang kaligayahan sa katawan. Takang-taka naman ang mga kasama naming lalaki kung bakit ang saya-saya naming bumalik. Ikinuwento naman namin at as usual puro pang-aasar ang natanggap namin.


***


<Chad's POV>


A few months back, when Gwen broke up with me, isinubsob ko ang sarili sa trabaho thinking that it would help me forget my feelings for her. After work, pumupunta 'ko sa mga bar, umiinom at sumisiping sa iba't ibang babae. Then one night, sa isang sikat na bar sa BGC, we accidentally met again...


She's with that man. The one she replaced me for. We're introduced. For the sake of diplomacy I didn't do any terrible acts even If I wanted to drown both of them on a glass of tequila. At para hindi mahalatang bitter ako, hindi ako umalis kaagad until she announced that they are getting married. My reaction was like, "What the fuck? Mas matagal ang pinagsamahan namin sila wala pang 4 months tas ikakasal na agad? Is that a fucking joke?" After that hindi na kinaya pa ng ego ko ang mga nalaman. Mabilis akong tumalilis ng lugar na iyon. I drove without any concrete plans of destination. Basta gusto kong lumayo. As in yung malayo.


I drove for straight 14 hours. Nakarating ako sa isang maliit na bayan up north. Bumaba ako ng sasakyan at luminga-linga sa paligid. I wonder why there are some foreigners and tourists strolling around. Akala ko malayo na ko. Natanaw ng pagod kong mga mata ang isang karatula sa may di kalayuan...

From Riches to RagsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon