<JeyEn's POV>
"Wow, bebeh! Ang ganda mo ah!" Manghang puri sakin ni bebeh Chill. Kasalukuyan kaming nasa McDo at maagang nagkita-kita dahil ngayon gaganapin ang defense sa ginawa naming baby thesis.
First time nila 'kong nakitang naka-dress at naka-make-up kaya ganun na lang ang pagpuri nila. Required kasi ang formal attire kapag mag-de-defense. Balak ko sanang mag-slacks na lang at formal polo pero pinagalitan ako ng dad. Dapat daw naka-dress ako, ewan ko ba sa kanya! Marunong pa sa magsusuot!
"Punta kang lamay, bebeh?" Pang-aasar ni bebeh Louie.
Sumimangot ako. Eto na naman po kami!
"Hindi yan." Sabat ni Marcus. "Magni-ninang yan!"
"Ninang sa kasal?" Humahagikgik na panggagatong pa ni bebeh Chill.
"Papaiyakin niyo na naman yan si JeyEn! Tsk." Nagpapalatak si James. "E diba ngayon ka magpapa-kumpil?" Biglang bawi nito.
Nagtawanan sila.
"Kayo, wala na naman kayong nakita kundi ako." I pouted. "Tara na nga!"
Hindi ko na hinayaan pang madagdagan pa ang pang-aalaska nila. Grabe talaga!
Kasalukuyan na kaming nasa second floor at nire-review ang mga sasabihin at gagawin. Ang lobby doon ay parang student lounge kung saan tumatambay ang mga naka-schedule mag-defense. Ilang sandali pa ay bumungad sa may hagdan si Ube Pao.
"Naku naman, bat ngayon ka pa nagpakita?" Reklamo ko sa sarili. "Ayan tuloy nakalimutan ko na yung mga lines ko!"
Siniko ako ni bebeh Louie. "Mamaya ka na lumandi, ipasa muna natin 'tong defense." Seryosong sabi niya.
Nahiya naman ako at itinutok na ang tingin sa dokumentong hawak. Pinilit kong ibalik ang concentration pero napakahirap lalo na't nakita ko siyang umupo sa upuan malapit sa amin.
"Defense niyo?" Narinig kong tanong niya. Napaangat ako ng tingin ngunit ibinalik din ang mga mata sa binabasa ng makitang si James pala ang kinakausap niya. Bahagya akong na-disappoint kasi akala ko, ako yung tinanong niya.
"Oo, pero baby thesis pa lang." Tugon ni James.
"Anong subject? SoftEng (Software Engineering)?"
Umiling siya. "Nope! SadSign (Software Analysis and Design)."
"Uhm... Sige, goodluck!" Tinapik nito sa balikat si James at tumayo na.
"Thanks." Tipid na sabi ni James at tumutok na ulit sa ginagawa.
Nakita ko sa sulok ng mga mata na gumawi na siya sa hagdan at umakyat. Nakahinga ako ng maluwag. Hindi talaga ako makaka-concentrate kung alam kong malapit lang siya. Mahirap mag-isip habang nagha-hyperventilate no!
BINABASA MO ANG
From Riches to Rags
Fiksi UmumSi Joyce Nichole ay isang nursing student na inilipat ng ama sa isang pipitsuging computer school mula sa isang prestihiyoso at sikat na paaralan. Parusa niya ito sa anak dahil binagsak nito ang mga subjects dahil nahihirapan daw itong mag-memorize...