Chapter 28 - Pinoy Henyo

36 2 0
                                    

<JeyEn's POV>


Monday.


Ngayon lang ulit ako papasok sa school matapos ang ilang araw na bed rest dahil sa trangkasong natamo. Pero kahit sa palagay ko ay sakto lang ang araw ng pahinga ko, hanggang ngayon ay nanlalata pa rin ako. Alam kong hindi ang pagkakasakit ko ang dahilan nito kundi ang ilang araw na hindi ko pagka-usap kay Paolo. After the night he sang me to sleep, kinabukasan ay hindi na ulit siya nagparamdam... until now. It's been 5 days and I don't know why. I kept on calling and texting him pero wala akong napala. Hindi siya sumagot or kahit nag-reply man lang. I didn't hear anything from him since then. At sobrang nasasaktan ako sa ginagawa niya. Pilit kong inaalala hanggang ngayon kung may nasabi ba akong mali o kung na-offend ko ba siya ng gabing iyon, pero wala talaga akong maalala. Ang natatandaan ko lang ay kinakantahan niya ako hanggang sa nakatulog na'ko. Nagising na lang ako kinabukasan na nakalapag na sa mesa ang cellphone kong sa hinagap ko ay naiwan kong nakapatong sa tenga ko.


Ngayon nga ay umaasa akong makita siya at maka-usap. Iniisip ko na lang na siguro busy siya kaya hindi na maasikasong tawagan pa 'ko. Inip na inip ako sa limang araw na iyon na pinapanalangin kong mapabilis ang araw para maka-pasok na ulit sa school.


As soon as I entered the school premises, palinga-linga na ako. Baka kasi nasa tabi-tabi lang siya, balak kong lapitan na siya agad.


"Bebeh!"


Boses pa lang kilala ko na. Napalingon ako sa tawag ni bebeh Louie. Mabilis niya akong nilapitan.


"Ano? Kamusta ka na?" tanong niya.


"Buhay pa naman." Nakangiti kong tugon.


"Akalain mong tinatablan ka ng sakit? I can't believe it! Akala ko alien ka eh!" Pang-aasar niya.


Napangiti ako sa pambu-bully niya. Eto na naman po kami! Umpisa na naman ng isang linggong asaran!


"Uy, Olibares!"


Napalingon kaming parehas ni bebeh Louie sa tumawag. Si Marcus pala.


"Wow! You rose from the dead! Ay from the bed pala!" Kasunod ay ang paghagalpak niya ng tawa.


"Ewan ko sayo Marcus! Buti pang di ko kayo nakikita tahimik ang buhay ko." Pabiro kong sagot. In fairness, na-miss ko ang barkada. Si Paolo na lang kasi ang laman ng isip ko ng mga nakaraang araw.


"Tahimik nga, boring naman." Mabilis na tugon ni bebeh Louie. "O ano? Gala na agad! Pinatatagal pa ba yan? Wag na tayong pumasok. Nakakasira lang ng pagkakaibigan yang pag-aaral eh." Humagikgik siya.


"Ano ka ba Louie, kagagaling lang nitong batang to, aayain mo agad gumala." Kontra ni Marcus sabay akbay sa akin.


"O, e bakit may paakbay-akbay ka pa?" Sita ko sa kanya. Natatawa akong tinanggal ang pagkakaakbay niya.

From Riches to RagsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon