Chapter 10 - Ice Pick

74 3 0
                                    

<JayEn's POV>


Ng matapos ang palabas ay nagsitayuan na kaming magba-barkada. Pupuntahan namin si bebeh Louie sa backstage para sana sunduin ngunit napatigil kami ng una na siyang umibis mula sa exit at lumapit sa amin. Nakahanda na kong sermunan siya dahil sa kalokohang ginawa niya pero di pa man bumubuka ang bibig ko ay isang baritonong boses ng lalaki naman ang nagsalita sa likuran na nagpatigil sa amin.


"Ah... Hi!"


Sabay-sabay kaming napalingon. Swear! Huminto ang mundo ng makita ko kung sinong bumati sa amin! Ang pinaka-gwapong nilalang sa balat ng universe! Si Ube Pao! Gusto kong tumili pero parang walang boses na namutawi mula sa bibig ko! Panaginip ba to? Kung oo, sana hindi na ko magising!


Parang may dumaang anghel na natahimik kaming lahat. Awkward Moment. Parang walang gustong magsalita. Buti na lang binasag ni bebeh Louie ang katahimikan dahil honestly, napipi na ata ako!


"Ahm, hello!" Bati niya.


"I'd just like to commend you for a very entertaining performance. Ang galing mo kumanta! I'd enjoyed it. Maybe we can jam if given the chance?" He said smiling. Grabe! Lalaking-lalaki ang boses niya! Makalaglag panty!


"T-thanks! Sure, some other time!" Bebeh Louie just nodded and I could see the hesitation on her face. Ngayon ko lang ata siya narinig na nag-stammer. Natataranta rin pala pag may kausap na gwapo!


"I'm Paolo by the way." Nilahad nito ang kamay. At isa-isang nakipag-kamay sa barkada. Ng magawi ang kamay niya sa akin, nanlamig talaga ako. Inabot ko ang kamay niya at nanalanging sana hindi basa ang mga palad ko sa sobrang kaba.


"J-Joyce Nichole." Mahinang sabi ko. Napayuko ako sa sobrang kaba. I didn't know what to say. Hindi ko siya matignan sa mata dahil baka kung anong mabasa niya sa mga iyon. Ngayon lang ako nagkaganito sa buong buhay ko. Hindi ako mahiyain. Pero siya? Para siyang liha na nagpapanipis ng pagmumukha ko!


Nang maglapat ang mga kamay namin, isang kakaibang sensasyon ang naramdaman ko. Something just stirred-up inside me, hindi ko lang alam kung ano yun. Nakatitig lang ako sa kamay namin na parang na-stock na sa isa't isa. I like the warmth of his hand, it feels comfortable. Unti-unting umangat ang tingin ko sa mukha niya. His handsome smile made me feel... home.


Isang tikhim ang nagpahiwalay sa pagkakamay namin. Alam ko na kahit di ako tumingin sa salamin, nangangamatis na naman ang mukha ko!


"Guys, let's go? It's getting late." Putol ni Marcus sa amin. Tumingin pa ito sa relo niya.


"Yeah! Yeah! Of course!" Bahagyang tumawa si Paolo. Para namang ayoko ng umalis sa kinatatayuan ko. Gusto ko na lang makipagtitigan sa kanya buong maghapon at magdamag kahit umabot pa sa lupa ang eyebags ko, keribels lang!


"See you around, Ub – Paolo!" Muntik pang madulas si bebeh Louie. Pinanlakihan ko talaga siya ng mata! "Oh, nga pala... JeyEn can give you her number para naman pag may jamming tayo, pwede mo kaming makontak." She secretly winked at me. Hindi ko alam kung matutuwa ba ko o maiinis sa ginagawa niyang pagbui-build-up ng closeness namin. In-fairness, ang galing niyang duma-moves!

From Riches to RagsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon