Chapter 9 - My Elevator Girl

85 3 0
                                    

<JeyEn's POV>


"Anong kakantahin mo, bebeh?" Tanong ko kay bebeh Louie na kasalukuyang tino-tono ang gitarang dala-dala niya. May activity kasi sila ngayon sa subject na Values Formation at ang pagkanta ang gagawin niyang oral presentation. Ayon sa prof nila, naglalayon daw iyong mahasa ang kakapalan ng mukha ng mga estudyante. In its other good-to-the-ears term, para matanggal ang stage fright nila. Hindi ako kasali dahil na-credit ko na ang subject na 'yon. Nandito lang ako para suportahan siya.


"Nothing Left to Lose, bebeh. Kanta ng The Pretty Reckless." Tugon niya.


"Wow! Ganda ng kantang yan! Galingan mo, bebeh! Wag ka kabahan." Nakangiting pag-che-cheer ko.


"Sus, bebeh! Ako? Kakabahan? Wala ako nun. Alam mo namang kasing kapal ng adobe 'tong mukha ko, pwede na ngang pang-hilod eh!" Hinimas pa kunwari niya ang mukha habang nakangiti.


Nasa backstage kami ng amphitheater at siya na ang susunod na magpe-perform. Tumayo na siya ng tawagin ng stage coordinator at dumiretso sa entrance paakyat ng entablado.


"Sabi ko nga wala ka non!" Umiiling-tumatawang bawi ko. "Sige, labas na ko. Iche-cheer ka na lang namin sa labas!" I winked at her and went out.


<Louie's POV>


Ng makaakyat ako ng stage, medjo nagulat ako sa dami ng tao. Simpleng presentation lang ang gagawin namin pero parang merong concert! Napaka-exag naman ng prof namin para imbitahin ang buong school para lang manood sa kahihiyang gagawin namin! Hmp!


Nakita ko ang barkada sa pangalawang row mula sa harap, naghiyawan sila ng makita akong lumabas ng stage. Loyal talaga ng mga to! Naisip ko. Buti na lang anjan sila. Yun nga lang sigurado pagkatapos nito, yare ako sa pang-aasar nila! Pero, okay na rin. At least merong papalakpak!


Natigilan ako ng mahagip ng mata ang isang pamilyar na lalaki sa may di kalayuan. "Teka, si Ube Pao yun ah!" Sinipat ko pa talagang mabuti kung siya nga 'yon. Ng makumpirma ang hinala ko, pa-simple kong sinenyasan si JeyEn pero hindi niya ko ma-gets. "Ang slow talaga ng babaeng to! Grr!..." Di bale, may naisip na kong paraaan para malaman niya... I painted a devilish grin.


<JeyEn's POV>


"Ano bang sinasabi nito ni bebeh Louie? Di ko ma-gets ung sinesenyas niya! Natatae ba siya? Haist! Hirap intindihin!" Nagugulumihanang tanong ko sa sarili. Nagkatinginan kaming apat na barkada at nagtanungan kung naiintindihan ba nila yung sinasabi ni Louie pero umiling lang din sila.


Excited kaming tumutok sa kanya ng magsimulang magsalita sa mikropono.


"I'd like to dedicate this song to my friend/classmate. Her name is Joyce Nichole Olivares." Malambing niyang bigkas at ibinaling ang tingin sa gitara.


Na-confuse ako sa sinabi niya. Pang-broken-hearted kaya ung Nothing Left to Lose! Bakit dedicated sa akin?


Ng magsimula siyang tumugtog ng gitara, naghiyawan kami at iba pang mga kaklase. Ilang saglit lang ay sabay-sabay ring natigilan kaming magba-barkada ng iba ang musikang tinugtog niya...

From Riches to RagsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon