Chapter 23 - Coffee Jelly

29 1 0
                                    

<JeyEn's POV>


Automatikong napatayo kaming parehas ni Paolo. Hindi ko expected na bigla na lang susulpot si mommy sa ganitong pagkakataon. Gusto kong kutusan ang sariling ulo sa pagkakalimot na nasa bahay nga pala kami at posibleng may makakita sa aming dalawa sa ganitong sitwasyon na sobrang sweet! Hindi ko tuloy alam kung anong ipapaliwanag ko kay mommy sa nakita niyang eksena.


"Meet me at the dining room." Malamig na sabi niya.


"Y-yes, mom." Mabilis kong sagot. Nanginginig ako sa sobrang kaba. Sinulyapan ko si Paolo na confident sa pagkakatayo na parang walang kabang nararamdaman. Bakit ang cool pa rin niya? Samantalang ako, para ng bibitayin sa nerbiyos na nararamdaman!


"It'll be fine." He mouthed. I painted a thin smile. Kahit papaano, ang pagiging kalmado niya ay nagpabawas ng kaba sa dibdib ko.


I silently followed my mom. Bumubuo ng eksplenasyong alam kong hihingiin niya maya-maya lang. Bakit nga ba ko masyadong kinakabahan? Kasi kahit kailan, wala akong pinakilalang boyfriend sa kanila. Hindi ko boyfriend si Paolo at nahuli niya kaming sweet-sweetan! Malamang sa malamang, pangit ang magiging interpretasyon nun kay mommy. Ayokong isipin niya na ang anak niya ay parang kaladkaring babaeng kung kani-kanino lang nakikipag-holding hands at sa loob pa ng pamamahay niya! Haist! Ang sarap mong sabunutan JeyEn!


"Is he your boyfriend?" Tanong niya pagkapasok na pagkapasok sa dining room. Mataman siyang nakatingin sa akin na feeling ko, isa akong ice cream na nakabilad sa araw.


"Is he?" Naiinip na dugtong niya.


Umiling ako. Hindi ko alam kung anong paliwanag ang sasabihin ko sa kanya. Napayuko ako sa hiyang nararamdaman.


"JeyEn, anak." Lumapit siya sa akin. "Look at me..." Bumuntong-hininga siya.


Alanganing tumingin ako sa kanya. Natatakot ako sa kung ano mang makikita ko sa mga mata niya. Pero bahagyang nawala ang takot na narararamdaman ko ng makita ang usual na tingin na ibinibigay niya sa akin sa tuwing may nagagawa akong pagkakamali. Ang tingin ng isang maunawaing ina.


"Wag kang matakot mag-share sa akin. Hindi naman kita pinipigilang mag-boyfriend." She smiled. "Pogi siya ah!" She teasingly added.


Napangiti ako sa sinabi niya. I felt relieved. Nawalang parang bula ang takot na nararamdaman ko kanina.


"I want to meet him." Napatingin ako sa kanya pero hindi na katulad kanina na may takot. I saw a genuine smile from her. "Siyempre para naman makilatis ng maganda mong mommy ang future manugang niya." Then she playfully winked. Natawa ako ng bahagya sa sinabi niya.


"OA naman, my! Husband agad di ko pa nga boyfriend!" Pabirong irap ko.


Natawa siya sa komento ko. "Ganun naman dapat diba? Future dapat ang inuuna!"


"Si mommy talaga." Napapailing na lang na komento ko. Natuwa ako na ang cool niya pa rin kahit nakita niyang nakikipaglampungan ang anak niya sa loob ng sarili niyang pamamahay. Siguro kung sa ibang nanay, nasabunutan na ko ng todo-todo.

From Riches to RagsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon