Chapter 18 - Hito

36 3 0
                                    

<JeyEn's POV>


"Bebeh..." Tinawag ko ang katabi kong si bebeh Chill na abala sa pagco-code sa computer unit niya. Kasalukuyan kaming nasa computer lab at ginagawa ang coding exercises namin. Lumingon siya sakin. "Tignan mo si bebeh Louie, parang baliw. Kinakausap ung monitor!" Inosenteng bulong ko sa kanya. Humagikgik naman siya sa sinabi ko.


"Ganyan talaga pag programmer bebeh, kinakausap ung monitor. Minsan maririnig mo na lang, biglang sisigaw ng 'Yes!' pag napagana na ung ginagawa niyang code. O kaya naman pag hindi gumana, bigla na lang magmu-mura kala mo kung sinong kaaway!" Bulong niya rin.


"Ganun ba un?" Tumatangong tanong ko.


"Yup! Pag na-embrace mo na ung pagiging programmer mo, mararanasan mo rin yan." Nakangiting tugon niya.


Malay ko ba naman dun! Wala naman kasi talaga 'kong alam sa programming. Pinatapon nga lang ako rito diba? Ni wala nga kahit konting relevance ung dati kong course na Nursing sa course kong IT ngayon. Kamusta naman un? Kaya wala talaga 'kong alam. Para 'kong batang muling isinilang na nag-aaral ulit kung papaano maglakad. Nag-uumpisa pa lang din akong gustuhin kung anumang ginagawa ko sa ngayon. In-fairness, nage-enjoy naman na akong mag-code. Frustrating lang talaga minsan pag di ko makuha ung logic. Pero mas okay naman to kesa mag-memorize ng medical terms! Mas challenging!


Halos maga-alas-nwebe na kaming nakalabas ng computer lab. Wala ng masyadong tao sa school dahil late na. Sabay-sabay na kaming bumaba ng ground floor. Pagdating don, nakita namin si Paolo na paalis na rin pala.


"Hi, guys!" Bati nya. "Uwi na kayo?"


"Yeah!" Ako ang sumagot. Wala na atang balak magsalita 'tong mga kasama ko dahil sa pagod.


"Sabay ka na sakin JeyEn, hatid na kita." Nakangiti niyang suhestiyon.


"Ha? Ah, eh..." Tama ba ung pagkarinig ko? Ihahatid niya ko pauwi?


"Sure! Hatid mo siya!" Mabilis na sagot ni bebeh Chill. Napalingon tuloy ako sa kanya. Para namang nawala ung pagod niya sa excitement! "Pero make sure na sa bahay nila to makakauwi kundi magtago ka na sa pinanggalingan mo!"


"Yeah, siguraduhin mo Sentoza! Kundi manghihiram ka ng mukha sa bulldog ni Marcus!" Dugtong pa ni bebeh Louie.


"Ingatan mo bunso namin pare, ha!" Tinapik naman siya ni James.


"Ikaw, may sasabihin ka rin?" Natatawang baling naman niya kay Marcus.


"Sinabi na nila lahat. Ano pa bang sasabihin ko?" Nagpapalatak si Marcus. "But seriously, ihatid mo sa bahay nila yan. Sa bahay nila hindi sa kapitbahay, sa kahit saan, at lalong-lalong hindi sa bahay mo!"


"Wag kayo mag-alala. She's safe with me." Ngumiti na lang si Paolo.


"Teka lang! hindi pa nga ko pumapayag ang-OA niyo naman!" Umiirap na komento ko.


"As if namang tatanggi ka kay Ube Pao!" Pang-aasar ni bebeh Chill. Nagtawanan sila. Buset lang! Simangutan ko nga!

From Riches to RagsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon