<JeyEn's POV>
I saw him walking slowly towards me. He's staring too intently that his glare made me feel like a candle on fire, melting. As he stood at my front, close to me, he gently rubbed my cheeks with the back of his hand then after a while, he cupped my face with both.
"You really are beautiful, Joyce Nichole." My face was already red with the burning sensation of his touch.
Subsequently, he traced my eyebrow with his thumb and said;
"Kaya lang..."
My face depicted with confusion.
"...Ana bet itetch kilay mo girl! It's so chaka! Gosh!" Umiirap na sabi niya at bahagya pang pumilantik ang daliri.
What the...?
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa panaginip ko na yon! Ghad! I can't believe na napanaginipan ko si Ube Pao na bading at nilalait ang makapal kong kilay! At nagge-gay lingo pa! Dahil doon ay dali-dali akong pumunta sa pinakamalapit na salamin para tignan ang kilay ko!
"Okay naman ah! Weird!" Naalala ko tuloy nung mga panahong hindi pa ko marunong magbunot ng kilay. Parang kilay lang ni Betty La Fea ang mga 'yon! Buti na lang di ko pa siya kilala non! Natawa ko ng maalala ang panaginip. Ang gwapo niyang bading! Wag naman sanang totoo yun! Pero kung ang karibal ko ay lalaki rin, at parehas pa silang gwapo, aba! Threesome is awesome! Natawa ko sa sariling kamanyakan.
Nabaling ang atensyon ko sa kumatok.
"JeyEn iha, gising ka na ba? Tinatanong ng mommy mo kung sasabay ka raw sa breakfast. Nakahanda na ang hapag." Ani Manang Mila sa pagitan ng pinto. Binuksan ko iyon at bumungad ang nakangiting kasambahay.
"Sabay na po ako sa breakfast. Maliligo lang po ako saglit. Salamat!" Tugon ko at isinara na ulit ang pinto at dumiretso sa banyo. Kailangan ko talagang maligo para matanggal ang sakit ng ulo dala ng pag-inom kagabi. Kung anu-ano tuloy ang napanaginipan kong kawirduhan!
Kasalukuyan kaming nasa hapag-kainan na buong pamilya. Tapos na silang kumain at ako na lang ang hanggang ngayon ay ngumunguya pa. Nakikinig lang ako sa usapan nila mommy at daddy tungkol sa kung anu-ano lang. Si Jon-jon naman ay busy sa paglalaro sa cellphone niya. Walang paki-alam sa mundo. Habang nagku-kwento ay nagba-browse si mommy sa Ipod niya. Maya-maya ay tinawag niya ko.
"JeyEn, these are your classmates, aren't they?" Kumunot naman ang noo ko sa tanong niya. Mataman siyang nakatingin sa ipod niya at parang nakasilip sa microscope na pinag-aaralan ang nakikita.
"What's this you're drinking? Some kind of a blue drink... Is this some sort o' a cocktail or something?" Then she showed me the picture.
Bahagya akong namutla ng makita ang imahe. Shooot! Bad Trip! Oo, Bad Trip ung iniinom namin sa picture! James, bat mo pa ko ti-nag sa Facebook! Akala ko ba hindi kayo pwedeng mag-post?! Damn!
BINABASA MO ANG
From Riches to Rags
General FictionSi Joyce Nichole ay isang nursing student na inilipat ng ama sa isang pipitsuging computer school mula sa isang prestihiyoso at sikat na paaralan. Parusa niya ito sa anak dahil binagsak nito ang mga subjects dahil nahihirapan daw itong mag-memorize...