Chapter 20 - Overlooking

28 2 0
                                    

<JeyEn's POV>


"Ako ng magda-drive pre!" Prisinta ni Marcus ng makarating kami sa kotse. "Tabi na lang kayo ng peke mong girlfriend at baka pagselosan mo pa ko!"


Nagtawanan ang barkada. Umismid lang ako. Si Paolo naman ay nakangiti lang. May paghuhugutan na naman ang mga 'to ng ipang-aasar sakin. Hmp!


"Bakit di mo sinabi samin na ikaw ang may-ari ng school?" Kompronta ko kay Paolo ng nasa sasakyan na kami. Kasalukuyan na naming tinatahak ang kahabaan ng Ayala.


"Hey! Relax!" Nakangiting tugon niya. "I don't own it. My father does. Magkaiba yun. Isa pa mas gusto kong simpleng estudyante lang ang tingin niyo sa akin. Kaya nga sumasama ako sa inyo kasi, alam mo yun? Yung feeling na "belong" ka at walang expectations from you. Mas masaya ko sa ganun." Mahabang paliwanag niya.


"Pare, mukhang may pinaghuhugutan ka diyan. Idaan natin sa ma-boteng usapan yan." Singit ni Marcus.


Bahagya lang tumawa si Paolo. Tahimik lang akong pinagmamasdan siya.


"I'm sorry kung di ko sinabi sa inyo. Ayoko lang talagang pinagsasabi yung mga bagay na katulad nun. Hindi naman siguro importante yun." Dagdag niya.


"Hindi naman talaga importante samin yun. Pero siguro naman pwede naming malaman since we're all going to the same school. Kanina nag-mukha pa kaming tanga nung sinabi samin ni Chinah ung tungkol sayo. The mere fact na kami palagi ang kasama mo, kami dapat ang mas nakakaalam. Hindi naman kasi kami katulad ng ibang estudyante sa school na alam lahat ang mga nangyayari ron. Hindi kami tsismosa kaya wala kaming alam." Mahaba ko ring paliwanag. Tahimik lang ang barkada sa lahat ng sinabi ko. Bumuntong-hininga lang si Paolo. "Ang hirap lang tanggapin na mas kilala ng ibang tao ung kaibigan mo kesa sayo."


"Right. I get the point. I'm sorry." Nakayukong sabi niya.


"Isang bucket ng San Mig lang katapat namin Paolo!" Hirit ni bebeh Louie sabay hagikgik.


"Oo nga. Samahan mo na rin ng pulutan." Sang-ayon ni bebeh Chill.


"Mga tumador talaga kayo!" Nakangiting komento ni James at bumaling kay Paolo. "Siyempre naman pare, dapat mas alam ng peke mong girlfriend ung tungkol sayo kesa sa mga tsismosa naming kaklase."


Nagtawanan na naman sila. Nakangiti lang si Paolo sa pang-aasar sakin ng barkada. Langyang 'to! Di man lang ako ipagtanggol eh siya namang may pakana niyang pekeng boyfriend-girlfriend epek na yan! Hmp talaga!


"Ako na naman nakita niyo ah! Seryoso kaya ako!" Umiirap na bwelta ko.


"Wag masyadong seryoso bebeh at baka mabuntis agad!" Hirit na naman ni bebeh Louie.


"Ano raw?" Tumatawang tanong ni bebeh Chill. "Ang lalim nun bebeh ah di ko maarok!"


"Di ba sila ung maagang nabubuntis? Ung maagang nagseseryoso sa relasyon?" Sagot naman niya.

From Riches to RagsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon