<JeyEn's POV>
Shit! Late na ko! Halos patakbo kong tinungo ang building ng school mula sa bus station. Kung bakit naman kasi hindi nag-alarm yung phone ko! Sa pagkakatanda ko, na-set ko 'yon bago matulog kagabi. Bali-bale kong ihagis iyon dahil sa inis. Ngayon pa naman ung checking ng first part ng documentation na ginawa namin at bawal ma-late. Topakin pa naman si Mr. Kastanyas. Minsan ay nagsasara siya ng pinto pag time na.
Tumunog ang phone ko tanda ng may nag-text. Habang lakad-takbo ay sinilip ko iyon. Si Louie ang nagtext.
"Grabe naman yang on the way mo. Gaano ba kalayo yan?" Halatang iritable na siya dahil nasa bahay pa lang ako at nagbi-bihis ay iyon na ang sagot ko sa mga text niya. Wala eh. Un lang kasi ang pinaka-safe na sagot.
"Wait lng, d2 n k s ba2" Reply ko at sinuksok na ang cellphone sa bulsa. Halos liparin ko ang ilang hakbang na elevator para lang abutan iyon. Old skul kasi ung nag-iisang elevator na yun. Lagi nga naming reklamong magkaka-barkada iyon. The mere fact that it's a computer school, they should be providing high-tech or at least decently functioning facilities. Isa ang elevator na yun sa di napagpalang palitan o i-renovate man lang. Ngayon, kung hahayaan kong maiwan ako ay mapi-pilitan akong mag-hagdan hanggang 6th floor dahil mas makupad pa ata sa pagong ang andar nun, hindi ito makaka-balik agad.
Magsasara na! Halos magkandarapa ako sa paghabol doon. Ilang segundo na lang at pinilit kong ipasok ang sarili ko sa pamamagitan ng isang malaking hakbang sa halos kalahati na lang na bukas na pinto ng elevator!
Matagumpay akong nakapasok ng hindi naiipit. Wew!
Napansin ko ang nag-iisang lalaking kasabay. Natigilan ako. Ngayon lang ata ako nakakita ng tao - este ng gwapo sa school na'to. Pinagmasdan ko siya...
Those dark brown eyes... parang tumatagos sa kaluluwa.
Those thick eyebrows... it compliments his eyes very well and gives a mysterious effect on him.
Those perfectly shaped nose... nagda-dagdag sa appeal niya.
Those reddish kissable lips... parang naga-anyayang mahalikan... Napakagat ako sa sariling labi.
Walang anu-ano'y bigla siyang lumingon sa akin. Nakangisi.
Awtomatiko akong napabaling sa ibang dako. Para 'kong tinulos sa kinatatayuan. Napa-diretso ako ng tayo. Parang tuod lang. Umakyat ata lahat ng dugo ko sa katawan papunta sa mukha ko. Nakakahiya! Ilang minuto na ba kong nakatitig sa kanya?
Kulang na lang ay hindi ako huminga para lang wag niyang mapansin ulit. Pina-panalangin kong sana ay meron akong invisible cloak ng mga oras na ito para makapag-pretend na hindi ako nag-e-exist. Nangangati na ang binti ko dahil sa kagat ng naligaw na lamok, tinitiis kong wag kamutin yun dahil ayaw kong gumalaw at baka lingunin niya 'ko.
Taenang lamok ka! Bwisit! Alis diyan! Halos mamilipit ako sa kati pero pinili kong wag gumalaw. Magkaka-dengue ka sa kalokohan mong yan JeyEn eh! Pinagalitan ko ang sarili.
Habang naghihintay makarating ng 6th floor, pinasadahan ko ng tingin ang lalaki sa pamamagitan ng sulok ng mata. No doubt. Gwapo talaga siya kahit saang anggulo tignan. Halos magkandaduling ako sa ginagawa pero tiniis ko.
Tiis lang JeyEn. Bihira ka makakita ng gwapo! Bulong ko sa sarili. Isang parte ng Peripheral Nervous System ko ay nangangarap na sana ay 100 storey ang building namin at doon pa kami parehas pupunta para mas makasama ko siya ng mas matagal. Ngayon ko lang na-appreciate ang kabagalan ng elevator na sinasakyan ko. Naisip ko, sa bagal nito, kung sa pang-isang daang palapag pa kami pupunta, baka pagdating namin doon ay may anak na kami! Natawa 'ko sa sariling kalokohan.
Meron pa rin palang ganitong nilalang na nabubuhay. Naisip ko pa. Shemay! Ampogi! Ang macho pa! Parang Greek God na bumaba sa lupa! Pinababa siguro dahil hindi siya bagay don... sakin kasi siya bagay! Ayiee!
Bahagya akong nalungkot ng sumapit kami sa 6th floor. Parang tinatamad na hinakbang ko ang mga paa palabas ng elevator na iyon. Hindi pa man nakakalabas ng tuluyan, sa hindi malamang dahilan ay mabilis namang sumara ang pinto.
"Ah, shit!" Mahina akong napamura. Naipit ang dalawang braso ko! Napangiwi ako sa sakit at napaatras. Tuluyan naman ng sumara ang pinto. Pinindot kong muli ang open button ngunit hindi na ito bumukas ulit. Pinindot ko na lang ang kasunod na button. Nahimas ko ang mga brasong nasaktan dahil sa pagkakaipit.
Napatingin ako sa lalaking kasabay. Naalala kong may kasama nga pala 'ko! Then everything synced-in.
"Gosh! Oh lupa, bumuka kana at kainin mo na'ko please! Now na!"
Kapagdaka ay napabusangot naman ako ng mapansin ang pigil na tawa niya.
Taenang to! Hindi man lang nag-tanong kung okay ako. Tinawanan pa ko! Napaka-gentleman! Hmp!" Nakakainis siya! Gwapo nga, ang sama naman ng ugali! Haist!
Sa pagkapahiya ay ipina-panalangin kong sana ay matapos na ang karimarimarim na karanasan at kamalasang ito sa buhay ko. Para namang slow-motion ang lahat, ito na ata ang pinaka-nakakainip na sandali ng buhay ko.
Pagkabukas na pagkabukas ng pinto sa 7th floor, hindi na ko nag-atubili at mabilis na hinakbang ang palabas. Mahirap na, baka maipit pa ulit at mapagtawanan ng gago - ay ng gwapo pala!
Hinding-hindi ko makakalimutan ang pagmu-mukha ng lalaking yun. Gusto ko mang mainis ay may isang parte pa rin ng pagkatao ko ang kinikilig pag naaalala siya. Tingin ko ay makikita ko pa siya ulit dahil naka-suot siya ng uniform. Sa lahat ng nakita kong naka-uniform na lalaki sa school, sa kanya lang ata bumagay iyon. Parang model lang.
Sayang, gwapo pa naman. Kaya lang, kasing-baho ng imburnal ang ugali. Tsk! Wala talagang perpektong gago - ay tao pala.
***********************
Author's Little Note:
Ikaw? Anong gagawin mo kung makasama mo ang crush mo sa mabagal na elevator at sa 100th floor kayo pupunta? :)
#FromRichesToRags
#FRTRChap5Elevator
BINABASA MO ANG
From Riches to Rags
General FictionSi Joyce Nichole ay isang nursing student na inilipat ng ama sa isang pipitsuging computer school mula sa isang prestihiyoso at sikat na paaralan. Parusa niya ito sa anak dahil binagsak nito ang mga subjects dahil nahihirapan daw itong mag-memorize...