<JeyEn's POV>
Ang lakas na ng tama ng Bad Trip sa aming lima. Puro kalokohan at tawanan na lang ang nangyayari. Ilang saglit lang ay naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko. Ng buksan ko yun, si mommy pala ang nagtext.
"Nak, Ingat pag-uwi ha."
Nag-reply ako agad kahit nagdo-doble na ang tingin ko. Buti na lang nakapag-load ako bago kami pumunta rito sa Central! "I will mom!"
Ng i-exit ko ang messaging application, naalala ko yung text ni Ube Pao. Binasa ko ulit yun. At dahil siguro sa tama ng alak, parang may sariling isip na nag-type ang mga daliri ko.
"Hi! Sorry if I didn't reply earlier. You know, super busy with the defense. Btw, thanks for cheering me up! :))"
Ng agad siyang mag-reply ay nagtuloy-tuloy ang pagte-text namin...
<Paolo's POV>
Maghapon akong wala sa mood simula ng hindi reply-an ni Joyce Nichole. Siguro dahil sa hindi ako sanay na bina-balewala ng kahit na sinong babae. Sanay akong sila ang nagkakandarapa, nagte-text at tumatawag sa akin. Pero siya, kung sino pa yung crush ko, siya pang nang-seen-zoned sakin! Ugh! Ang sakit sa damdamin!
Sa bagay ano bang ini-expect ko na sagot eh 'break a leg' lang naman yung sinabi ko! Ni hindi nga tanong un! Haist.
Alas-diyes na ng gabi. Kadarating ko lang ng bahay. Feeling ko pagod na pagod ako sa maghapong nagdaan kahit wala naman akong masyadong ginawa. Papasok na ko ng kwarto ng tumunog ang cellphone ko. Walang gana kong kinuha iyon sa bulsa at binasa.
"Hi! Sorry if I didn't reply earlier. You know, super busy with the defense. Btw, thanks for cheering me up! :))"
Nabuhay ang dugo ko ng makita ang pangalan ni Joyce Nichole na nag-flash sa screen ko! Busy lang pala talaga siya kaya hindi agad naka-reply! Ang paranoid ko! Feeling ko ngayon, lahat ng pagod ko sa buong maghapon ay nawala!
"Oh! It's nothing. How did it go?" Kaswal kong tanong. Kailangan kong magtanong para hindi agad maputol ang usapan namin!
"Okay naman. Pasado! Magaling kami eh! :D" Reply niya.
"Wow! Buti naman! Congrats! :)" Gusto ko sana na personal na mag-apologize tungkol dun sa nangyari sa elevator pero dahil gusto kong humaba pa ang usapan namin, in-open up ko na rin. "Nga pala, I'd like to apologize for being so rude at the elevator. I didn't mean to laugh at you. My bad. I'm really sorry :("
"Oh! Oo nga eh. Pinaalala mo pa. Apology NOT ACCEPTED! :P :P :P"
Shit! Wrong move? Pero may smiling faces? Nagjo-joke lang ba siya? Wala na kong ibang masabi kaya nag-reply na lang ako ng, "I really am sorry. :( :( :(."
She immediately replied. "You know what? I'm not so fond of discussing serious stuffs over the phone. So if you really are - as per what you've said - sorry, then tell it to me personally."
BINABASA MO ANG
From Riches to Rags
Fiksi UmumSi Joyce Nichole ay isang nursing student na inilipat ng ama sa isang pipitsuging computer school mula sa isang prestihiyoso at sikat na paaralan. Parusa niya ito sa anak dahil binagsak nito ang mga subjects dahil nahihirapan daw itong mag-memorize...