<JeyEn's POV>
"Group yourselves into five members. Kayo na lang ang bahalang pumili ng kagrupo ninyo" Ani Prof. Artemio Kastanyas.
Ang yummy ng apelyido niya... yung apelyido nga lang! Natawa ko sa sarili kong pag-iisip. Totoo naman eh! Isa pang batang guro na wala man lang atang ka-gwapuhang itinatago sa katawan. Masama na bang magsabi ng totoo ngayon? Kahit sa isip lang? Gosh! Napunta lang ako rito mas lalo ata akong nagiging makasalanan habang tumatagal. Forgive me Lord!
"May ka-group ka na?"
Nabasag ang pagmumuni-muni ko ng lumapit sa'kin si "My age is confidential." Napangiti ako. Yey! Looks like I'm having new acquaintances!
"Wala pa nga eh" Mabilis kong sagot.
"You wanna join us?" She smiled.
She has those very expressive eyes that hide everytime she smiles. It tells a lot of experiences. Kaya siguro magaan ang loob ko sa kanya since the first day of classes. I like her.
"Sure!" She immediately replied.
"I'm Louiellyn Grace by the way. Louie for short." Ini-angat niya ang braso para makipagkamay sa akin.
Mabilis ko naman iyong inabot at nagpakilala. "Joyce Nichole. You can call me JeyEn".
"These will be are our group members... O!, pakilala na kayo para matapos na 'tong kalokohang to." Baling niya sa mga kasama.
Napangiwi ako. Tama ba ung narinig ko?
Ang formal namin kanina tas biglang trash talk-an na? Nagkamali ata ako ng sasalihang grupo. Tsk.
Napansin ata niya ang pagkadismaya ko, she tapped my shoulder and said, "Hey, relax! Wag masyadong seryoso, maaga kang tatanda niyan." Then she smiled.
Napangiti na lang din ako. Isa-isang nagpakilala ang grupo. Yung nagsabing "baka siya na ang pinakamatanda" ay si James. Yung mukhang gigolo ay si Marcus. At ung single-mom ay si Chill Rae.
Kung iisipin, pwede ng pangalanan ang grupo nila ng "The working students group". Yun nga lang panira ako. Ako ang pinakabata sa edad na 17 at hindi working student. Certified palamunin pa nga ako sa bahay namin.
Eh bakit ba? Di ko naman kelangan magtrabaho. May kaya naman kami. Depensa ko sa sarili.
Ngunit sa kasuluk-sulukan ng pag-iisip ko, humahanga ako sa kanila dahil sa pananaw nila sa pag-aaral. They all have that same goal; ang makatapos at mai-angat ang mga pamilya sa kahirapan. Parang si daddy lang.
Palabas na kami ng building ng magtanong si Marcus. "San tayo gagawa ng thesis? Pwede ba sa inyo Louie?"
"Nah." Iling niya. "Walang space dun. Maliit lang ung kwartong inuupahan ko. Tas paglabas mo kalsada agad." Tumawa ito.
"Sa inyo, pre?" Baling nito kay James.
"Wala ring space pre. Kakalipat ko pa lang kasi. Di ko pa naayos ung mga box." Dahilan nito.
"Sa inyo Chill?... uhm, can I call you CR?" Pigil ang hagikgik niya.
"Ulul! Taena mo Marcus umayos ka ah!" Pabirong hinampas nito ang braso ni Marcus. "Maliit lang yung bahay namin. Di kayo pwede ron. Ikaw pa lang Marcus di na kasya ron!" Irap ni Chill.
"Anong tingin mo sakin, mataba? Macho kaya ako!" Pagyayabang nito.
"Saan banda?" She rolled her eyes.
"Gusto mong makita? Halika papakita ko sayo!" Ngumisi ito at nagtangkang hawakan siya sa braso.
"You're such a perv!" Hinawi nito ang kamay ni Marcus.
"Of course not! Ikaw nga 'tong nagpapantasya sa ka-macho-han ko kaya napapansin mong hindi ako kasya sa inyo! Ikaw ang perv!" Pangaasar pa nito.
"Whatever!" Inirapan na lang ni Chill si Marcus.
We all burst out with laughter. Ibang-iba ang biruan nila naisip ko. Ang biruan kasi namin noon ng mga barkada ko sa dati kong school ay puro pang-isip bata. Ung tipong, may manghahatak ng upuan para matumba ung uupo. Physical jokes. Kaya siguro isip-bata pa rin ako hanggang ngayon. At bentang benta sa akin ang mga matured jokes nila. Ang saya lang!
Habang tumatawa ay pinagmamasdan ko silang lahat. Ang lalakas lang tumawa parang walang bukas. Ng madako ang paningin ko kay James, mas lalo akong natawa. Napatingin tuloy silang lahat sa akin.
"Eto kasi eh!" Sabay turo ko kay James. "Tumatawa pero walang sounds! Yumuyugyog lang ung balikat parang cellphone na nagva-vibrate!" Halos magkanda-bulol ako sa pagkukwento at ang lakas ng tawa ko. Di ko talaga mapigilan. Ang sakit sa tiyan!
Sa katatawa ko may kung anong tumunog sa lalamunan ko na nagpatitig sa kanilang lahat sa akin.
"Taena, JeyEn! Plema ba yun? Kadiri ka!" Nang-aasar at tumatawang sabi ni Chill.
Again, we all burst out with laughter. Ngayon lang ako tumawa ng ganito kaya ngayon ko lang din nalaman na nagta-transform pala ang boses ko sa mga ganitong pagkakataon. Annoying pero parang hindi ako nahihiya sa kanila. I felt comfortable.
Siguro kung mga barkada ko sa dati kong school ang makakarinig nun, malamang umiwas na silang lahat sa akin dahil sabi nga ni Chill, kadiri! Yun nga lang ng sinabi ni Chill un, hindi naman siya nanghuhusga o kung ano pa man. Napansin lang talaga niya at ginawa itong pang-asar sa akin. They didn't judge me and it felt good.
Masaya kaming naghiwa-hiwalay ng mag-volunteer akong sa bahay na lang namin gumawa ng thesis. Malawak naman ung sala at matututuwa ang daddy pag nakita niyang nag-aaral ako. Wish ko lang.
***********************
Author's Little Note:
Ikaw? Nagkaron ka na ba ng kaklase at kabarkadang working student? How was it?
#FromRichesToRags
#FRTRChap3Friendzone
BINABASA MO ANG
From Riches to Rags
General FictionSi Joyce Nichole ay isang nursing student na inilipat ng ama sa isang pipitsuging computer school mula sa isang prestihiyoso at sikat na paaralan. Parusa niya ito sa anak dahil binagsak nito ang mga subjects dahil nahihirapan daw itong mag-memorize...