Chapter 32 - Blueberry Cheesecake

20 1 0
                                    


<JeyEn's POV>


"Woahw!" Nanlaki ang mata ko ng makita ang slice ng Blueberry Cheesecake na sinerve ng waiter. Nagniningning sa paningin ko ang panghimagas na iyon na para bang naga-anyayang matikman bagamat sinuman ay manghihinayang ukaban man lang ang cake sa perpektong pagkaka-himlay niyon sa platito.


"Go on. Try it." Nakangiting bigkas ni Chad. Napatingin naman ako sa kanya. Sinunggaban ko agad ang kutsarita at dahan-dahang ini-slice iyon na parang ninanamnam ang bawat sandali. Napapanganga ako sa swabeng pag-ukit ng kutsarita doon. At ng sumayad sa dila ko ang matamis na slice na iyon, napapikit ako sa sarap.


"Hmm... ang sarap!" nasabi ko na lang. OA man pero masarap talaga!


"Told you, makakalimutan mong problema mo pag natikman mo yan." Sumandok din si Chad at mabilis na sinubo iyon.


"Tama ka. Feeling ko nasa heaven ako eh." Humahagikgik na komento ko. Kasalukuyan kaming nasa Burgoo American Bar and Restaurant sa loob ng Mall Of Asia. Dito niya ko dinala pagkatapos ng pagda-drama ko sa may seaside. "Yung Mozzarella Cheesesticks ang sarap din! Pano mo nalaman na masarap pagkain dito?" dagdag ko pa habang inu-unti-unti ang pagsubo ng cheesecake.


"Lagi kaming kumakain dito ni Gwen. Pero hindi naman lahat ng pagkain dito masarap. Yan lang cheesecake saka cheesesticks." Mahinang sabi niya na inilapit pa ng konti ang ulo at pagkatapos ay humagikgik. Natawa ako sa ginawa niya. Di ko akalaing ang katulad ni Chad na mukhang brusko ay may funny at soft side na tinatago. Akala ko lagi siyang seryoso.


"Ikaw ha. Nahahawa ka na sa'kin. Puro kalokohan na rin." Komento ko.


"Ang lakas mong maka-BI eh." Kumutsara din siya sa cheesecake. "Ewan ko ba. Kung ikaw umiiyak pag nakikita ako, ako naman lumalabas ang kalokohan pag nakakasama ka."


"Uhm... Weird. Siguro talagang pinagtagpo tayo ng tadhana para maging magkaibigan." Kibit-balikat ko.


"Pano kung di pala magkaibigan lang? Pano kung ako pala talaga ang tinadhana para sayo?"


Sakto namang kakasubo ko lang ng cheesecake at dahil sa di inaasahang tanong niya, nalunok ko iyon ng dire-diretso. Uubo-ubo kong iniabot ang baso ng tubig at mabilis na nilagok iyon.


"Okay ka lang?" tumatawang tanong niya.


"Ikaw kasi mga tanong mo, imba!" sagot ko habang pinupunasan ng table napkin ang bibig.


"Wala naman sigurong masama sa tanong ko. " nakangiti pero seryosong sagot niya.


"Seriously?" tanong ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga oras na 'to. Ni hindi sumagi sa isip ko ang mga sinabi niya.


"I like you." Nakatitig na pag-amin niya. "I'm not like the other guys you know na pinapatagal pa ang mga bagay-bagay. If I like you, I'll tell you. If I wanna be your man, I'll make a way at hindi ako magbibigay ng pagkakataon para sa iba."

From Riches to RagsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon