<JeyEn's POV>
"Woah!" Halos sabay-sabay na nasambit ng barkada ng marating ang bahay namin.
"Bahay niyo to, JeyEn?" Di makapaniwalang tanong ni Louie.
Napangiti ako at tumango. Na-weird-uhan ako sa naging reaction nila. Yung mga barkada ko kasing nagsisipunta dito dati ay nilalait pa ang bahay namin dahil ang dami-dami naman daw naming pera pero bakit daw ang liit ng bahay. Hiyang-hiya ako at halos hindi ko na sila papuntahin ulit kung hindi lang dahil sa projects namin. At naliitan pa talaga sila sa mansion namin! Three storey house kaya iyon! Pito ang kwarto di pa kasama ang kwarto ng mga kasambahay. Living room na kasing laki ng basketball court - half nga lang. At kamustahin mo ang kusina! Dahil mahilig magluto si mommy, mas malaki pa ito sa living room at kumpleto ang kitchen utensils. Napaismid ako ng maalala ang mga dati kong barkada.
"Weh, di nga?" Segunda ni Chill. "Alam mo girl, okay lang kung maliit ang bahay niyo basta nagsasabi ka ng totoo sa amin. Baka naman kasi mamaya eh pumasok kami diyan, tapos bigla na lang kaming kaladkarin palabas dahil napagkamalan kaming budol-budol gang."
Natawa ko sa itsura niya. Mukhang nakikipag-usap sa isang taong malaki ang problema. Ang bait ng mukha at nakahawak pa sa braso ko. Concern na concern!
"Oo nga! Bahay nga namin to! Kakaladkarin talaga? Baliw!" Hinawi ko ang kamay niya at nagpatiuna na sa gate para pumasok. Tatawa-tawa.
Nag-aalangang nagsisunod na lang sila sa akin. Hindi pa man kami nakakarating sa main door ay bumukas na ito at iniluwa ang isang babaeng may maganda at maamong mukha. Hindi man ganun kabongga ang suot niya, sa pagkakatayo pa lang ay mahahalata na ang classy personality niya.
Well, obviously she's my mom. Kanino pa ba ko magmamana ng kagandahan? Chos!
"Hi, mother dear!" Lumawak ang ngiti nya, lumapit ako agad at hinalikan siya sa pisngi.
"Nak." Masuyong salubong niya.
"Kelan ka pa po dumating?" Masayang tanong ko.
"I'm just a couple o' minutes ahead of you, sweetheart." She replied. "Oh, you have company?" She smiled and turned her attention to them.
"Ah, yeah! Guys, meet my mom. Olivia Gina Olivares. Ang pinaka-magandang nanay sa balat ng lupa!" I winked at them.
"Oh! Nak, wag mo na kong bolahin. Alam kong nagpapahiwatig ka lang ng pasalubong!" She jokingly rolled her eyes.
"Ang ganda niyo naman po talaga." Sang-ayon ni Chill. "Sigurado po bang anak niyo to?" Sabay turo sa akin. "Para po kasing naipagpalit lang sa ospital."
"Oo nga po, ampon niyo po ba 'to?" Dugtong ni Louie.
Pinanlakihan ko nga sila ng mata! "Di ko kayo bibigyan ng chocolate! Hmp!"
"Uy, hindi, joke lang, ang ganda-ganda mo kaya..." Malambing na sabi ni Chill. "Pwede na sakin Toblerone ah." Pabiro niya akong siniko.
BINABASA MO ANG
From Riches to Rags
General FictionSi Joyce Nichole ay isang nursing student na inilipat ng ama sa isang pipitsuging computer school mula sa isang prestihiyoso at sikat na paaralan. Parusa niya ito sa anak dahil binagsak nito ang mga subjects dahil nahihirapan daw itong mag-memorize...