<JeyEn's POV>
"Kayo na?" sabay-sabay na bigkas ng barkada. Para lang silang sumali sa contest ng sabayang pagbigkas. Ang o-OA ng reaksiyon!
"Oo nga!" Napatirik na lang ako ng mata.
"Ganun lang?" takang tanong ni bebeh Chill.
"Anong ganun lang?" isinubo ko ang natitirang laman ng barbeque sa stick. Naiwan ang taba niyon. Mabilis namang kinuha iyon ni bebeh Louie na pilit pang inabot mula sa pagkakaupo niya sa kabilang kabisera ng lamesa. Di ako magtataka kung isang araw bigla na lang siyang ma-high-blood. Ang hilig kasi sa taba ng barbeque!
"Ibig mong sabihin pumayag kang maging kayo kahit alam mong aalis na siya?" tanong din ni James.
Tumango ako. Hindi ko ma-gets yung patutunguhan ng mga tanong nila. Pero nase-sense kong magkakaron ng kontrabida ang lablayp ko!
"Alam mo ba yang pinapasok mo, JeyEn?" tanong din ni Marcus. Ngayon ko lang ata siya nakitang sumeryoso.
"Alam ko." Tipid kong sagot. Naiirita na ko sa mga tanong nila pero pinipigilan ko na lang. Akala ko pa naman matutuwa sila na kami na ng mahal kong si Ube Pao. Parang hindi ganun ang nangyari. Na-disappoint tuloy ako.
Sandaling tumahimik ang lahat. Sa pagkakatanda ko ngayon lang kami nagkaron ng ganitong pagkailang sa isa't-isa. Awkward moment. Yung parang lahat may kani-kaniyang iniisip at walang gustong mag-umpisang magsalita.
"Hayaan niyo na si JeyEn. Masaya na siya eh." Maya-maya ay sabi ni bebeh Louie sabay lagok ng coke sa baso.
"Seriously?" mataray na tanong ni bebeh Chill kay bebeh Louie. "Bebeh, alam mo bang sinasabi mo?"
Nagkibit balikat lang ang nauna. Kahit tahimik siya alam ko hindi rin siya natuwa sa nangyari. Pero at least hindi siya kumokontra.
"Kakayanin ko naman kahit long distance relationship ang mangyari sa amin." Sagot ko.
"Madaling sabihin yan kasi wala ka pa sa sitwasyon." Sagot din ni bebeh Chill.
"Siguro. Ewan ko." Iritableng sagot ko. Gusto ko ng itigil ang usapan dahil sigurado mag-aaway-away lang kami. Buti na lang walang gaanong tao dito sa kinakainan namin ng barbeque kaya kahit magtaas ako ng boses, walang makakapansin.
"Relax lang girls." Pumagitna na si Marcus. Obvious naman ang nabui-build-up na tensiyon sa amin.
"Look, kinuwento ko sa inyo yung nangyari kasi akala ko matutuwa kayo na masaya na ko. Eh mukhang hindi ganun. Hindi niyo ba kayang maging masaya para sakin? Ayaw niyo ba kong sumaya?" Puno ng hinanakit na paliwanag ko.
"Hindi mo nage-gets yung point eh!" inis na sagot ni bebeh Chill.
BINABASA MO ANG
From Riches to Rags
Genel KurguSi Joyce Nichole ay isang nursing student na inilipat ng ama sa isang pipitsuging computer school mula sa isang prestihiyoso at sikat na paaralan. Parusa niya ito sa anak dahil binagsak nito ang mga subjects dahil nahihirapan daw itong mag-memorize...