Kasalukuyan:
<JeyEn's POV>
"Yun na nga yung nangyari sa loob ng bar." Mahabang kwento ni bebeh Louie habang ngumunguya ng fries.
"Shit!" Napatingin siya ng mag-mura ako. "Naalala ko ng lahat! Akala ko panaginip lang, hindi pala." At malinaw na nagflashback sa akin ang mga kasunod na pangyayari...
Nakaraan:
Pasuray-suray kaming naglakad palabas ng bar. Habang daan ay nagkukulitan pa rin kami at nagbibiruan. Si Paolo? Eto kasama pa rin namin! Medyo lasing na rin siya. Malakas din naman palang uminom ang loko! At maingay din pala! Madami ring jokes na hinugot pa ata sa baul at talagang tawang-tawa 'ko sa mga banat niya! Haist! Nakakainlab!
"Guys, kain muna tayo. Sige na." Pagdating sa parking lot ay malambing na sabi ko.
"Anong kakainin mo bebeh? Ang takaw mo talaga!" Pang-aasar ni bebeh Chill.
"Eh sa nagugutom ako, wag ka epal bebeh!" Umiirap na sagot ko. "Gusto ko ung itlog..." Natigilan ako at napaisip. Nakalimutan ko kung anong tawag sa pagkain na yun. "Ano nga bang tawag dun?"
Tahimik naman nilang hinintay ang sasabihin ko. "Nasa dulo na ng dila ko eh. Ano bang tawag dun sa itlog na nakabalot sa kulay orange? Kwak-kwak ba yun?" Seryosong tanong ko.
Nagtawanan silang lahat. Seryoso kaya ako!
"Kwek-kwek un bebeh!" Tumatawang pagko-korek ni bebeh Chill. "Iba yung kwak-kwak. Yun yung sira, wasak!"
"Wak-wak naman yung sinasabi mo CR! Bobokels ka talaga!" Tumatawang pang-aasar ni Marcus.
"Bobokels ka jan! Talino ah! Wak-wakin ko mukha mo eh! Ano?!" Umamba itong susuntok.
"San tayo hahanap ng kwek-kwek sa ganitong oras, JeyEn?" Pagiiba ng usapan ni James.
"Ako may alam ako!" Pagboboluntaryo ni Paolo. Para lang siyang estudyanteng nagmamagaling sa klase na excited sa pagsagot, nagtaas pa ng kamay! "Di ba meron nun sa Mini Stop?"
"Oo nga pala! Meron nga pala ron pero Fried Tamago yung tawag nila." Sagot ni James.
"Ah yun pala tawag dun." Tumatangu-tango si Paolo.
"Bobokels ka rin pala pare!" Hirit na naman ni Marcus!
"Oi, tigil-tigilan mo yang pagsasabi ng bobokels!" Pagsasaway ni bebeh Louie. "Hindi naman talaga kwek-kwek ang tawag dun, tokneneng!"
"Weh? Di nga?" Di makapaniwalang bulalas ni Marcus.
"Pag itlog ng manok, kwek-kwek ang tawag. Pero pag itlog ng pugo, tokneneng yun!" Paliwanag ni bebeh Louie. "Wag ka na nga! Kontra pa eh!"
BINABASA MO ANG
From Riches to Rags
General FictionSi Joyce Nichole ay isang nursing student na inilipat ng ama sa isang pipitsuging computer school mula sa isang prestihiyoso at sikat na paaralan. Parusa niya ito sa anak dahil binagsak nito ang mga subjects dahil nahihirapan daw itong mag-memorize...