<JeyEn's POV>
"Leaving where? Saan kayo pupunta?" Sunod-sunod kong tanong. Di pa man ay nakaramdam na agad ako ng kalungkutan.
"New York." Mahinang sabi niya.
"Ilang taon kayo ron?"
"For good."
I paused. Dina-digest ang katotohanang sinabi niya. Nagpatuloy siya ng pagsasalita, "Kaya binenta na namin ang shares ng school. Our other assets are still being sold. Finally, after settling everything, saka kami aalis at di na ulit babalik."
Nalaglag ang balikat ko sa sinabi niya. Kaya pala. Iniisip ko pa lang na aalis siya, nami-miss ko na siya agad.
"That last night we talked. After I called you, dad talked to me about the relocation. Hindi ko inakalang itutuloy niya ang planong pagma-migrate. Akala ko puro plano lang yon dahil madami siyang business dito sa Pilipinas."
Wala akong masabi sa pinagtapat niya. Nakikinig lang ako habang nagsasalita siya.
"Nung gabing iyon hindi pa nag-synced-in sa akin yung mga sinabi niya. Sabi ko sa sarili ko, mahaba pa'ng panahon. Madaming aasikasuhin at ibebenta kaya baka magbago pa siya ng isip. Pero kinabukasan, sinama niya ko sa pagse-settle ng naibenta na niyang farm lot namin sa Bulacan."
Mula sa pagkakayuko ay bahagya siyang umunat sa pagkakatayo at tumingala sa kalangitan. Lumapat sa mukha niya ang mumunting patak ng ulan. Pumikit siya at nagpatuloy.
"Doon ko nalaman na kokonti na pala ang mga dapat i-settle. Na-materialized na pala ang mga plano niya a few months back pa."
Lumingon siya sa akin. Pinagmasdan ko siya kahit nanlalabo sa pinagsamang ulan at luha ang mga mata ko.
"Do you understand now?"
I paused for a while. Yeah, he is leaving but I still can't see the point of him avoiding me. Ito nga siguro yung sinasabi niyang hindi ko maiitindihan. Umiling ako.
He chuckled with sarcasm. At nakapamewang na naglakad-lakad ng pabalik-balik. He's troubled and I couldn't see the reason. Ilang saglit lang ay huminto siya sa harap ko at matamang tumitig sa akin.
"Iniwasan kita dahil ayokong mas masaktan ka. Ginawa ko yon para sayo."
Bahagya akong nagulat sa sinabi niya.
"I-I don't understand. Bakit ako? Why is it my fault?" Naguguluhan na talaga ko sa mga sinasabi niya.
"Oh God..." Naihilamos niya ang dalawang palad sa mukha.
BINABASA MO ANG
From Riches to Rags
General FictionSi Joyce Nichole ay isang nursing student na inilipat ng ama sa isang pipitsuging computer school mula sa isang prestihiyoso at sikat na paaralan. Parusa niya ito sa anak dahil binagsak nito ang mga subjects dahil nahihirapan daw itong mag-memorize...