Chapter 17 - Bulalo

54 3 0
                                    

<JeyEn's POV>


"San tayo?" Narinig kong tanong ni Marcus sa barkada. Kasalukuyan kaming palabas ng building ng school.


"Oo nga. San gala? Ang aga pa oh, 8AM pa lang!" Sang-ayon ni bebeh Chill habang nakatingin sa relo ng cellphone niya.


"Kain tayo." Matipid na sagot ni bebeh Louie. "Last week pa ko nagce-crave sa Bulalo."


"Sige! Sang resto tayo pupunta?" Sang-ayon ni Marcus.


"Wala ng bawian yan ha!" Nakangising sagot agad ni bebeh Louie. "Sa Leslie's..."


"San yun?" Tanong ni James.


"Sa Tagaytay!" Sagot agad ni bebeh Louie sabay pasok sa sasakyan ng humahagikgik.


Natigilan kaming lahat at nagkatinginan.


"Huwaaaat?" Sabay-sabay naming hiyaw. Nagpapalatak na nagsi-sakayan na lang din kami. Puro wala namang importanteng lakad kaya nag-go na lang din ang lahat.


Di pa nakakaalis ang sasakyan ay natanaw naming palabas din ng building si Paolo. Napatingin kami kay James na nasa passenger's seat ng buksan niya ang bintana at tawagin ito.


"Pre!"


"Uy! Pare! Kamusta?" Lumapit naman siya sa sasakyan. Nagtama ang paningin namin ng silipin niya ang mga sakay nito sabay ngiti. Gosh! Para na naman akong nag-triathlon sa bilis ng tibok ng puso ko! Para kong mauubusan ng hangin! Kelangan ko na atang magpadagdag ng lungs! Hyperventilation at its best!


"May lakad ka? Tara sama ka samin!" Nakangising aya niya.


"Wala naman. Saan pre?"


"Kakain ng Bulalo." Napangiti ako ng matunugan ang panti-trip niya kay Paolo. Bumabawi!


"Talaga? Nagugutom nga ako. Sige!" Sumakay na nga siya ng sasakyan. Katabi ko siya ngayon. Oh well, mukhang alam ko ng hindi ako mapapakali sa buong byahe namin! Ang layo pa naman ng Tagaytay!


Nagsimulang paandarin ni Marcus ang sasakyan. Nagkukuwentuhan lang kami ng mga karanasan nung nagdaang sembreak. Halos tatlong linggo rin ang nagdaan matapos ang inuman sa Central at ngayon lang ulit kami nagkita-kita. Di rin naman kasi mahilig mag-kamustahan ang barkada sa text kaya pag nagkikita kami ay parang 10 years kaming hindi nagkita sa haba ng kwentuhan! Mas okay na rin siguro yung ganun, hindi kami nagkakasawaan!


Si Paolo naman, nagtetext siya once in a while. At dahil nga hindi kami parehas mahilig magtext, hindi rin nag-work-out ang pagiging textmate namin!


Maya maya lang ay bumaling si bebeh Chill kay Paolo. "Boi, kain ka muna ng biskwit." Inabutan niya ng Skyflakes ang huli. "Baka malipasan ka ng gutom."

From Riches to RagsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon