<JeyEn's POV>
"Dinala mo ba lahat ng nakalista?" tanong ni bebeh Louie pagka-upong pagka-upo ko sa tabi niya.
"Oo bebeh. Wala pa ba sila?" sabay lingon ko sa paligid. Kasalukuyan kaming nasa MCDo at hinihintay ang buong barkada. Well, napag-trip-an lang naman naming umakyat ng bundok at mag-relax pagkatapos ng madugong exams ng nakaraang linggo.
"On the way na raw. Alam mo naman ibig sabihin ng on the way nasa bahay pa at naliligo o kaya kakagising lang. Anyways, nag-breakfast kana? Kain muna tayo." Alok niya at tumayo.
"Busog pa ko bebeh."
"Sus, baka mamaya manlambot yang tuhod mo habang umaakyat ah! Kailangan mo ng energy dapat kumain ka ng heavy. Ibu-burn mo rin naman yun mamaya." Mahabang litanya niya. Napailing na lang ako. Si bebeh talaga palagi na lang akong inaalala daig pa ang nanay ko!
"Oo na po. Eto na kukuha na ko ng pambili." Tumayo na ko bago pa siya magsalita ulit siya namang pagdating ni Chad.
"Salut mon beau JeyEn!" magiliw na bati niya. Paglapit pa lang niya sa amin, jusme ang mga mata ng nasa paligid, sa kanya na lahat nakatingin. Di ko ma-imagine kung magiging boyfriend ko si Chad, baka lagi lang kaming mag-away dahil ayoko siyang titignan ng iba parang si Paolo lang noon. Selosa lang ang peg!
"Anong sabi mo? monbu...?" takang tanong ko.
"Mon Bu-ang" pang-aasar ni bebeh Louie sabay hagikgik. Inirapan ko nga!
"Salut Mon Beau means Hello my beautiful in french!" Tumatawang paliwanag niya.
"Ah... I know right! In-born!" mayabang kong sagot na tinatapik-tapik pa ang dibdib. "Anyways, bibili kami ng breakfast sama ka?"
"Let me do that. Anong gusto mo?" Inilapag niya ang bag at kinuha ang wallet sa bulsa ng trekking shorts na suot.
"1 piece chicken with fries!" mabilis kong sagot.
"Ang bilis sumagot pag libre!" komento ni bebeh Louie.
"Ay, alam mo yan bebeh. Magic word!"
Bahagya namang tumawa si Chad at inaya na si bebeh Louie sa counter. Maya-maya lang ay isa-isa ng dumating ang buong barkada at naghanda na kaming umalis. Excited ako dahil first time kong magte-trek. It's gonna be an exhilarating day!
***
"Do you need help on your bag?" Tanong ni Chad ng mag-simula na kaming maglakad.
"Nope. Kaya ko naman. Saka mabigat din yang dala mo." Tugon ko.
"Yeah, pero pag kailangan mong bawasan sabihin mo lang ha. I'll carry them."
"Chad yung sa akin mabigat, pwede mong bitbitin?" maarteng sabat ni bebeh Chill. Tumigil pa talaga siya sa paglalakad at lumingon sa amin.
BINABASA MO ANG
From Riches to Rags
General FictionSi Joyce Nichole ay isang nursing student na inilipat ng ama sa isang pipitsuging computer school mula sa isang prestihiyoso at sikat na paaralan. Parusa niya ito sa anak dahil binagsak nito ang mga subjects dahil nahihirapan daw itong mag-memorize...