Wala akong boyfriend ever since minulat ko yung mga mata ko at makita ang mundo. Tanggap ko naman eh! Pero napraning akong bigla nang tinanong ako kung inggit ba raw ako?! Kaya naghanap ako para katuwaan lamang sana, ginamit ang mukha ng lalaking di ko kilala.
Naging unfair naman sa laro ang tadhana nang makilala ko talaga siya. Akala ko magiging totoo na yung status ko sa Facebook. Pero ang gaspang pala ng ugali! Bastos na't suplado! Kilala siya ng lahat dahil siya si Sign.
Si Sign, mamahalin ko pa rin ba siya kahit nagustuhan niya lang pala ako dahil nais niyang makalimutan yung babaeng talagang mahal niya?
Sino ang pipiliin niya, iyong babaeng mahal niya at nang-iwan sa kanya o ang babaeng minahal na siya at sobra pa?