Kabanata 5
Boyfriend Mo Yun Diba, Erin?
Natapos na lang ang graduation namin na hindi pa rin ako pinapansin ni Fade. Well, pinapansin naman niya ako pero isang beses lang. Gaya nung graduation, nag-nod lang siya sa akin matapos namin kantahin yung Graduation Song namin.
Nabalitaan ko ring may something na sa kanila ni Gail after nung Valentine’s Day. Umiyak talaga ako kasi hindi ko matanggap! Akala ko kasi na may gusto rin siya sakin matapos niya ako bigyan ng rose! Pero di pala! Ang assuming ko! Kasi si Gail pala yung type niya! Langya naman! Si Gail pa talaga!
Panay naman ang tanong sakin nina Flare kung nag-away ba raw kami ni Calvin kasi ang tamlay ko nung practice days namin.
Tuloy wala akong sun rays na pwedeng isuka nung graduation kasi kinain na lahat ni Gail!
Matapos ang graduation, napag-usapan naming mamasyal nina Flare, Adrienne at Clan.
Pumasok kami sa isang mall at agad namang lumabas kasi wala kaming mabili. Lahat kasi mahal!
Kaya lumipat kami sa kabilang mall at naglaro sa Arcade.
Pagabi na nang naisipan naming kumain sa isang sosyal na lugar.
“Diyan tayo oh!” Sabay turo ni Clan sa kainan na may SIGN na “The Front Street Grill”.
Amoy grilled ng kung anu-ano ang lugar. Marami ring tao kaya medyo nahirapan kami sa paghahanap ng mauupuan.
Nakahanap naman kami ng magandang pwesto dun malapit sa may malaking glass window na tanaw ang ilog ng Janera.
“Ang ganda naman dito!” Sabi ko.
“Mas maganda pa rin yung view mula dun sa Pryce Plaza Hotel! Tanaw talaga yung buong Janera!” Kontra ni Adrienne. Medyo rich kasi sila Adrienne kaya labas-pasok lang siya sa mga hotels dito sa Janera.
Sinabi rin niyang pumunta kami dun minsan. Libre naman daw yung entrance eh. Magkunwari lang daw kaming may kakilala sa loob. Pumayag din naman kami kasi nga sossy nga yung hotel na yun dito!
“Good evening, Ma’am! Welcome to The Front Street Grill!” Sabi nung waitress na kanina pa nakatayo sa gilid. Nagbigay din siya ng menu at inilabas yung notebook niya para isulat yung orders namin.
“Anong sa inyo?” Tanong ko after kong ma-browse yung menu nila.
Di medyo mahal dito. Pero mas mahal pa rin kumpara sa Jollibee.
“Ito ang akin, Miss!” Tinuro ko yung larawan ng pagkain na may grilled chicken, dalawang rice at isang glass ng coke.
Tinignan naman ni Clan yung tinuro ko at yun na rin ang inorder. Gumaya naman sina Flare at Adrienne.
Kakaalis lang nung waitress papuntang counter nang mapalingon kaming bigla sa grupo ng mga lalaki at babaeng nagtatawanan.
“HAHAHA!!! Oo, pre! Naaalala ko yun!” Sabi nung isa.
“Ang insensitive naman!” Sabi ni Flare at kinuha yung cellphone niya mula sa bag niya.
Wala na sa grupong yun ang tingin ng mga kaibigan ko. Pero naiwan pa rin dun yung akin dahil may nahagip yung mga mata ko.
Yung buhok, tindig, at mukha. Memorize ko yun dahil ilang beses ko ng tinitingnan yung picture niya! At yung mga pilik-mata niya, alam ko ang bilang nun eh!
Tumayo yung lalaking nasa harapan niya kaya kitang-kita ko na siya ngayon. May kaakbay siyang babae. Girlfriend niya siguro. Di ko naman mawari kung bakit medyo nanghinayang ako. Medyo nasaktan. Medyo nagselos. Seriously?
Dahil alam kong weird tong feeling nato, inisip ko nalang si Fade... kasama si Gail. Grrrr! Lalong masakit!
“Punta lang muna ako ng CR ha?” Sabi ni Adrienne.
Kami nalang tatlo ang nandito. Panay naman ang text ni Flare. Si Clan naman ay nakatingin lang sa ilog. Habang ako? Nakatingin lang kay Calvin.
Posible ko pala talaga siyang makita no? Tunay ngang maliit ang mundo! Dahil dati sa Facebook ko lang siya nakikita, pero ngayon, ilang hakbang na lamang at mahahalikan ko na siya.
Nakahinga naman ako nang malalim nang marealize na di pa nakikita nina Flare si Calvin.
Kaso nga lang, nagtawanan na naman bigla sina Calvin kaya napalingon agad si Clan doon. Si Clan lang kasi kausap ni Flare sa phone yung mama niya. Hinahanap na ata.
Pero bago paman makita ni Clan si Calvin na natatabunan ng kakabalik lang na kasamahan, kinuha ko na agad yung atensyon niya.
“Clan! May nagtext sayo oh!”
Agad naman niyang kinuha yung phone niya na nakapatong sa table.
“Wala naman ah?” Tas tinignan niya ako nang masama.
“Wala ba? A-akala ko meron. Tumunog kasi kanina eh!” Tas tumawa ako nang bahagya.
Matapos nun, di na ulit tumingin si Clan dun kina Calvin kahit panay pa rin ang tawanan nila. Na-immune na siguro yung tenga niya sa ingay.
Pero nagka-problema na naman ako nang si Adrienne na naman ang nakatingin kina Calvin. Kakalabas pa kasi niya mula sa CR nang nagtawanan na naman sina Calvin. Ang saya talaga nila eh no? Laging nagtatawanan.
Natataranta na ako kasi nasa table na nila Calvin yung tingin ni Adrienne. At dahil dun, bigla kong tumayo at tinawag si Adrienne.
“Adrienne!”
Kumaway naman ako nang husto nang lumingon na siya sa akin. Weird ko siguro. Parang kakakita lang namin sa asta kong ito.
“Bakit, Erin? May kailangan ka?” Tanong niya nang makaupo na siya ulit.
“W-wala naman! Akala ko kasi nawawala ka kasi sa ibang table ka nakatingin. Hehehe.”
Nagchikahan nalang din kami habang hinihintay yung order namin. Panay pa rin yung tawanan nila Calvin pero di na sila medyo affected. Nasanay na rin siguro sa ingay nila. Mabuti na rin yun para di na tumingin dun sina Flare.
Kumakain na kami ngayon. Medyo nasarapan siguro ako sa pagkain para di mapansin ang paglingon nila Flare kina Calvin.
“Boyfriend mo yun. Diba, Erin?”