Kabanata 1

20 2 0
                                    

Kabanata 1

In A Relationship

"Erin P. Villarin is in a relationship with Calvin D. Alonzo."

Tapos na! At sa di ko malamang dahilan, kinikilig ako nang todo mula dito sa kinauupuan ko! Para akong kiti-kiti. Parang it tickles me from the inside ang pakiramdam. Camay kumbaga. Ganon! Yung ganong feeling! Pero ito, kahit di mo nahahawakan o naaamoy, pero ramdam mong sobrang kiliti ka mula sa loob! 

"Ang gwapo mo talaga!" Sabi ko dun sa profile photo ng boyfriend ko kuno. 

Naisip ko kasing maglaro. Pagtripan yung mga kaibigan ko. Kasali na rin yata yung sarili ko noh? Pero kasi talagang nainis ako dun sa tanong ni Gail kanina! Yun ba talaga ang tingin niya sakin? Tingin nila sa akin? Habang nakikipaglandian sila sa mga lalaki, talaga bang tingin nila'y naiinggit ako? Tinitignan sila mula sa malayo at humihiling na sana ganon din ang nararanasan ko? SERIOUSLY, Gail? Seriously, batchmates? THE HELL! 

Kaya sobra akong na-challenge! AKALA NILA HA! Kaya naisipan kong ibahin yung pangalan ng ibang account ko sa Facebook, gamitin ang mukha ng isang lalaking pleasing to the eyes din, at sabihin sa buong netizens at citizens na di ako nag-iisa! Na may nagkaka-interes rin sakin kahit papano! Kahit hanggang Facebook lang! 

"Oh, Erin! Kain na! Patayin mo na yang computer! Kanina ka pa diyan ah?!" Sigaw ni mama sa akin habang nagta-type ako ng status gamit yung account ni Calvin at pinost dun sa Timeline ko. 

"At long last, Rin! You undeniably made my day! See you tomorrow! " Yun ang status ni Calvin. Para maisip naman ng mga stalker kong mga kaibigan na masayang-masaya si Calvin dahil finally, alam na ng buong Facebook community ang relasyon naming dalawa. BWA-HA-HA!!! 

"Ha? Ah! Teka lang, ma! Mauna nalang muna kayo! Papatayin ko na'to. Sandali lang talaga!" Medyo naha-high na kasi ako dun sa bati ng mga friends ko sa FB. At ako't tuwang-tuwa naaaa! Nakikita ko na ang araw ko sa Lunes! Alam kong malulunod ako sa mga tanong nila tungkol samin ni Calvin!

"Oy! Congrats!" Comment nung isa sa friends ko.

"Salamat!" At marami pa akong pinasalamatan sa pagbati nila para sa amin ni Calvin. 

Nakahiga na ako sa kama. Di ko naman maiwasang isipin na paano kaya kung makita ko nga yung si Calvin. Yung tao talaga sa picture! Ano kaya? Ipagtabuyan niya ako kasi nga ginamit ko yung mukha niya diba? Ipapahiya kaya niya ako? Kakasuhan dahil nilabag ko yung R.A. 0926123456 or No Borrowing of Other's Faces Act? Ngunit sa loob-looban ko nangangarap ako na magiging totoo yung relationship status ko. Totohanin niya sana. Pero alin kaya dun ang mangyayari? Yung huli sana. 

Loving SignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon