Author's Note:
Hello po, readers! Unang beses ko po ito sa larangan ng pagsulat. Though nakapagsulat na ako ng stories dati, pero unfinished po lahat! Hehehe. Nawawala kasi ang gana ko minsan.
Sana po ay magustuhan niyo tong unang story na sinulat ko. Medyo inspired akong sumulat ngayon eh. Nangangati na nga ako. LOL. Alam ko rin pong masakit sa mata yung mahahabang narration. Kaya pasensya na po. Sa unang bahagi lang po yan! (Nga ba? HAHAHA!!!)
PS. Ang unang mga bahagi po ng story nato ay base na rin po sa sarili kong karanasan. Pero medyo edited nga lang po. At yung ibang parts naman ay exaggeration ko na lamang po. Hahaha!!! :D
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Simula
"Oh, ikaw, Flare, nagalaw ka na ba nung boyfriend mong sagana sa bitamina ang katawan?"
Nakaupo kami ng mga kaibigan ko sa may benches malapit sa entrance gate ng school namin. Tapos na ang klase namin kaya nandito kami para magsayang muna ng oras. Naglalaro kami ng Truth or Dare. Pero apparently, tinatamad ang lahat kaya Truth ang laging pinipili.
"Sa tingin niyo?" Hamon ni Flare.
Apat kami lahat sa grupo. At isa si Flare sa mga magaganda. Matalino rin siya't magaling sa salitaan. Kaya laging pambato yan tuwing may reporting kami. Ngunit, may record na rin siya sa larangan ng landian. Kaya yan ang tinanong sa kanya.
"Ay, naku naman! Di ka naman artista Flare kaya wag showbiz ang sagot mo! 'Kay?" Sabi ni Adrienne. Siya rin yung nagtanong kay Flare kanina.
"HAHAHA!!! Seryoso niyo naman! Syempre noh! Di pa! This!" Sabi niya tapos tinaas niya yung kanang kamay niya at tinuro yung singsing na binili niya sa Divisoria kahapon. "My chastity ring! May pinangangalagaan ako, friends." Wink.
"Nasa kamay niya lang pala ang sagot."
Napatingin kami lahat dun sa babaeng naka-sleeveless at shorts. Di ko naman mawari kung paano siya nakapasok sa school nang ganyan. May sinuhol siguro sa guard.
Si Gail nga pala yun. Yung maarte sa buong batch namin. Medyo malandi rin.
"Ah, okay. Oh, sige! Si Erin na! Kanina pa siya handa eh!" Sabi ni Adrienne nang di pinapansin si Gail sa gilid namin na nakatayo at nakikiusisa. Supervisor ba siya? Ba't siya ganyan? Chismosa talaga!
"Naku! Di naman!" Sinabayan ko pa ng tawa. Lol.
"Ako na ang magtatanong! Oh, Erin! Naiinggit ka ba saming mga may kinatatagpo na? Ha?!" Oh, shocks! Pambihira! Anong paki niya? At ang lakas pa ng loob at yan pa talaga ang tinanong sakin?! Hello, Gail? Close tayo?
Kilala kasi ako sa buong batch namin na NBSB. Kaya big deal yata sa iba ang pagiging kulang ko sa karanasan tungkol sa pag-ibig.
Malandi si Gail. Nasabi ko na, diba? Kaya ayaw ko sa kanya kasi praning! May galit daw siya sa mga malalandi. Pero kahit pala siya malandi rin. Maraming katext at kameet. Yan! Yan ang gawain ng mga babaeng di makapag-antay! Kaya sila na mismo ang gumagawa ng paraan para mapansin ng mga lalaki. Halos naman sa amin ay ayaw sa kanya.
Medyo napikon ako sa tanong nya. Akala ko kasi obyus namang di ako naiinggit. Pero di niya pala nagets.
Kahit naman wala akong boyfriend simula't sapol, di naman ako maiinggitin. Medyo nagtataka lang ako kung ano yung maaaring pakiramdam pag may boyfriend ka. Yun lang! Hanggang dun lang yung thoughts ko!
Mabuti nalang at pagabi na kaya di niya mahahalata yung pagkairita ko sa kanya.
"Di, Gail. Kahit kailan." Nga ba?
"Naku! Yan ang tanong ni Gail kasi may nilalandi na naman! F-Y-I, Gail, di naman tulad si Erin sayo na insecure noh!" Si Adrienne.
"Oo nga! Kaya wag mo siyang itulad sayo na..." Blah. Blah. Blah.
Umuwi na kami. At may nakita akong mga litrato na dinikit-dikit hanggang sa maging hugis puso ang mga ito sa labas ng isang mall. Naalala kong Valentines na pala sa susunod na linggo. At yung tanong ni Gail kanina, hinahaunting ako. Di ko naman mawari kung bakit. Pero... naiinggit ba talaga ako? Siguro, Erin? Palagi ba? O minsan lang? Kailan nagsimula? Halata ba talaga para itanong niya yun? Kanino naman ako naiinggit? Nakuuu naman! Panira tong si Gail! Tsss.
Pagkarating ko sa bahay, binuksan ko agad yung laptop ko at nag-facebook sandali. Habang nagbro-browse ako sa timeline nung crush ko, biglang nag-ilaw naman yung utak ko! Suuuper bright idea talaga! Higit na maliwanag pa sa araw! Swear!