Kabanata 22
I’m So Bored
Kakapasok ko pa lang sa silid-aralan namin nang napansin kong pinalilibutan ang upuan ko.
“Oy! Andiyan na siya!” Sabi ng isa kong kaklase na nakapaligid sa upuan ko.
“Erin! Tingnan mo!” Sabay hila sa akin ni Flare na kasali pala sa mga nakiusyoso.
“B-bakit ba? Anong meron sa upuan ko?”
“You’ll be surprised! TA-DAH!”
At doon nga sa upuan ko ay ang bagay na pinagkaguluhan ng lahat! Isang rosas na kulay pula. Isa lang yun pero nagkagulo na sila. Pffft!
Dinampot ko ito agad at tiningnan ang card na nakasabit dito.
“Good morning, Erin. Maaga akong gumising para ilagay nang maaga ang rosas na ito sa upuan mo. See? I’m so bored!”
I can’t help but smile. SHIT! Dapat di ako kiligin! Pero ang taas na ng talon ng puso ko.
“He’s courting you. Isn’t he?” Tanong bigla sa akin ni Adrienne na kakarating lang.
Nagkibit-balikat lang ako. Ayoko namang magpasikat na liniligawan ako ng pinakasikat na lalaki sa lugar namin.
Sa sumunod kong klase, ganoon pa rin ang nangyari. May pulang rosas ulit sa upuan ko.
“Di tayo magkaklase pero pumasok pa rin ako sa silid niyo. Maaga. Matulin. At bagot.” Sabi niya doon sa sulat na nakaattach sa rosas.
Ayan na naman ang mahirap pigilan na kiliti sa cells ko! Bakit ba ganito ang epekto mo sa akin, Sign?
“Liniligawan ka niya! Umamin ka!” Bulong ni Clan habang nagsasalita yung guro namin ngayon.
Umiling ako.
“Weh? Pakipaliwanag nga yung paghingi niya ng number mo kahapon!”
Aaaah. Ikaw pala ang nagbigay, Clan. Okay. Di kita sasagutin!
“Hoy!” Sinapak niya ako nang hindi ko siya pansinin.
Tiningnan ko siya nang masama.
“O-okay. Sorry. Pero pinilit niya kasi ako, Erin. At alam ko rin kasi na maganda naman ang intensyon niya sayo.” Paliwanag niya.
“He’s just bored, Clan. Put that in mind.”
“Goodbye, everyone!”
“Goodbye, Miss!”
“Cease the day!” Pahabol niya.
“Cease the day!”
Kinabahan naman akong bigla knowing na classmates na kami ni Sign sa susunod na subject.
Pagkapasok ko ng classroom, nandoon na sila ng barkada niya. Umupo ako sa harap niya. At napansin ko na maraming pulang papel sa armrest niya.
Di niya naman ako pinansin o kinausap. Pero nang nagsimula na ang klase namin, may itinapon siya sa akin na lumapag sa notebook ko.
Rosas ulit. Pero sa pagkakataong ito, gawa na ito sa papel. Malamang ito yung mga papel na nakita ko kanina sa upuan niya.
“Sabay tayong umuwi. Ihahatid kita. Bagot kasi ako.” Aniya na isinulat niya mismo doon sa papel.
Kukuha na sana ako ng papel para mag-reply sa kanya, pero may itinapon na naman siyang paper roses sa akin.
“Pero kumain muna tayo sa labas bago kita ihahatid. Gutom ako dahil sa sobrang boredom.”
“Kung gusto mo turuan muna kita para sa quiz natin bukas? Pampalipas oras. You know, I’m bored.”
“Text kita mamaya para hindi ako mabagot bago matulog.”
Marami pa siyang paper roses na itinapon na umabot na sa labinlima nang natapos na ang klase namin. Tiningnan pa ako nang masama ng teacher namin na parang crush ata si Sign.
“Sa susunod, Miss Villarin. Huwag kang magkalat dito lalong-lalo na sa klase ko.” Aniya tapos umalis.
“Huwag mo ng pansinin si Miss. Inggit lang yun sayo dahil sa mga roses na iyan.” Sabi ni Flare at ninguso iyong mga roses na inilagay ko sa paper bag na dala ko.
Ningitian ko lang siya tapos linapitan si Sign na naghihintay sa labas.
He smiled. GOSH! Tinatamaan na naman ako sa kanya ngayon?! He crossed his arms. SHIT! Bakit malapit na akong mahulog?! B-Bakit ganito makareact yung cells ko?! Paki-explain nga, Erin! Labyu!
“Hmm.” Bati ko sa kanya na hindi man lang alam kung paano sisimulan ang conversation namin.
Kinakabahan ako. Nanginginig dahil malapit kami sa isa't isa.
“Ano, Erin? Nagugustuhan mo na ba ako dahil sa mga nagagawa ko kapag bagot ako?”
“Ano? Hindi kaya! Huwag ka ngang feeling! Pinipilit mo lang iyong sarili mo para makuha iyong loob ko. Pero hinding-hindi ako magpapakuha! Tandaan mo iyan!”
Tumawa siya nang bahagya. Pero alam kong natuwa siya doon sa sinabi ko.
“Tatandaan ko iyan. Kaya naman sa oras na makukuha kita at kakainin mo iyang sinabi mo, hahalikan kita agad-agad. Kahit hindi ka nag-toothbrush!”
Bago pa ako makareact doon sa sinabi niya ay may tumawag sa akin na ikinasira ng mood ni Sign.