Kabanata 16

11 1 0
                                    

Kabanata 16

Di Na Siya Naghanap Pa!

Sabado ngayon at pumunta pa rin ako ng school kasi may program daw ngayon.

Nasa labas kami ng gym nina Flare at nakalinya para sa pagpasok namin sa loob.

Nang makaupo na kami ay napansin ko naman ang band set na nasa stage.

“May kakanta raw na band mamaya!” Sabi sakin ni Clan.

“Sikat ba?”

“Parang. Yun yung rinig ko kanina eh! Kilala raw sila dito sa Janera!” Aniya.

“Mic test?” Napatingin naman kami dun sa nagsalita na nagthumbs-up naman dun sa taong nasa gilid ng stage na di naman namin nakikita. “Hello, everyone! This is Joseph University’s Monthly Musical Fest! And for our opening, alam kong hinihintay niyo na sila! And now... a round of applause please para sa ‘The Sign’”!

Nagulantang naman ako nang biglang maghiyawan yung lahat ng mga babae sa loob ng gym.

SIkat nga sila gaya nung sinabi ni Clan.

“The Sign! The Sign! The Sign!” Sigaw ng mga babae sa gilid ko.

“AAAAAAHHHH!!! SIIIIIIGGNN!!! GWAPO MO TALAGA!!!” Sigaw naman ng mga nasa harapan ko.

Anong Sign?

“Hala, Erin!”

Napatingin naman ako dun sa direksyon na tinuturo ni Clan. LASTIKO!

Napanganga ako nang makita si Sign at sina Migs at yung ibang mga dabarkads nila na nasa stage na. Si Migs... inaayos yung guitar na nakasabit sa balikat niya. Si Sign naman ay nakikipag-usap dun sa isang kabanda niya.

Ibig sabihin... sila yung members ng ‘The Sign’?!

Humarap na si Sign sa madla at lalo namang lumakas yung sigawan ng mga babae dito! Langya! Nabibingi na ako ah?!

“Hey!”

“AAAAAAAAAAAAAAHHHHH~!!!”

Napatakip na talaga ako nang wagas sa tenga ko! Grabe! Yun lang yung sinabi niya pero wagas na wagas kung makatili tong mga babae dito!

“Gwapo niya talaga no?!” Narinig kong sabi nung nasa likuran ko.

Haaaay. Totoo nga naman. Pero wala nang mas gu-gwapo pa kay Fade!

Napatingin naman ako dun sa kabilang row kung saan siya nakaupo. Nahuli ko yung pagtingin niya sa akin. Hala! Ang dazzling face niya!

Nagulat ata siya dahil tumingin agad siya sa taas.  Pero agad din naman siyang tumingin ulit sa akin. Natawa naman ako dun sa ginawa niya.

Tumawa rin siya at ningitian ako pagkatapos. Nafeel ko namang binabaha na ako ng sun rays dito sa inuupuan ko!!! SALAMAT LORD HA?

Ngumiti rin ako sa kanya at kumaway pa! Naaaakku!!! Ang gwapo niya talaga!!! (*˘︶˘*).。.:*♡

Natapos din yung pantasya ko kay Fade nang magsimula nang tumugtog si Migs.

“I think I’ve already lost you;

I think you’re already gone;

I think I’m finally scared now;

And you think I’m weak, I think you’re wrong...”

Ang lamig-lamig ng boses niya. Ang sarap-sarap pakinggan! Di ko naman napansin na nakanga-nga na pala ako at nakatulala na sa kanya.

“I think you’re already leaving;

Feels like your hand is on the door;

I thought this place was an empire,

And now I’m relaxed and I can’t be sure...”

Kumakanta siya nang nakapikit. Pero kahit ganon... di ko parin kayang pigilan yung sarili ko na di makakita ng maraming sun rays!

Bakit ganon? Dapat kay Fade lang yung sun rays eh! Pero bakit... meron din sa kanya?

“If you’re gone maybe it’s time to come home...”

Grabe naman yung sigawan ng mga tao sa loob ng gym nang kantahin na niya yung chorus.

“There’s an awful lot of breathing room but I can hardly move...”

Binuksan na niya yung mga mata niya at parang may hinahanap mula sa madla. Bigla naman akong kinabahan!   

“And if you’re gone, baby, you need to come home...”

Nagtagpo yung mga tingin namin. Nagulat naman ako kasi di na niya inalis pa! Di na siya naghanap pa! Nasa akin lang yung mga tingin niya!

Di ko naman maintindihan kung bakit ang bilis-bilis ng pintig ng puso ko! Jusko! Bakit ako nagkakaganito?

“’Cause there’s a little bit of something me in everything in you...” Tapos nilagay niya yung isang kamay niya sa puso niya habang nakatingin sa akin. 

Agad naman akong napayuko kasi ang traydor na ng puso ko para makaramdam sa kanya ng ganito! Pawis na pawis na rin ako dahil naghuhurumentado na nang bongga yung damdamin ko

“And I think you’re so mean, I think we should try;

I think I could need this in my life;

And I think I’m scared that I know too much,

I can’t relate and that’s a problem I’m feeling...”

Di na ako makatingin pa sa stage kasi naiilang ako na baka nakatingin pa rin siya sa akin. Kaya naman para maorganisa ko yung damdamin ko, tumingin nalang ako kay Fade na nakatingin kay Sign at ngayon ay sa akin.

Napataas naman yung kilay ko nang magtagpo yung mga tingin namin at seryoso naman yung mukha niya.

Binalik na naman niya yung mga tingin niya sa kay Sign at pabalik sa akin.

“There’s a little bit of something me in everything in you.”

Tumingin naman ako sa direksyon ni Sign at agad nakaramdam ng kaba. Nakatingin pa rin siya sa akin at seryoso naman yung mukha. Bakit ba talaga?!

“AAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH~!!! ANG GALING MO TALAGA SIGN!!!”

Tapos na silang kumanta at bongga naman yung palakpak na binitiwan ng mga tao sa loob ng gym.

Tsaka ko pa narealize na kilala pala talaga siya dito sa Janera! No wonder nasa Google yung mukha niya!

Author’s Note: Ang sipag kong mag-update kasi may WIFI na sa school namin! Di ko naman mawari kung bakit kinikilig ako sa kwentong sinusulat ko? Well, wala lang! Feel ko kasi ako si Erin! HAHAHA!!! (=´▽'=)

Loving SignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon