Kabanata 7

22 2 0
                                    

Kabanata 7

Di na Sana Ikaw Yung Pinili Ko!

“Sign!”

“Oh, bakit? May sinaktan ka na naman bang babae, Dude?” Sabi niya sabay tingin sa amin. Sa AKIN! Omaygas!!! Pero saglit lang yun! Nakapanghihinayang nga eh. Kaya naman naisip kong di siya interesado sa babae. Kasi maganda naman si Flare pero saglit lang talaga siya tumingin sa kanya. At sa akin din.

Umupo na siya ulit dun sa pwesto niya. Di man lang siya affected sa atmosphere dito.

“Kasi, Sign, yang kaibigan mo, may girlfriend na pala, nililigawan pa ako!” Sabi ni Jes.

“NO! Di ko siya girlfriend, Jes! Ikaw lang ang gusto ko! Kaya nga kita niligawan, diba?!” Depensa ni Migs sa sarili.

Napalingon naman ako sa paligid kasi ang lakas ng boses niya. Nagbubulungan naman yung ibang  mga tao. Yung iba nama’y nakikinig lang habang sumusubo.

“Sana nag-isip ka nang mabuti bago mo ito ginawa ulit! Bago mo kami niloko!”

“T-teka nga muna! Di ko kayo maintindihan eh! Di naman kasi siya yung tinutukoy kong boyfriend, kundi yang lalaking yan!” Sabay turo ni Flare kay Sign.

Kitang nagulat si Sign at silang lahat! Bakit? Anong meron kay Sign?

“F-Flare, lika naaa?” Pakiusap ko naman sa kanya at pilit siyangnilalayo sa table nila Sign.

“Tayo na, Flare.” Pakiusap din ni Clan.

“At higit sa lahat, hindi ako yung girlfriend na niloko ng lalaking yan! Kundi itong si Erin!” Patuloy niya.

Nag-give way naman si Flare para makita ako ni Sign. Shit lang!

“H-ha?! Di ah! Nukaba naman, Flare! Wala pa akong boyfriend no!” Hinampas ko pa nang medyo malakas si Adrienne para humingi sana ng tulong.

At napansin ko namang nakatingin lang sa akin si Sign. Shit! Shit! Wag ganyan!

At naitanong ko rin sa sarili ko kung bakit may sun rays sa gabing ito?

“A-ah! O-oo nga, Flare! Nakalimutan mo na agad? Wala pa namang boyfriend yang si Erin eh!”

Nakataas lang ang kilay ni Flare. Nakokonsensya naman ako sa kanya kasi mapapahiya siya sa pagtanggi kong itech.

“Okay lang!" Napalingon kaming lahat kay Sign. "Bagot din naman ako eh. Kaya pwede na rin siyang girlfriend.”

Nanigas ako mula sa pagkakatayo ko dahil sa mga narinig ko!

Okay lang daw? Gusto niya ako bilang girlfriend dahil sa bagot siya?! Ipagdadasal ko siya!

“P-Pero, diba di mo thing yung ganon, pre?” Tanong ni Migs na halatang biglang-bigla.

“Dati pa! Pero why not give it a try, diba? May nag-offer na nga eh! Ba’t ko pa tatanggihan? Sayang naman yung desperation niya.” Aniya.

Di lang siya gwapo ha, ang panget pa ng ugali! Kung ano yung itsura sa labas, yun naman ang kabaliktaran ng sa loob! 

Di na ako matigas, nanlambot akong bigla dahil sa init ng ulo ko! Kinakabahan din ako at the same time. Pero mas nanaig yung galit!

Lumapit ako sa kanya nang husto! Dire-diretso yung lakad ko. Bahala na yung mga taong nakikichismis diyan! Di naman nila ako kilala eh!

Tumingin ako nang diretso sa kanya. Ganon din naman siya. Pero walang ekspresyon yung mga tingin niya. Tsss. Ang lakas ng pintig, este, loob niya ah!

"Alam mo, kung sana’y may description na binigay yung Google tungkol sa bulok mong pag-uugali, di na sana ikaw yung pinili ko!”

Sana natalsikan ka rin ng laway!  

Nag-walk-out ako pagkatapos kong sabihin yun! Tinignan ko naman muna yung pagkaing binili namin na isang beses ko pang nakagat! Kung kaya ko lang bumalik at ibalot ka, ginawa ko na sana.

Kaso lumabas nalang ako nang tuluyan nang makita ko sa sulok ng mga mata ko ang pagtitig sa akin ni Sign. 

Loving SignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon