Kabanata 11

13 1 0
                                    

Kabanata 11

Di Lang Schoolmates, Classmates Pa!

“Good Morning, Class!” Bati nung chinita naming teacher.

“Good Morning, Miss!”

Kaunti pa lamang kami sa classroom namin.

Masaya naman ako kasi magkatabi kami nina Flare!

“...At dahil unang pagkikita natin ‘to, expected na magge-getting-to-know-each-other tayo!”

At yun nga! Sinimulan ang pagpapakilala dun sa mag-aaral na nasa harapan.

“Perez yung apilyedo mo? Kaanu-ano mo ba yung teacher dito ng Filipino?” Tanong ni Miss kay Clan na siyang nagpapakilala ngayon.

“Hmm. Di ko po kilala, Miss. Baka magkatulad lang kami ng apilyedo.” Sagot naman ni Clan.

“Baka nga. Oh, sige. Salamat, Miss Perez! Next?”

Ako ang susunod na magpapakilala. Patayo na sana ako nang may pamilyar na boses sa may pinto.

“Sorry Miss if we’re late.” Aniya.

Napabuntong-hininga naman si Miss. Halos kalahating oras na kasi silang late eh!

“Okay. Just take your seat. Since this is the first day of class, I will consider your tardiness. Pero next time, come to class on time. Naiintindihan niyo ba, Mr. Cruz?” She is referring to Migs. Cruz pala apilyedo niya.

“Yes, Miss! Thanks!”

At narinig ko ang pag-upo nila sa mga chairs sa may likuran namin. Jusko! Bakit ganito? Bakit dito? At bakit siya pa?! Di lang kami schoolmates, classmates pa! Pambihira talaga! 

“Saan na nga ba tayo? Ah, okay! Miss Villarin?”

Nagdadalawang-isip pa ako kung tatayo ba ako o hindi. Magpa-expel nalang kaya ako no?

Pero naisip ko na dahil sa inaasta ko, baka isipin pa ni Sign na affected ako sa presence niya.

Kaya tumayo na ako at humarap sa kanilang lahat. Sa KANYA!

Nagtagpo ang aming mga tingin. Nakita ko naman ang hint ng pagkabigla sa mga mata niya. Pero tinignan ko lang siya na walang halo ng recognition.

Nakita ko naman si Migs na may sinabi kay Sign at tinuro ako. Pero wala siyang sinabi o naging reaksyon man lang. Tumingin lang siya sa akin. Ang sarap niyang ikulong sa elevator ah! Grabeeeh!!!

“G-good morning everyone. I-I am...” Lastiko! Wag kang mautal. Please? “I am Erin P. Villarin. A graduate from City Central High School.” Sabi ko habang tumitingin sa kanilang lahat! Pero nakikita ko pa rin sa sulok ng mga mata ko na nakatingin pa rin siya sa akin. Ano bang problema niya?! Tsss.

“Ahh. So, magkakasama kayo nina Miss Perez, Miss Dano at Miss Reyes?”

“Opo, Miss.”

“Okay. Sige, salamat, Miss Villarin. Sino ang susunod?”

Umalis na ako sa platform. At ikinalungkot ko naman ang realization kong nasa likuran ko pala nakaupo si Sign. Haaaay, tadhana... bakit ang unfair mo makipaglaro?

“Hi!”

Napalingon naman ako dun sa lalaking bumati sa akin. Nasa may aisle kasi ako nakaupo at siya rin naman kaya medyo malapit lang kami.

Ningitian ko lang siya at ibinaling yung tingin ko dun sa nagpapakilala.

“By the way, Erin, I’m Sean!” Tuloy niya sabay lahad ng isang kamay niya.

Nakakainis naman ‘to! Papansin masyado!

Pero bawal maging bastos sa unang araw ng klase diba? Kaya nakipagkamay na rin ako sa kanya.

“Erin nga pala. Nice meeting you.”

“Sobra pa nga sa nice eh!” Tas ngumiti siya nang wagas.

Well, cute naman pala siya. Mukhang si Sam Milby. Matangkad din at medyo malaman yung katawan.

“Aray!”

Napahawak naman agad ako sa kamay ko nang banggain ni Sign ang mga kamay namin ni Sean. Pambihira naman! Ang sakit nun ah!

“Nakaharang kasi.” Sabi niya nang nakatingin kay Sean.

At ibinaling niya ang mga tingin niya sa akin. Para siyang galit.

Agad naman akong umiwas.

Ilang sandali pa ay naglakad na siya patungo dun sa platform.

“Good morning, everyone. I’m Jared Sign E. Fontanosa.” Simula niya.

Tumingin ako sa kanya at nagulantang nang makita siyang tumitingin pa rin sa akin. Jusmiyo!

Kaya nakipag-chikahan nalang ako kay Clan.

Pero rinig na rinig ko pa rin yung mga sinasabi niya.

“Sa States ako nag-aral. Just came back here last March.”

No wonder sa ugali niya. Napabuntong-hininga nalang ako.

Nagtaka naman ako nang tumahimik siyang bigla. Tapos na siya? Kaya napatingin ako sa paligid at sa direksyon niya.

Jusmiyo!

Napayuko akong bigla nang makita siyang seryosong tumitingin pa rin sa akin. Bakit baaa?! Sana kung galit siya, sabihin niya nang diretso! Di yang dinadaan niya sa matatalim na tingin! 

“That’s all, Miss.” Aniya.

“Salamat, Mr. Fontanosa. Galing ka palang States. Kaya pala ang kinis mo!”

Tumingin ako kay Miss at naisip na baka nakakakita rin siya ng sun rays dahil kay Sign! Di naman nakapagtataka yun eh! Kasi gwapo naman talaga siya. Maputi at makinis din! Matipuno at higit sa lahat... MAINIT!

Jusko! Patawarin ako sa mga iniisip ko!

Nagpatuloy ang klase nang hindi ako makapag-concentrate sa mga sinasabi ni Miss tungkol sa Grading System namin. Kasi itong si Sign eh! Panay yung pagpadyak sa upuan ko! Ang lakas pa nga kaya minsan napapaurong ako.

Nung isang beses na malapit nang mabangga ang mukha ko sa upuan ng kaharap ko dahil sa lakas ng padyak niya, napatayo ako sa sobrang inis at nag-excuse na pupunta lamang ng banyo.

“Langya talaga!!! Letse siya! Sana siya yung upuan ko para tadyakan niya sarili niya!!!! Nakuuu~!!! Shit talaga siya!”

Grabe yung mura ko sa loob ng Girl’s CR na dalawang classrooms lang ang pagitan mula sa classroom namin.

Deep inside gusto kong marinig niya ako. Pero nasa classroom siya eh kaya imposible yun!

Nang medyo nahimasmasan na ako, lumabas na ako ng CR.

“AAH! Lechon!” Napamura naman ulit ako nang malapit ko siyang mabangga.

Loving SignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon