Kabanata 24
Reserved Na Ang Lahat Ng Oras Niya
“As for today, we will tackle our lesson on Macroeconomics through a group activity. Every member should participate. Why? For I assigned a secret leader for each group who will rate each member. Kung nais iyong makakuha ng puntos today, then participate!”
Si Miss ang naghanda sa listahan ng mga myembro sa bawat pangkat. At ayon sa kanya, kinausap na niya nang maaga pa ang secret leaders namin kaya dapat lang na makipag-cooperate kami ngayon sa gawain na sinasabi niya.
Kasama ko sa group sina Clan at si Sean.
Kasama naman ni Sign sina Flare at Migs.
Si Adrienne naman ay nasa ibang pangkat.
Nagsimula na ang pangkat namin. Halatang nais ng lahat na makakuha ng malaking marka mula sa secret leader namin kaya naman lahat ay nagtutulungan.
“Ikaw ang secret leader. Am I right?” Bulong sa akin ni Sean na tumabi pala sa akin.
“Nope. And if ever ako nga, I wouldn’t tell you.”
“Hmm? Bakit ang sungit mo sa akin, Miss Villarin?”
Ha? Masungit ba ako sa kanya?
“D-di kaya!”
“You are. Kaya nga lalo kitang nagugustuhan eh.”
Napatingin akong bigla sa kanya. I looked at him. Very carefully pa!
Nuh-uh. Not my type.
“Well, thank you, Mr. Espiritu.”
“My pleasure, Miss Villarin.”
Habang nagiging abala ako sa pagtulong sa pangkat namin, hindi pa rin ako tinantanan ni Sean. Panay ang pagtitig niya sa akin kaya medyo naiilang ako.
“Kailan ba pwedeng idistribute yung number mo?” Tanong niya nang tumayo muna ako’t nag-inat.
“Tsaka na kung may bayad.”
“Magkano ba?”
“Masyadong mahal and I know di mo afford iyon.”
“You’ll never know.”
“I know. Kasi wala namang tao na bibilhin nang mahal ang cellphone number lamang.”
“Merong bibili. Lalong-lalo na kung ikaw ang nagmamay-ari.”
Hindi ko na siya sinagot pa at umupo nalang ulit. The moment na nakaupo na ako ay timing na kay Sign ako napaharap.
Nakaupo siya sa upuan niya’t isinandal ang mga braso niya sa sandalan ng upuan. Nakakunot ang noo niya’t masama ang tingin sa likod ko.
Nang sundan ko ay kay Sean pala siya nakatingin.
Ngayon ay itinuon niya sa akin ang mga mata niya’t may kinuha mula sa bulsa ng pants niya.
Cellphone. Tapos may tinype siya at tumingin ulit sa akin.
Tiningnan ko ang phone ko na para bang sigurado ako na sa akin siya nagtext.
At hindi ako nagkamali.
Sign:
“Huwag mo na siyang sasagutin. Sabihin mong taken ka na.”