Kabanata 15
Nagsisisi Ka Na Naging Boyfriend Mo’ko?
Sa sumunod na araw, wala pa rin si Sign sa kalahating araw na klase namin.
Di ko naman maintindihan yung sarili ko kung bakit ko ba siya hinahanap. Siguro kasi may pinagsamahan din kami. Lol. May utang na loob lang ako sa kanya dahil dun sa pag-aalaga niya sa akin sa Clinic. Pero di naman ibig sabihin nun na gusto ko yung paghilot niya ah!
“Miss Villarin?”
“Po?” At lumapit ako kay Miss.
“Pwede ba kitang mautusan sandali?”
Di pa kasi nagsisimula yung unang klase namin sa hapon kaya nagchichikahan muna kami nila Flare. At dahil medyo napalakas yung pagtawa ko kaya napansin siguro ako ni Miss.
“Oh sige, po!”
“Pwede bang kunin mo muna yung handouts na iniwan ko dun sa Photocopier sa may Canteen? Gagamitin kasi natin yun ngayon.” Aniya.
“Sige, po!”
“Sabihin mo lang na yung para kay Miss Dahlia.”
“Okay, po!”
Nagpaalam muna ako kina Flare na napag-utusan lang at umalis na ako. Naisipan ko namang sumakay nalang ng elevator kasi nasa 4th floor kami at tinatamad akong maghagdan.
Nang bumukas naman yung elevator ay lumabas naman sila Migs at yung barkada niya. Medyo nadisappoint naman ako nang di ko mahanap si Sign. Pambihira!
“Erin!” Bati sa akin ni Migs.
“Hi!” Saan si Sign? Aw. Loko lang!
“Wala bang pasok?” Tanong niya.
“Ha? Meron. May pasok tayo. Dumating na nga si Miss eh. May pupuntahan lang ako sandali.”
“Tsk. Sayang naman! O, sige!” Kumaway pa siya bago umalis kasama nung barkada niya.
Tinignan ko naman muna yung stairs na kaharap lang ng elevator at nagbabaka-sakaling naghagdan lang si Sign kasi nais niyang mag-exercise. Pero ilang minuto rin ang lumipas pero wala pa rin. At dahil nawi-weirduhan na ako sa sarili ko kaya sumakay nalang ako sa elevator.
Napasinghap naman ako nang makita ko kung gaano karami pala yung bibit-bitin kong mga handouts. Kung sana sinabi agad ni Miss na ganito pala karami yung dadalhin ko ay sinama ko na sina Flare.
“Ah, Ate. Babalikan ko nalang yung iba ha?” Sabi ko dun sa photocopier.
“Sige, Miss.”
Nagsimula na akong maglakad dala yung unang batch ng mga handouts nang napatigil akong bigla.
“Ito rin po ba?” Rinig kong tanong niya.
Lumingon naman ako at nakitang binibitbit na ni Sign yung ikalawang batch ng mga handouts. Si Ate Photocopier naman ay napa-nganga lang nang umalis na si Sign sa pwesto niya.
“S-Sign?”
At bakit ako nauutal? Bakit?
“Mabigat ba yan?” Sabay nguso niya dun sa dala kong mga papel.
“Ha? Ah... di naman. Ayos lang!”
“Ipatong mo nalang yan dito.” Aniya.
“W-wag na! Ayos lang. Kaya ko naman.”
"Sige na. Hindi naman gawain ng mga babae na magbuhat nang mabibigat." Tapos ngumuso siya doon sa handouts na dala ko.
"Kaya ko naman. Kaya ayos lang!"
Tinignan niya lang ako at napabuntong-hininga.
“Umakyat na tayo.” At una na siyang naglakad patungo dun sa elevator.
Elevator na naman?!
“A-ano, Sign? M-maghahagdan nalang ako. Sige ha? Kitakits!”
Agad naman akong umakyat na sa hagdan nang di na niya ako mapigilan pa. Well... masyado naman akong assuming para isipin yun!
Pero confirmed ngang assuming ako kasi hindi niya naman ako pinigilan. Dahil... naghagdan din siya!
“Hala! Ayaw mong mag-elevator?”
Tinignan naman niya ako nang masama.
“Bakit, ayaw mokong makasama?” Tanong niya.
“Ha? Di naman sa ganun...”
Matapos nun ay naging silent kami sa isa’t isa habang umaakyat. Sana pala nag-elevator nalang kami nang di naman ganito katagal yung silence na naririnig ko!
“Hmm... Sign?”
“Bakit?” Sabay tingin sa akin.
“Ano... salamat nga pala dun sa pagdala mo sakin sa Clinic nung isang araw.”
Tinignan niya lang ako nang hindi nagsasalita.
“A-at... pasensya na rin dun sa paggamit ko sa mukha mo. Pramis! Pinagsisihan ko talaga yun! Kaya di ko na uulitin!”
Tahimik pa rin siya. May nasabi ba akong hindi maganda sa pandinig niya?
Nasa 3rd floor na kami nang tumigil siyang bigla.
Napahinto rin naman ako.
Lumingon siya sa akin.
Bakit siya naging ganyan?
“P-pasensya na talaga...”
“Nagsisisi ka na naging boyfriend mo’ko?”
“Ha?”
“Akala ko ba gusto mo’ko maging boyfriend?”
WHAT?!
“Ha? Di ah! Di kaya kita type!”
“Pero bakit ako yung pinili mo?”
Bakit siya? Bakit nga ba, Erin? Dahil lang naman yun sa mukha niya ah! Yun lang!
Bakit big deal sa kanya yun? Ay! Kasi mukha niya pala yung ginamit ko.
“D-dahil... dahil sa itsura mo!”
Kumunot naman bigla yung noo niya. Di niya ata expected yung sagot ko.
“That’s it?”
Tumango lang ako.
“You chose me out of the blue?”
Tumango ulit ako.
Bakit... dapat ba may deeper reason yung pagpili ko sa kanya?
Napabuntong-hininga na lamang siya at nagpatuloy sa pag-akyat.
Nasa likuran niya lang ako at sobra ang pagtataka dun sa mga naging tanong niya.