Kabanata 23

6 2 0
                                    

Kabanata 23

Kasi Ikaw Yung Unang Nagyaya

“Erin!”

Napalingon ako doon sa lalaking tumawag sa akin.

“Fade?”

Papalapit siya ngayon sa amin ni Sign. Kinabahan naman ako! Kahit may sun rays ngayong gabi, di ko pa rin mapigilan na humiling na sana hindi nalang siya dumating.

“May klase ka pa ba?” Tanong niya.

“W-wala na eh. Ikaw ba?” Tapos sinulyapan ko si Sign na nakacrossed-arms sa harap ko.

Hindi siya nakatingin kay Fade pero makikitang naiinis siya sa presence ng crush ko.

“Wala na rin. By the way, Erin. May pupuntahan akong salu-salo doon sa may subdivision ninyo. Ayos lang ba kung... ihahatid kita? Sabay na tayo?” Napalingon akong bigla sa kanya dahil doon sa tanong niya na tinanong niya pa talaga sa harap ni Sign!

“H-ha? Seryoso ka ba?” Pangit tuloy pakinggan noong tanong ko. Na para bang sinusumpa ko ang pagkakataong makasama ko siya. Pero kasi... sa ngayon, higit kong naiisip si... Sign.

“Oo naman! Bakit naman hindi?” At tinignan niya si Sign.

“P-pero kasi...” Tiningnan ko rin si Sign na nakatingin sa akin ngayon.

Nagpipigil siya. Para bang nais niya akong pigilan pero kahit man gawin niya iyon ay sigurado siyang kay Fade ako sasama. Kasi crush ko. Manliligaw lang siya. At nakahihigit sa isang babae ang lalaking gusto niya at hindi iyong lalaking napilitang gustuhin lang.

“Doon din pala siya dadaan. Eh di kayo ang magsamang umuwi!” Tapos tinalikuran niya kami at tuluyang umalis.

Nagulat talaga ako! Sobra! Akala ko pipigilan niya ako kahit alam niyang kay Fade ako sasama. Akala ko pipigilan niya ako kasi ayaw niyang makasama ko si Fade o kung sinuman! Akala ko kasi gusto niya ako diba? Pero bakit ngayon... pinaubaya niya ako sa iba?

Nasaktan ako. Nakakainis isipin!

“Erin?”

“Oh?” Nakalimutan ko saglit si Fade. “Ano... pasensya na, Fade. May pupuntahan pa kasi ako. Sa susunod nalang siguro.”

“Ganoon ba? Oh, sige. Ingat ka sa pag-uwi ha?”

“Ikaw din! Sige. Mauna na ako!”

“Okay. Bye!”

At kumaripas ako ng takbo para habulin si Sign.

Nasa parking lot na siya ng school nang maabutan ko.

Bago pa niya mabuksan iyong sasakyan niya ay napatingin na siya sa akin.

Natigilan siya. Nagulat dahil nandoon ako sa harap niya at wala sa sasakyan ni Fade.

“Wala dito iyong sasakyan ng crush mo.” Aniya.

“Alam ko.” Tapos lumapit ako sa kanya na ikinagulat niya naman.

“So why are you here?”

“Kasi diba ikaw iyong maghahatid sa akin?”

“Pero nagyaya iyong crush mo. Bakit sa akin ka magpapahatid?”

“Kasi ikaw naman iyong unang nagyaya. Nahuli siya sa pila. Kaya dapat ikaw iyong pagbigyan ko. Tama ba?”

Loving SignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon