Kabanata 2
Fade Henry Y. Andrada
“Oy! Have you heard? Yang si Erin, may boyfriend naa!”
Narinig kong bulong ito ng isa sa mga schoolmates ko dun sa katabi niyang babae.
Ang bIlis nga naman talagang kumalat ng mga magagandang balita eh no?!
Naglalakad ako ngayon sa hallway ng school namin. Lunes na at gaya nga ng ini-expect ko, magiging hot issue sa buong school namin ang pagkakaroon ko ng boyfriend noong Biyernes.
“Talaga? May pumatol na rin sa kanya sa wakas! Kailan lang ba?”
Agad akong lumingon sa babaeng nagsalita at tinignan siya ng masama.
Inirapan ko na siya tas naglakad na ako patungo sa classroom namin.
“Ewan. Basta nakita kong ‘In a Relationship’ na siya noong Biyernes ng gabi eeh.” Pahabol na sabi nung isa.
“Oh, ayan na pala siya! Tanungin mo na. Bilis!” Sabi ni Harold habang bahagyang tinutulak si Fade patungo sakin. Tas panay pa yung ngiti ng iba kong mga classmates na lalaki na tumatambay sa labas ng classroom namin.
Kanina ay nakatayo si Fade sa pintuan at naka-crossed-arms pa siya. Ang cool nun sa paningin ko! Grabeeeh! Gusto ko tuloy kumain ng sun rays!
Bumilis naman yung tibok ng puso ko nang makita si Fade na papalapit na sakin. Napatigil tuloy ako sa paglalakad. Tama! Crush ko nga si Fade Henry Y. Andrada! Classmate ko siya nung First Year pa lang at naging crush ko na siya ever since! Naging maligaya naman ako sa tuwina nang maging kaklase ko siya hanggang Fourth Year. Lage tuloy akong inspired na mag-aral at magparticipate sa klase kasi gusto kong magpasikat at magpapansin sa kanya. Effective naman yan lage eh! Kasi sa tuwing nakakakuha ako ng magagandang scores sa mga tests namin ay lage niya akong nireregaluhan ng isang apir! Alam kong apir lang yun at masyadong mababaw! Pero ang saya na nun sa feeling ko! Yung pagdapo ng palad niya sa palad ko, naaaaakuuu! Hinigitan pa ata nun ang premyo kong iPhone mula sa mga magulang ko!
Why him?
Una: Dahil sa SUN RAYS.
“Erin.” Nasa harapan ko na siya ngayon.
Aba naman! Ang sarap-sarap ng sun rays!
“B-bakit, Fade?”
Ikalawa: Dahil sa mga MATA niyang ‘It tickles me from the inside.’
“Totoo bang may boyfriend ka na? A-ang bilis naman ata. Di kaya’y niloloko ka lang nun?” May hint ng hinayang sa mga mata niya. Bakit?
Ikatlo: Dahil sa kanya lang ako N-NAUUTAL.
“H-ha? D- di naman ata.” Keep calm, Erin. And kiss Fade. Aw! Kidding!
Ikaapat: Dahil sa GWAPO niyang mukha.
“A-ano, sorry Erin.” Napakamot siya sa ulo niya tas yung mukha niya parang namumula. Nahihiya siya? “Sorry ha? Di dapat ako nakikialam eh. P-pero dahil kaibigan kita kaya naman... ano, m-medyo nag-aalala ako dahil sa bilis ng mga pangyayari. Alam mo na.”
At ikalima: Lage niya akong pinapaKILIG! To the point na naiihi na ako ng sun rays.
Medyo nag-aalala lang? Sana higit pa diyan yung dahilan. Haaaay.
Pero kinilig ako dun sa sinabi niya. At least naman alam kong updated siya sa mga nangyayari sa buhay ko. At kahit sa ilang minuto lang ng araw nato, at least sinayang niya yun sa pag-aalala sakin.
“G-ganon ba?” Sa likod niya ako nakatingin ngayon. Baka kasi masukahan ko siya ng sun rays sakaling tumingin ako sa kanya eh. “Don’t worry. Ayos lang ako.” This time tinignan ko na siya. Sobrang pinipigilan ko na talaga yung sun rays sa paglabas! “Salamat ah?” Tas tinapik ko yung matigas niyang braso as if saying that everything’s fine. Shit! The hard muscles!
Nag-smile ako sa kanya bago umalis sa harap niya at pumunta na sa classroom namin.
Nilagpasan ko na sina Harold. Pero sa sulok ng mga mata ko, nakita kong parang chini-cheer-up ng mga classmates kong lalaki si Fade. Bakit naman kaya? Dahil ba dun?