Kabanata 12

12 2 0
                                    

Kabanata 12

Hinihilot ang Kamay Ko

“AAH! Lechon!” Napamura naman ulit ako nang malapit ko siyang mabangga.

Nakatayo kasi siya sa labas ng CR! Pambihira naman! Parang kabute lang!

Tumingin ako sa kanya at siya rin naman.

“Bakit ba?!” Tanong ko.

“Masakit pa rin ba?” Tanong niya sabay tingin sa kamay ko.

“Paki mo?” Tatalikuran ko na sana siya kaso hinawakan niya yung braso ko.

“May paki ako kasi ako naman ang nanakit sayo.”

“Wag na! Di mo naman kailangan makonsensya. Kasi di naman bagay sayo yun.”

“Bakit ba ang arte mo ha? Ako na nga tong concern sayo, ikaw pa ‘tong pakipot.” Aniya.

A-ang KAPAL ha?!!! Akala ko pa naman maginoo na, pero mayabang pa rin pala!

“Ewan ko sayo! Diyan ka na nga!” At nilakasan ko talaga yung pagkakatanggal ko sa braso ko mula sa pagkakahawak niya.

Pero hiwakan niya this time yung wrist ko para pigilan ako.

“Tsss. Ang arte mo talaga!” Sabay hila niya sa akin.

“H-hoy! Ano ba?!” Pilit kong kinakalas yung wrist ko mula sa pagkakahawak niya. Ngunit, pilit niya ring nilalakasan yung pagkakahawak niya sa wrist ko.

“Oy! Ang sakit na!” Agad naman siyang nagbawas ng lakas sa pagkakahawak sa akin.

“Saan ba kasi tayo pupunta?”

“Sa Clinic.”

Tsss. Ang sweet naman. Ay naku! Hindi pala! Bastos pa rin siya’t mayabang kahit na ganito niya ako ituring! Di na magbabago yun! Hindi talaga!

Wala yung nurse nang makarating kami sa Clinic. Lastiko naman! Kami lang ang nasa loob. This can’t be!

“Wala pala yung nurse. Babalik nalang ako dito mamaya.” Sabi ko habang umaakmang tatayo na.

Pero hinawakan niya yung masakit kong kamay at pinaupo ulit ako.

“Babalik? Pwede naman nating hintayin ah?” Aniya sabay hilot sa kamay ko.

My gosh! Hinihilot niya yung kamay ko?!

“A-ano ba?!” Sabi ko sabay kuha ko sa kamay ko. “L-lalo mong sinasaktan yung kamay ko niyan eh.”

Nauutal ako. Lechon! Kinakabahan kasi ako dahil sa kanya!

At hindi rin totoo yun! Kasi masarap sa feeling yung hilot na ginawa niya! Medyo nawala na nga rin yung sakit eh!

Pero parang di niya lang ako narinig kasi kinuha na naman niya yung kamay ko’t hinilot ulit. 

Author's Sentiment: Pangit po ba? HAHAHA!!! Sana hindi. 

Loving SignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon