Kabanata 14
Umalis Siya
Maaga akong nakarating sa school namin dahil nakalimutan kong gumawa ng assignment kagabi. Kaya pumasok na ako sa classroom at nag-wifi para isearch yung definition ng mga salitang may kaugnay sa bussiness.
“Oh! Hi, Erin! Good morning!” Bati ni Sean.
Tumingin ako sa kanya at bahagyang ngumiti.
Naka-skinny jeans siya ngayon. Gaya nung sa mga Koreans? Tapos parang sa gel ata siya naligo at hindi sa tubig dahil ang lagkit tingnan ng buhok niya. Pero kahit ganon... cute pa rin siyang tingnan.
May sun rays ba? Naku! Wala akong nakikitang sun rays sa kanya kasi di ko type yung mga madadaldal na gaya niya.
“Magandang umaga rin.”
Binalik ko naman agad sa laptop yung mga tingin ko.
Nakita ko naman sa sulok ng mga mata ko ang paglagay niya sa maliit niyang bag dun sa silya niya’t naglakad patungo sa upuang nasa harapan ko. Hinarap niya naman ito sa akin at umupo.
Bakit parang naiilang naman ata ako sa position naming dalawa? Pambihira!
“Anong ginagawa mo?” Tanong niya nang sumisilip pa sa sinusulat ko.
“Y-yung assignment natin.” Sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya.
“Sh1t! Yung assignment nga pala!”
Agad siyang tumayo at may kinuha sa bag niya. Nang tignan ko... laptop pala. Tapos umupo siya this time dun sa upuan ni Clan. Ibig sabihin... magkatabi kami. Super close nga eh! Kaya medyo nilayo ko yung chair ko. Kaso nilapit naman niya yung upuan niya sa akin.
“Wag kang lumayo. Titingnan ko lang yung site.” Aniya at bigla siyang lumapit nang sobra para makita yung site sa laptop ko.
Graaaaaaaaaaabe~! Jusko! Nakakabanas tong ganito ha! Di ko talaga ‘to gusto!
Nais ko sanang ibigay kay Sean yung laptop ko upang hindi na siya lumapit sa akin. Pero bago ko pa nagawa yun ay napalingon na ako sa likuran nang marinig ko si Migs na nagsalita.
“Ooops!”
Nakita kong kasama niya si Sign at yung barkada nila. Nasa likuran naman ni Sign si Migs na grabe yung pag-iling.
Natakot naman ako dahil sa sama ng tingin ni Sign sa akin at lalo na sa kay Sean na nakatingin na rin sa direksyon nila.
Ano bang problema niya? Lage nalang siyang ganyan kapag tumitingin sa akin! Tsss.
Ilang sandali ring ganon yung position naming lahat. Nabasag lamang ito nang tumayo si Sean at magsalita.
“Erin, salamat.” Lumingon naman ako kanya na binabalik na yung laptop ko.
“You’re welcome.”
Pabalik na sana siya dun sa silya niya nang kurutin naman niya yung isang pisngi ko.
Pero hindi ako napatingin sa kanya nang gawin niya yun. O dahil sa bigla nang kurutin niya ako. Napalingon lang ako sa kay Migs na tinatawag si Sign. Umalis siya. Bakit?
“Pare!” Tawag niya.
Di ko naman mawari kong bakit nagalit akong bigla kay Sean. Sinisisi ko siya deep inside dahil umalis si Sign nang dahil dun sa ginawa niya. Pero bakit ganito? Bakit naging ganito ako? Jusmiyo! Umayos ka, Erin! Wag kang ganyan!
Napatingin naman si Migs sa akin at napabuntong-hininga lamang nang hindi bumalik si Sign. Tinignan naman niya nang masama si Sean na inaayos yung laptop niya sa bag niya... habang nakangiti.
Classmate ko dapat si Sign buong araw. Kaso di na siya pumasok pagkatapos niyang umalis kanina.
Author’s Public Apology: Pasensya na po sa maikling update. Wala po kasing sun rays. Lol. May pinagdadaanan lang po ako. Chos! Pero sana mahalin niyo pa rin si Sign! Fighting!!!