Kabanata 3

23 2 0
                                    

Kabanata 3

Childhood Friend

Ngiting-ngiti ako nang makapasok sa classroom namin. At dahil yun sa sun rays na hatid ni Fade!

Nagbulungan naman yung mga classmates ko. Akala siguro nila dahil kay Calvin kaya ako ngiting-ngiti. Kaya inayos ko na agad yung sarili ko. Mahirap na baka akalain nilang deeply-in-love na ako sa loob lamang ng ilang araw!

May naisip na rin akong kwento tungkol sa amin ni Calvin. Sure naman kasi akong tatanungin ako ng mga kaibigan ko kaya naghanda na ako.

Si Gail agad ang nag-welcome sa akin sa may upuan ko. Nauna pa sa may-ari. Pambihira talaga!

“Can’t believe na may boyfriend ka na! Tsss.” Tas tumayo siya. “Pero feel ko may something wrong eh! Agad ka ba namang nagka-boyfriend?! Pwede ba yun?!” Naka-crossed-arms siya ngayon at nakataas ang isang kilay.

Naalala ko tuloy kung gaano ka-cool si Fade sa ganyang posisyon! Pero si Gail ‘to  eh kaya hindi na cool! 

“Ang feeling mo naman para ma-feel yan, Gail.”

Yan lang ang sinagot ko sa kanya. Pakialamera! Kaya sure na ako na hindi ako nagsisisi kung bakit pumasok agad ako sa isang relasyon. LOL. Pero gusto ko talagang sumakit ang loob niya sa inggit dahil nauna pa ang walang karanasan na magkaroon ng boyfriend kaysa sa tulad niyang memorize na ata ang mga pasikot-sikot sa panlalandi!

“CHE!” Tas bumalik na siya sa upuan niya.

“Mas Che kaya yung ugali mo!” Bulong ko.

Nilagay ko na yung bag ko sa desk ko. Kakaupo ko pa lang nang lapitan na ako ng mga bestfriends ko.

“Ikaw ha, Erin! Malihim ka pala. Bat di mo sinabi samin ang tungkol dun sa boyfriend mo? Ha?!”

“Pasensya na, Flare. Biglaan kasi yung nangyari nung Biyernes eh.”

“What?! Don’t tell me na sinagot mo siya agad?!”

“Di naman, Clan. Kilala ko na siya dati pa. Nukaba!”

“Talaga?! Like... neighbors kayo?”

“Hmm. Parang?”

This time, kumuha na sila ng chairs at pinalibutan ako. Yung ibang mga classmates ko naman ay nakikisali na rin. Medyo marami na rin ang nasa paligid ko. Iba talaga pag chismis noh? Pinakikinggan talaga!

“Parang lang? Bakit? Ano ba talaga kayo dati?”

“Actually... childhood friend ko siya. Siya yung lage kong kalaro dati. Bestfriends kasi yung mga nanay namin kaya lage kaming nagkikita at naging ka-close ko na rin siya. Same baranggay lang kami pero iba yung subdivision namin sa isat’ isa kaya medyo neighbors na rin kami. ”

“Sweet start! Oh, tapos?”

“Tapos nun, nagkahiwalay kami nang matagal. Lumipat kasi kami dito sa Janera kaya nawala na rin yung communication namin sa isat’ isa. Pero nagkita ulit kami last year kasi lumipat na rin sila dito. Dito niya kasi planong mag-kolehiyo.”

“Kailan ba naging kayo?”

“Last month lang.”

“Last month?! Eh bakit nung Biyernes-“

Di ko na siya pinatapos sa tanong niya at sumagot nalang ako agad.

“Nais niya kasi maging public na eh.” Naks! Yung sagot ko parang pang-showbiz lang. 

“Pero grabe no? Timing talaga! Kung kailan diniin ni GAIL ang pagka-NBSB mo ...” Sinadya talaga ni Adrienne na lakasan yung boses niya sa pagbanggit ng pangalan ni Gail. Nagulat naman si Gail nang marinig yung pangalan niya. Nasa likuran kasi siya ng mga ibang classmates ko. Nakikinig din! Tss. “...tsaka pa talaga dumating ang Prince Charming mo! Astig talaga ng timing! Parang Knight In Shining Armor lang yung dating!”

“Pero, Erin. Kailan mo ba ipapakilala si Calvin sa amin?”

Napalingon ako bigla kay Flare.

“K-kailan?” Please... wag, Flare!

“Yup! Last month pa kasi kayo tas ni hindi mo pa napapakilala yun sa amin.”

“P-pero, kasi. A-ano... busy kasi yun! Oo, tama! Busy nga! Alam niyo na... graduating kasi eh.”

I know, pwede ko namang sabihin sa kanilang tatlo na joke lang yung existence ni Calvin eh! Pero kasi natatakot ako na baka magalit sila sa akin dahil niloko ko sila. Ayaw ko namang mangyari yun! Kaya sa ngayon, di ko pa pwedeng bawiin yung mga sinabi ko na. Kaya paninindigan ko nalang kaysa magalit sila sa akin.

Author's Note: Di ako sure kung may nagbabasa nito. Pero kahit na! Feel ko paring magsulat at mag-update! AHAHAHA!!!

Loving SignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon