Kabanata 19

13 1 0
                                    

Kabanata 19

Dahil Gusto Kita, Erin.

Tahimik lang kami ni Sign hanggang sa makarating kami sa Rich Manor. Di na ulit ako lumingon sa kanya matapos niyang kantahin yung Chasing Cars. Baka masuka lang ako sa pinaggagawa niya... baka masuka ng sun rays!!! Pambihira!

Nang nakapark na yung car niya, agad naman akong bumaba dahil naisip ko na baka lumabas siyang bigla at pagbuksan ako.

“Sana hinintay mo’ko bago ka bumaba nang napagbuksan kita.” Aniya nang makababa na siya.

Gosh! Di ko naman napigilan yung sarili ko na huwag ngumiti dun sa sinabi niya. Tas bigla nalang ako nakaramdam ng pagsisisi dahil sa naudlot na pagkakataon na mapagbuksan ng pinto ni Sign. Pero  kinurot ko naman agad yung pisngi ko dahil nawe-weirduhan na talaga ako sa sarili ko!!!

Pumasok na kami ng Rich Manor at naglalakad ako ngayon sa may likuran niya. Medyo naglaan pa ako ng distansya sa pagitan namin nang di masabi ng iba na close kami sa isa’t isa.

Napansin ko naman agad ang pagtingin at pagbulungan ng mga tao sa loob nang huminto bigla si Sign at lumapit sa akin.

“Ang bagal mo naman!” Tapos hinawakan niya yung kamay ko at kinaladkad ako.

“Hoy! Nagtitinginan sila oh! Bitiwan mo nga ako!”

“Ano naman ngayon kung may nakatingin sa atin?”

“Nakakahiya kaya! Sige na... bitaw na. Dali!"

Napatigil siyang bigla na ikinabigla ko naman.

"Nahihiya ka dahil kasama mo'ko?"

"Syempre! Sige na... bitaw na. Dali!” 

Pansin na nasaktan siya doon sa sinabi ko. Pero ngumiti rin naman siya at higit na hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. Umiinit yung pisngi ko! Shit! 

“Ayoko. Ayos lang na ikinakahiya mo'ko. Pero ayaw kong maramdaman mo iyon mula sa akin. Di naman kita ikinakahiya, Erin.” KItang-kita ang sinseredad sa mga mata niya nang sabihin ito.

Jusko! Lechon lang! Lalo tuloy akong naguguluhan niyan eh! 

Pinisil niya yung kamay kong hawak niya at nagpatuloy sa paglalakad. 

“Girlfriend ni Sign?” Rinig kong bulong nung grupo ng mga babaeng nadaanan namin. 

“Di naman siguro. Di naman kasi ganyan yung mga type niya eh.”

Nilingon ko naman agad yung babaeng nagsabi nun. Inirapan niya ako na naging sanhi kung bakit bumaba ang tiwala ko sa sarili.

Tuloy di ko napigilan yung sarili ko na magtanong kung di ba nga ako gusto ni Sign kasi di niya naman kasi ako type. Nakaramdam din ako ng hope sa loob-looban ko na ikinainis ko naman. Haaay. Para akong may dalaw araw-araw dahil lage nalang akong naiinis.

Nakahanap na kami ng upuan ni Sign. Magkaharap kami kasi talagang pinagbawalan ko siyang tumabi sa akin. Malapit na nga akong bumigay eh! Shocks! Kaso talagang pinigilan ko lang kasi baka mabigyan ko na naman ng meaning yung mga bagay  na pinapakita niya ngayon sa akin.

Umorder na rin kami. Ako yung unang nagbigay ng order. Tapos ginaya niya naman yung order ko. 

"Gusto mo magkapareho tayo ng order para maniwalang destined tayo para sa isa't isa?" Gusto kong itanong ito sa kanya. Pero pinipigilan ko yung bibig ko. Ayoko ng mag-assume. Natuto na ako sa karanasan ko kay Fade.

Tahimik na naman kami. Medyo naiilang siguro siya kaya may kung anu-ano nalang siyang ginagawa dun sa phone niya.

Habang ako naman... maraming gustong itanong sa kanya. Siguro ito na yung tamang oras. Kasi gusto kong malaman kung ano ba talaga kasi yung gusto niyang mangyari sa pagitan naming dalawa. 

“Sign.”

Agad niyang nilagay sa table yung phone niya tapos tumingin nang diretso sa akin.

Sana naman huwag masyadong lumakas yung tibok ng puso ko dahil sa mga tingin niya!

“Sabihin mo nga, bakit mo ba’to ginagawa ha?”

“Ang alin, Erin?”

Tapos nilagay niya yung magkabilang braso niya sa may sandalan ng sofa. Bumilis na naman yung tibok ng puso ko dahil ang cool niyang tignan! Sun rays everywhere!!! OMO! 

“Alin? Ito, Sign! Itong ginagawa mo! Nagkasala ako sayo, tapos ganito ka makitungo sa akin?! What's with you?!”

Tapos umurong siya nang konti dun sa upuan niya kaya naman medyo malapit na siya sa akin. “Di ko alam na nililito pala kita. Akala ko klaro sa'yo yung intensyon ko.”

“Alam mo... kung may problema ka sa akin, sabihin mo! Kung galit ka naman dahil dun sa paggamit ko sa mukha mo, sana naman huwag kang gumanti sa ganitong paraan! Huwag mo'kong paibigin tapos iiwan para lang makaganti ka! Hindi iyon fair, Sign! Masyadong maliit iyong kasalanan ko para gantihan nang sobra!" 

Tumingin siya nang ilang segundo sa akin at agad napabuntong-hininga.

“Di ko’to ginagawa kasi nais kong gumanti sa’yo. Ginagawa ko’to dahil gusto kita, Erin.”

Loving SignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon