Kabanata 10
Bakit Ka Lumabas?
“Excuse me, po? Saan po ba yung STC 301?” Tanong ko dun sa janitor.
Sinalubong ko ang unang araw ng pasukan na hindi nahahanap ang classroom ko. Ang rami naman kasing building dito eh!
“Nasa ikatlong palapag ng gusaling iyan, Miss.” Aniya sabay turo sa gusaling nasa harapan ko lang. Ay, ganon?
Nagpasalamat naman ako kay manong at sumakay na ng elevator.
Pasara na sana ito nang may kamay na pumigil dito.
Agad naman akong napayuko nang makitang si Sign yung papasok sa elevator. Langya naman! Ang aga-aga, siya na agad yung magwe-welcome sakin?! Di pwede ‘to!
Kaya naman naisipan kong lumabas ng elevator the moment na nakapasok na siya.
“Bakit ka lumabas?” Narinig kong tanong niya nang medyo three steps nalang ako mula sa elevator.
Kinabahan naman ako kasi parang nakikilala niya ako!
“T-takot pala kasi ako sa mga kahon.” Sagot ko nang mahina.
Akala ko naman na may sasabihin pa siya sa akin pero wala na akong marinig eh! At nalaman ko nalang na umakyat na pala yung elevator paglingon ko. Nasa forth floor na?! Langya talaga siya! Ang bastos-bastos!!! Tssss.
Kaya sa ramp nalang ako dumaan baka kasi magkita na naman kami. Mahirap atang makulong sa elevator na kasama siya no!
Author’s note: Maikli lang tong kabanatang ito kasi natatakot ako na baka mahabaan ko dahil sa masyado akong overwhelmed? HAHAHA!!! Enjoy the read, Silent Reader! (Kung meron man! Haha!)