Kabanata 21

7 2 0
                                    

Kabanata 21

Ang Number Mo

Nanghina ako pagkatapos niyang sabihin sa akin iyon. Nawindang kasi akong bigla... nangangamba sa mga maaari niyang gawin bilang isang manliligaw.

Lunes ngayon at ngayon ang araw upang mag-uulat ang pangkat namin sa Economics. Dahil hindi ako nakatulong noong Sabado dahil nga itinakas ako ni Sign kaya ako ang magbibigay ng ulat ngayon.

“Economics is the branch of knowledge concerned with the production, consumption, and transfer of wealth. We can also define economics as the condition of a region or group as regards material prosperity...”

Dire-diretso akong nagbahagi ng iba pang mga kaalaman tungkol sa Economics kahit ba tunaw na tunaw na ako sa mga titig ni Sign.

Di ko naman siya tinitignan, pero nahahagilap ko siya mula sa sulok ng mga mata ko.

“Thank you, Miss Villarin. Any questions from the class before I’ll give mine?”Sabi ni Miss nang natapos ako.

Nagcrossed-fingers naman akong bigla at kinabahan. Huwag sanaaaa.

“Miss!” Tawag bigla ni Sean sabay tayo.

“Yes, Mr. Espiritu? Ano ang tanong mo para sa ating reporter today?”

Huminga muna siya nang malalim at biglang nag-wink sa akin. 

“Miss Alonzo, you said that Economics is the distribution of wealth. And we all know that wealth is associated with money. And money is number. So, Miss Villarin, my question is... pwede ko bang mahingi ang number mo?”

Nawindang akong bigla. Nagtawanan naman agad yung ibang kaklase ko. Habang halos lahat naman ay panay ang “Oooooyyy!!!”.

Tiningnan ko naman agad si Sign nang hindi ko sinasadya.

“Jeez.” At ito lang ang sinabi niya na masama ang tingin kay Sean.

Akala ko ba nanliligaw? Eh bakit hindi siya pumalag?

I looked at Sean at diretso itong sinabi sa kanya, “Mr. Espiritu, like I said, Economics is the distribution of wealth. And you said that wealth is associated with money. And money is number. However, Mr. Espiritu, my cellphone number is not for distribution. Kaya, may iba pa po ba kayong tanong?”

Nabigla ata siya sa sagot ko dahil nawalang bigla yung ngiti sa labi niya. Ngunit isang segundo ang lumipas ay mapapansin ang pagkinang ng mga mata niya. WTH?! 

Pumikit siya saglit, dumilat at ningitian ako nang nakakaloka.

“None, Miss Villarin. With that answer, you're taking my heart right.”  Sabi niya na naging dahilan ulit kung bakit naghiyawan ang buong klase maliban sa pangkat nina Sign.

Kinagabihan, pagkatapos kong manood ng Honesto ay may natanggap akong tawag mula sa isang unknown number.

“Hello?”

Hey.” Boses lalaki. At alam kong siya ito.

“Paano mo nalaman yung number ko?”

“I guessed.”

“Okay.”

“Well, I know that this isn’t for distribution. Pero I want to make sure na ako yung unang makakaalam sa number mo at hindi si Sean.” Sabi niya na may bahid ng pagkairita nang binanggit ang pangalan ni Sean.

“Okay.” Tipid kong sagot. Kahit ba medyo nakaramdam ng kilig yung red blood cells ko.

“Remember, Erin. Ako yung nanliligaw sayo at hindi yung ibang lalaki. Ako yung una at huli silang pumila. Kaya dapat sa akin ka lang tumingin. Ako lang yung pansinin mo. Sa akin mo lang ibigay yung number mo kahit alam ko na. At ako lang dapat yung sagutin mo. Remember that, Erin.”

There he goes again. Nais kong maniwala at mahulog nang tuluyan. Pero ambilis naman ata niya? 

I sighed at sinagot siya. 

“Sign, kahit maalala ko lahat ng iyan,  makakalimutan mo rin naman dahil bagot ka lang nang sabihin mo sa akin iyan.” Tapos pinutol ko na ang linya.

Hindi pa nag-iisang minuto ay nagtext naman siya agad.

Sign:

Makikita mo kung gaano ako kabagot. Be ready.

At nang gabing iyon ay matagal akong nakatulog dahil sa excitement! SHIT!

Loving SignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon