Kabanata 9
Schoolmate Ko Pala Si Sign
“F-Fade, kaya ko namang m-maglakad.” Sabi ko sa kanya nang ma-feel ko nang bongga ang alab ng kanyang mga kamay.
Tumingin siya sa akin habang naglalakad pa rin. At dumaloy yung mga tingin niya mula sa mukha ko hanggang sa mga... kamay namin.
“Alam ko. Pero baka iwan mo na naman ako sakali mang bitiwan kita.”
Ang tinutukoy niya ay yung pag-iwan ko sana sa kanya kanina.
“Ha? Sige-sige. Hindi na! K-kaya... sana bitiwan mo na ako.”
Napatigil siya sa paglalakad at tinignan ulit ako.
Napabuga naman siya ng hininga dahil siguro sa nanghihinayang siya? Sana naman, Lord!
“Pasensya na, Erin.” Sabi niya sabay bitaw sa kamay ko.
Medyo nainis naman ako sa sarili ko kasi nanghinayang ako nang husto sa pagkakataon na yun! Pero kahit naman crush ko siya, di pa rin pwede kasi baka akalain niyang nagte-take advantage ako diba?!
“Pasensya para saan?”
Nakatayo na lamang kami sa may daanan ng school namin malapit sa may canteen. Nakikita ko naman sa unahan yung grupo namin na tumatakbo na naman palayo.
“Dun sa ginawa ko sayo before yung graduation natin. Alam kong mali yun! Kaya pasensya na kung hindi ako nag-asal lalaki noon.”
Eh bakit siya nagpapaliwanag?
“Aaah. Yun ba? Ayos lang naman yun! Nukaba! Di ko nga alam na may ginawa ka pala sa akin eh.” Palusot ko.
“M-may nangyari lang kasi, Erin. Akala ko kasi pwede na, pero may iba na pala.” Tumingin siya nang diretso sa akin at seryoso yung mukha niya.
“Talaga? Ganon naman talaga si Gail eh. Kaya naman masaya ako nang nagkaayos kayong dalawa.”
Di ako makatingin sa kanya kasi di naman totoo yung sinasabi ko. Di talaga ako masaya!
Napansin ko naman na medyo ngumiti siya dahil dun sa sinabi ko.
“Si Gail? Di naman kami nun eh! Kaibigan ko lang siya.” Aniya.
“Ha?! Eh bakit lage kayong magkasama nung practice days natin?”
Ilang segundo rin na wala lang siyang imik. At ilang segundo rin ang nagdaan na tingin siya nang tingin sa paligid as if looking for a SIGN kung sasagutin niya ba yung tanong ko.
“M-may gusto lang kasi akong kalimutan. Kaya sinubukan kong sumama kay Gail. Pero wala ring nangyari eh!” Tumingin siya sa akin this time. “Ang hirap pala.” Dagdag pa niya.
“Aaaaah.” Ang swerte niya naman para mahirapan si Fade na kalimutan siya.
“Hala! Ayon sila oh!” Sabay turo ko dun sa mga kagrupo namin na papalapit sa amin.
Mabuti nalang dumating sila kaysa makasama ko pa nang matagal si Fade. Baka maihi lang ako ng thumbtacks dahil sa sakit! Ang swerte niya! Ang malas ko! Kasi siya yung gusto at nag-assume lang ako! At nakakainis isipin iyon!!!
“Saan ba kayo galing? Hali na kayo! Kailangan sabay tayong makarating sa Finish Line para tayo yung ituring na winners! Halina kayo! Dali!” Sabi nung kasamahan namin.
Tumatakbo naman kami patungo sa Finish Line nang magtanong sa akin si Fade.
“Siya nga pala, Erin. Yung Ex mo? Dito rin pala siya nag-aaral?”
Napahinto naman akong bigla. At siya rin naman.
“P-paano mo nalaman?”
“Nakita ko kasi siya nung nag-enroll ako dito. Bakit hindi ba kayo bati?” Tanong niya.
NO WAY! Di ko matatanggap ‘to!
Tumakbo nalang ako nang mabilis para matapos na kami dito.
Kami yung nanalo. Ang saya nga ng mga kasamahan ko eh! At kasama na si Fade dun. Imported chocolates kasi yung premyo.
Di na ulit kami nag-usap ni Fade after nung activity namin. Pero nagpapansinan naman kami kapag nagtatagpo yung mga tingin namin. Nasusuka na nga ako ng sun rays eh!
Masyado naman kasi akong affected sa katotohanang schoolmate ko pala si Sign! At na-confirm ko nga nang makita ko siya habang naghihintay ako ng masasakyan sa labas ng school namin.
Lumabas kasi yung sports car niya na kulay red sa gate ng school. Siya yung driver. At ang kinang niya. At may sun rays pa! Jusko! Bakit naman ganito yung nasa isipan ko?!