Kabanata 13
Di Ka Naman Gusto Nun!
“Ay! Sorry! Nakaka-istorbo ba ako?” At tumawa pa siya nang bahagya.
Dumating na yung nurse at naabutan naman niya yung ginagawa namin ni Sign.
Lechon!
Dahil sa gulat ko ay agad kong kinuha yung kamay ko sa kay Sign.
Si Sign naman ay wala lamang reaksyon. Parang wala lang nangyari! Umupo lang kasi siya nang maayos at tumingin lang sa nurse.
“W-wala po kaming g-ginagawa!” Depensa ko.
“Hahaha!!! Nukaba! Di naman masama yung HILOT!” Talagang diniin pa talaga niya yung salitang hilot eh no?
Tsss. Tinignan ko naman nang masama si Sign na nakaupo pa rin. Nasa lap na niya yung mga siko niya at tinitignan ako.
Inirapan ko naman siya bago ako humingi ng tulong sa nurse kaugnay sa masakit kong kamay.
“Wala namang gamot para diyan. Pero pwede na rin yung hilot.” Aniya sabay tingin mula sa akin at patungo kay Sign.
“Wala bang ibang alternative para diyan, Nurse?” Dahil ayoko dun sa ideya ng hilot. Nakakasuka! Pwe!
“Wag mo nalang munang gamitin nang grabe yang masakit mong kamay. Magiging maayos din iyan.”
Nagpasalamat na ako sa nurse at umalis na. Nasa likuran ko naman si Sign at nakasunod.
“Erin!”
Napatigil naman ako sa paglalakad nang marinig ko yung pangalan ko.
Si-si Fade?
I have decided na ipagpapatuloy ko pa rin yung pagkagusto ko sa kanya. Matatanggap ko rin naman kahit ganito lang yung turingan namin. Bahala na kung may gusto siya at hindi ako yun! Basta ba nagbabatian pa rin kami at ganyan. Masaya na ako sa SUN RAYS na pwede kong isuka pag andiyan siya!
Lumingon ako nang dahan-dahan at agad naaninaw ang kanyang dazzling face! Oh, SUN RAYS!
“F-Fade!” Binigyan ko naman siya ng malaking ngiti at makislap na mga mata.
Naiihi na ako ng SUN RAYS! Grabe yung epekto niya sa akin! Jusko!
Nasa harap ko na siya ngayon. Pero di siya sa akin nakatingin. Nang sundan ko naman yung mga mata niya, sa kay Sign pala siya nakatingin
Seryoso siyang tumitingin kay Sign at si Sign din naman sa kanya.
“Musta?” Tanong ko upang mabawasan yung masamang energy sa pagitan nilang dalawa. Bakit ba? Anong meron?
“Ha? Ay, ayos lang naman. Eh ikaw? Musta yung unang araw?” Tanong niya habang tinitignan ako at pabalik kay Sign.
“Ayos lang din. Wala ka na bang pasok?” Tanong ko nang mapansing wala siyang dalang bag o notebook man lang.
“Meron pa eh. Eh, ikaw?” Sa akin na siya nakatingin this time. Napabuntong-hininga naman ako. Mabuti naman at sakin na yung atensyon niya.
“Ha?! Aaah... ano, galing akong Clinic eh. May tinanong lang!”
“Ganon ba? O, sige. Balik ka na sa klase mo.” Tumingin na naman siya kay Sign nang seryoso.
“Ha? O-oh, sige. Alis na ako ha?”
“Sige, Erin! Ingat ka!” Aniya at naglakad na palayo at lumingon sandali at tinignan si Sign at ako. Kinawayan naman niya ako bago naglaho nang lumiko siya.
Kumaway naman ako sa hangin! Haaaay... ang sarap ng sun rays ah?
Ewan ko ba, pero dahil siguro sa sobrang kasiyahan kaya nabigyan ko ng ngiti si Sign nang tinignan ko siya.
“Tayo na?” At nagpatuloy kami sa paglalakad.
Paakyat na kami ng stairs nang bigla siyang magsalita.
“Di ka naman gusto nun!” Aniya.
Lumingon muna ako sa kanya at nakita kung gaano siya kaseryoso dun sa sinabi niya. Male instinct ata yung naramdaman niya?
“Alam ko!” Bitin na sagot ko.
“Bakit ka pa nagpapacute sa kanya?”
Tinignan ko naman agad siya nang masama. Paki niya ba?! Anong masama dun? Crush ko naman si Fade kaya natural lang na magpacute ako sa kanya.
“Ewan ko sayo!” Iniwan ko na siya.
Nauna akong nakapasok sa classroom namin. Pumasok naman siya after ng 3 seconds lamang. Ang halata naman! Langya!
“Oy! Magkasama kayo buong oras na wala kayo sa classroom?” Tanong ni Clan sa akin sabay tingin nang mabilis kay Sign.
“D-di ah! N-nagkataon lang na sabay kaming pumasok.”
“Erin, pwedeng nagkataon lang ang mga bagay. Pero paano mo naman maipapaliwanag ang agad niyang pag-alis nang lumabas ka rin kanina? At pareho pa kayong nawala nang matagal! Tapos bumalik pa kayo nang sabay din? Sa tingin mo nagkataon lang yun? Wag mokong lokohin Erin ha?” Aniya.
“Ah basta! Di ko siya nakasama!” At tumingin na ako sa kay Miss.
“Basta, nagkasama kayo! Ang lakas ng feeling ko!”
“Ang feeling mo!” At inirapan ko na siya.
Habang nakikinig naman ako sa kay Miss, narinig kong nagtanong si Migs kay Sign kung saan ba raw kami galing.
Lumingon agad ako sa kanya upang sumenyas sana na wag niyang sabihin. Kaso... binalewala niya lang ako.
“Sa Clinic.” Aniya.
Tinignan naman ako ni Migs at ningitian ako na para bang nang-iinis. Inirapan ko naman siya.
Narinig ata ito ni Clan at hinampas naman yung braso ko nang malakas.
“Sabi ko na nga ba eh!” Aniya.
Langya talaga siya! Pahamak talaga! Letse!
Nanginginig naman ako dahil sa sobrang galit mula dito sa upuan ko.