Kabanata 17
Hawak-Kamay
Matapos kumanta ni Sign, agad naman humingi ang mga fans nila sa gym ng isa pang kanta.
“Isa pa?!” Sigaw ni Migs.
“ISA PAAAAA!!!”
Wagas naman kung makatili yung mga babae sa paligid! Ang sarap tuloy ikadena ng mga bibig nila!
“ISA PA!” Nabigla naman ako nang sumigaw si Clan.
“Idol mo sila?”
“Ha?!” Di niya kasi ako marinig dahil sa sobrang lakas ng sigaw ng mga tao sa gym.
Umiling na lamang ako kasi di kami nagkakaintindihan.
Sinimulan nang tugtugin ni Migs yung guitar niya. Ilang sandali ay kumanta na naman si Sign.
“Four letter word;
But I don’t have the guts to say it...”
Pinikit na naman niya yung mga mata niya.
“...You’re perfect for me;
And more than just a friend;
So we can stop pretending now,
Gotta let you know somehow...”
Naghuhurumentado na naman yung puso ko! Sana wag na niyang idilat yung mga mata nang di niya ako makita na nakatingin sa kanya!
“I’ll be your shelter,
I’ll be your storm,
I’ll make you shiver,
I’ll keep you warm,
Whatever weather,
Baby, I’m yours...”
Dahan-dahan niyang binuksan yung mga mata niya. Naghiyawan naman yung mga tao sa paligid! Pero halos di ko naman sila marinig kasi higit na malakas yung sigaw ng puso ko dahil sa akin siya nakatingin!
Di ko na napigilan pa! Sobra na akong confuse sa mga nangyayari!
Tumayo na ako at nagpaalam muna kina Clan na pupunta lang akong CR.
“Be your forever, be your fling,
Baby, I will be your everything.”
Ito nalang yung huling linya na narinig ko mula kay Sign. Di ko naman mawari kung bakit pakiramdam ko ako yung pinatatamaan niya.
Assuming ka talaga, Erin! Kahit noon pa! Masasaktan ka lang kapag ganyan ka! Parang di ka naman natuto dun sa naranasan mo kay Fade!
“Letse! Letse! Ano bang meron sa’kin ngayon?!”
Nasa CR na ako ngayon at sinasampal ko pa yung mukha ko.
“Hoy, Erin! Umayos ka ha?! Di mo siya gusto! Katulad ka lang naman nung mga fans niya sa loob! Kaya wag mong bigyan ng deeper meaning yang nararamdaman mo! Ganyan lang talaga ang feeling ng isang fan! Intindi mo?!”
Napabuntong-hininga naman ako nang medyo nabawasan na yung ka-praningan ko.
Naisip ko naman bigla na katumbas lang pala ng pagiging fan ang pagkakaroon na rin ng crush dun sa taong yun!
Ibig sabihin, crush ko si Sign?!
NO WAY!!! Di pwedeng mangyari yun! Sa loob lang ng isang araw?! Crush ko na agad?!
Naisipan ko namang umuwi nalang gayong 30 minutes pa ata ako sa loob ng gym.
Palabas na ako ng CR nang naaninaw ko naman ang seryosong mukha ni Sign.
Babalik sana ako sa loob ng CR kaso obyus naman kung gagawin ko pa yun. Baka mahalata niya!
Ang alin, Erin? Yung nararamdaman mo?! Bakit... gusto ko siya?!
HINDEEEEEE~!!!
Nilakasan ko talaga nang bongga yung loob ko’t lumabas na. Nagtagpo naman yung mga tingin namin. Jusko! Eh to na naman! Kinakabahan na naman ako!
“Bakit ka umalis?” Tapos naglakad siya papalapit sa akin.
Kinakabahan na talaga ako! Di ko naman napigilan yung sarili ko na mapahawak sa puso ko. Jusmiyo!
“B-bakit?! Di ba ako pwedeng lumabas?!”
Napapa-atras pa ako dahil medyo malapit na siya.
“Kumakanta kasi ako, Erin.” Aniya.
Nais ko sanang ngumiti. Pero pinipigilan ko nalang. Unang beses ko kasing marinig yung pangalan ko na binanggit niya.
Bakit ang sarap pakinggan? Bakit ang saya sa pakiramdam?!
“A-ano naman ngayon?!” Nauutal na ako, Pare! Jusko!
Malapit na siya sa akin ngayon.
“H-hanggang diyan ka lang!” Sigaw ko sa kanya.
Pero di niya ako pinansin at lumapit pa siya lalo hanggang sa makulong na niya ako sa pagitan ng mga braso niya.
Ang lapit-lapit ng mga mukha namin! Halos isang hibla lang ng pilik-mata yung pagitan! Jusmiyo!
Yumuko naman agad ako para di siya matingnan.
“Erin.”
Tumatayo na yung balahibo ko dahil sobrang ramdam ko na yung paghinga niya! Feel ko magkakasala ako ngayon!
“B-bakit?”
“Sa akin ka tumingin, Erin.”
“Bakit naman?” Tinitignan ko ngayon yung halaman sa pot na nasa paanan ko.
Tama na, Sign. Wag ka ng ganito...
“Parang awa mo na.”
Kahit gusto kong tumingin sa kanya ngayon nang malaman ko kung may meaning ba yung sinasabi niya, pero di ko pwede gawin. Kasi baka mahulog ako! AYOKONG MAHULOG!!!
“Bakit ayaw mong tumingin sa akin? Ganyan ka rin kanina. Kinakantahan kita pero sa iba ka naman nakatingin.” Aniya.
K-kasi... baka sumabog na’tong puso ko! Kasi pinapakaba mo’ko ngayon! Lalo na dahil dun sa sinabi mo! Di ko maintindihan! Kaya wag mo na akong tanungin!
“OH MY!” Napalingon naman agad kami dun sa sumigaw.
“S-SIGN?!”
Babae yung sumigaw. Tatlo silang nasa gilid namin. Papasok siguro sana sila sa CR nang makita nila kami.
Napabuntong-hininga naman si Sign at pinakawalan ako.
“M-may girlfriend ka na?!”
HUWAT?!
Don’t tell me...
“Bakit siya pa?!” Tapos tinuro niya ako.
Sinasabi ko na nga ba! Akala niya girlfriend ako ni Sign!
“O-oy! Di ah? Nagkakamali ka, Miss! Di nga kami friends eh, romantic relationship pa kaya?!”
“Ha? T-talaga?” Umaliwalas naman yung mukha niya nang sabihin ko yun sa kanya.
Tumango naman ako na para bang proud ako sa mga sinabi ko.
Naku! Mahirap talagang mapagkamalan!
“Anong hindi?” Sabi ni Sign sabay hawak sa kamay ko.
Umiiling pa ako sa babae para sana sabihin sa kanyang hindi totoo yun! Pero luha na yung nakita ko sa mukha niya nang maglakad kaming palayo ni Sign. Hawak-kamay. (///ω///)