Kabanata 8

14 2 0
                                    

Kabanata 8

Hinihintay Ako?!

Humingi ako ng tawad kina Flare after nung pangyayari dun sa grill. Pinatawad din naman nila ako. Kaso  dinidiin pa rin ni Adrienne kung gaano kamali yung rason at ng ginawa ko.

“Alam mo, mas pinatunayan mo tuloy kay Gail na wala ka ngang karanasan!” Aniya.

Napatingin na lamang ako sa kanya. Di ko kasi kayang tanggapin na tama siya.

“Yung ginawa mo kasi Erin, asal pambata yun!”

Tumangu-tango na lamang ako. Pero ang hirap isipin na naging ganon yung naging reaksyon ko sa isang tanong lamang. Pambihira!

‘Single’ na ulit ang status ko sa Facebook. Marami talaga ang nagtanong kung bakit ang bilis natapos pero ni-like ko nalang lahat ng comments nila!

Deactivated na rin yung account ni Calvin. Sign pala!

Ngayon ay nasa top floor kami ng Social Sciences Building ng Joseph University. Orientation Seminar kasi namin ngayon kung saan ay ino-orient kaming mga freshmen tungkol sa mga patakaran, history, etc. ng school namin.

Na-assign sa araw na’to at sa lugar na’to yung course namin. At magkasama rin kami nina Clan kasi same course lang kasi yung kinuha namin.

Binigyan naman kami ng mga nametags na iba-iba ang kulay ng papel na ginamit. Para saan naman kaya ‘to?

“Good morning, everyone! Welcome to Joseph University!” Panimula nung something leader ata namin.

“Para simulan ang gawain natin sa araw na’to ay ipapangkat namin kayo ayon sa kulay ng inyong mga nametags!” Aniya.

“Sayang naman! Di pa talaga tayo kagrupo.” Sabi ni Clan.

Kulay pink kasi yung akin, blue naman kay Clan, red kay Adrienne at yellow ang kay Flare.

“Okay na kayo? Oh, sige! Ngayon ay nais kong pumunta kayo dun sa mga leaders niyong may hawak na balloons na ayon sa kulay ng nametags niyo!”

Masakit man sa puso na mahiwalay kina Flare pero agad naman kaming pumunta dun sa leaders namin. Kakalungkot lang kasi yung iba kong mga kakulay ng nametag ay may kakilala. May kausap sila samantalang ako, nasa gilid lang at naghihintay ng instructions.

Pero sa kakalingon ko sa direksyon nila Flare ay nakita ko siya! ‘SUN RAYS go away’ agad ang naisip ko!

Naglalakad kasi si Fade patungo sa pangkat namin. Napansin ko namang pinag-uusapan  siya ng mga babae na nadadaanan niya. Bakit? Kasi naman... lalo  siya naging yummy! Ang fit pa ng suot niya! 

At magtatago na sana ako sa likuran ng isang babae nang magtagpo ang aming mga tingin.

Pero inalis ko agad! Di ko kaya! Kasi baka sumuka ako ng sun rays ng wala sa oras.

Pumwesto siya sa may harapan ko. At medyo lumayo na rin ako mula dun sa kinatatayuan niya. Nakikita ko naman mula sa sulok ng mga mata ko na tumitingin siya sa akin paminsan-minsan. Tsss. Wag ka ng assuming, Erin! Si Gail ang type niyan eh!

“Hello, Freshmen!” Sabi nung leader namin. “Welcome ulit sa Joseph University! Bilang unang activity natin today, makikipagpaligsahan tayo with the other groups! Exciting diba?”

Exciting sana, pero the thought na makakasama ko si Fade sa paligsahan, nawawalan ako ng energy. 

Binigyan na rin ang bawat grupo ng isang papel na may nakasulat ng kung ano yung dapat una naming gawin. Kailangan daw na maisaulo namin yung names ng mga scientists na naka-engraved dun sa wall ng Science Blg.

Nang sinabi ng ‘Go!’ ay agad nagtakbuhan ang bawat myembro ng bawat pangkat. Nakita kong malayo na si Flare at si Clan. Seryoso masyado! Si Adrienne naman ay naglalakad lang. Kinawayan pa nga ako eh! Samantalang si Fade? Ewan. Di ko na nakita eh! Siguro nasa unahan na rin.

Nasa labas na kami ng Science Blg at yung mga kasamahan ko lang ang naatasang isaulo ang mga scientists. Kaya nasa gilid ko nang marinig ko ang tawag ng kalikasan! Kaya nagpunta muna ako sa CR.

Narinig ko naman mula sa loob na nagtakbuhan na yung ibang groups. Di naman ako sure kung kasali yung amin dun. Pero bigla nalang natahimik yung paligid kaya binilisan ko na!

Nagulantang naman ako nang matagpuan ko si Fade sa labas ng CR na naka-crossed-arms?! Napa-atras akong bigla dahil sa sobrang gulat.

“A-anong ginagawa mo dito?”

“Hinihintay ka.” Diretso niyang sagot.

“H-hinihintay ako?!”

“Tayo na!” Sabi niya sabay hawak sa wrist ko.

“T-teka lang!” Pilit ko namang binabawi yung kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Ngunit sadya talaga siyang malakas. O nilakasan niya lang para di niya ako mabitawan?

“Bumitaw ka na kasi, Fade!” Tumingin naman siya agad sa akin. Pero di pa rin siya bumibitaw.

“Kanina pa sila umalis, Erin. Tayo nalang ang naiwan.”

Nagising naman ako bigla sa katotohanang kami nalang ang naiwan. KAMI LANG! Oh no!

Kaya malakas kong kinalas yung wrist ko mula sa pagkakahawak niya’t naglakad nang mabilis.

“S-sandali lang, Erin!” Hinawakan na naman niya yung... kamay ko this time kaya napahinto ako.

Lechon! Sana di ako maihi ng sun rays! Wag sana! Kasi kinakabahan talaga ako! Lalo na’t hawak niya yung kamay ko!

“Di diyan, kundi dito!” Aniya.

Author's Sentiments (LOL): Feel ko pa rin walang nagbabasa nito eh. Pero kahit ganon, mag-uupdate pa rin ako ah?! Inspired ako masyado na magsulat ngayon eh! HAHAHA!!! :D

Loving SignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon