Kabanata 6

14 2 0
                                    

Kabanata 6

Sign!

“Boyfriend mo yun. Diba, Erin?”

Napalingon akong bigla kay Adrienne na nakatingin na pala sa akin. Tumingin na rin sina Flare at Clan sa akin na nakataas ang mga kilay. Alam ko na yan... marami silang gustong itanong sa akin. Letse!

“H-ha?!”

“Yun oh! Diba si Calvin yun?! Yung naka-Blue oh!” Aniya sabay turo sa kay Calvin na naglalakad na papuntang CR.

“Saan diyan?” Palingon-lingon pa ako sa paligid as if di nakikita yung lalaking tinuturo ni Adrienne.

“Kaya ba matamlay ka noong bago ang graduation, Erin? Dahil nalaman mong may iba siya?” Sabing bigla ni Flare.

“Di, Flare!” Nasigawan ko tuloy siya nang di sinasadya.

“Kahit naman mahal mo siya Erin, di naman pwedeng hayaan ko na lang siyang saktan ka!” Tas tumayo na siya at naglakad na papunta sa table nina Calvin.

Langya naman oh! Mapapa-amin ako nito nang wala sa oras eh! At sa di magandang pagkakataon pa!

Iba kasi si Flare eh! Mataray siya pero tahimik naman minsan. Pero pag kaibigan na niya ang masasagasaan, ibang usapan na yun! Makikibaka talaga siya. Maghihimagsik! Kaya naman natatakot na ako ngayon habang hinahabol namin siya dahil sa mga bagay na maaari niyang gawin!

“Flare!” Tinawag na siya ni Clan pero dire-diretso pa rin siya sa paglalakad.

“Naman eh! Nagsinungaling pa kasi ako!”

“Ha?!” Natigilan bigla si Adrienne .

“Pasensya na talaga, Adrienne! Di talaga totoong may boyfriend ako eh! Ginamit ko lang yung mukha niya.” I confessed. Naiiyak pa talaga ako habang hinahawakan ko yung mga kamay ni Adrienne.

Happy naman ako nang di ako makahanap ng hint ng galit sa mga mata niya. Salamat, Lord! Salamat po talaga!

“Pero I think, it’s too late now, Erin.” At napalingon na lamang kami kay Clan na nakatingin kay Flare na hinahablot ang buhok nung babaeng kaakbay kanina ni Calvin.

OMG! 

“Hoy! Ang kapal rin naman talaga ng mukha mo eh noh?! May girlfriend na nga yung lalaki, inaagaw mo pa! Magtira ka naman ng kahihiyan para sa sarili mo oy!” Sigaw ni Flare dun sa babae habang sinasabunutan niya.

“Flare! Tama na!” Inaawat na namin siya pero mas malakas pa ata yung pagkakahawak niya sa buhok nung girl kaysa sa pagkakahawak naming tatlo sa kanya.

“WHAT?! Anong girlfriend?! Shocks!” Sabi nung girl nang makawala siya mula kay Flare. “Migs never had a girlfriend! And he never will! Di niya thing yun!” Nasa bewang niya ang isang kamay habang ang isa ay pinapaypay niya sa sarili niya.

Halatang galit na galit yung girl kasi nakakunot talaga yung noo niya. Ang bilis niya ring magsalita at lahat ng kinikilos niya’y padabog!

“Eh di sana kinilala mo pa nang husto yang si Migs bago mo siya sinagot!” Dagdag niya nang mapansing di siya maintindihan ni Flare.

“Flare, lika na! Magpapaliwanag ako. Wag ka lang ganito.” Bulong ko sa kanya.

“WHAT?!” Napalingon naman kami agad dun sa lalaking kasamahan nina Calvin. Gulat na gulat yung mukha niya’t parang nanghihinayang.Nakatingin siya kay girl-na-sinabunutan-ni-Flare.

“W-what do you mean, Jes?! A-akala ko ba-“. Aniya.

“Di ako makapaniwalang ganyan ka pa rin, Migs! I thought you have changed! Pero salawahan ka pa rin pala!”

T-teka, bakit naging siya si Migs? Eh sino yung nasa CR ngayon? Sino siya?!

At ngayon ay dumating siya. Yung nasa CR kanina! Yung hindi pala si Migs!

“Anong meron dito?”

“Sign!”

Loving SignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon