Kabanata 18
Bakit Sa Kanya Pa, Erin?
“Hoy, Sign! Bumitaw ka nga!” Grabe na yung lakas na ginugol ko para lang makatakas mula sa pagkakahawak niya. Langya naman ‘to!
“Hoy! Di mo ba ako naririnig?!”
Jusko! Malapit naman akong makahalik sa likod niya nang huminto siyang bigla.
Nasa harap na pala kami nung sports car niyang kulay red. Binuksan niya yung passenger seat at tinignan ako.
“Sakay na.” Aniya.
Pero hawak niya pa rin yung kamay ko. Ang tiyaga niya naman. Tapos medyo kinakabahan na naman ako.
“B-bakit naman?”
“Kasi kakain tayo.” Napataas naman yung kilay dun sa sinabi niya.
Tapos nang tignan ko yung relo ko... oras na pala para sa lunch.
“W-wag na! K-kina Flare kasi ako sasama!” Tapos pilit ko na namang kinukuha yung kamay ko.
Letse naman! Ang lakas naman niyang makahawak!
“Alam na nilang isasama kita. Kaya sumakay ka na, Erin.”
Ayan na naman yung lakas ng tibok ng puso ko dahil lang sa pagbanggit niya sa pangalan ko?! Ang traydor talaga! Akala ko ba para kay Fade ka lang?!
Tapos alam na nila Flare na kasama niya akong kakain?! Ano ba kasing ginawa niya?!
“Ano?! Ah, basta! Ayaw ko pa rin! Diyan nalang ako kakain!” Tapos tinuro ko yung canteen namin. Lumingon naman din siya dun. “K-kaya ikaw nalang ang kumain sa labas!”
“Diyan nalang tayo kumain. Diyan mo pala gusto eh.” Tapos ngumiti siya nang malaki.
HUWAT?! Diyan?! Eh gusto ko ngang lumayo sa kanya nang di na sabihin ng iba na boyfriend ko siya! Tapos diyan pa kami kakain kung saan kitang-kita kami?!
“Sa labas nalang! Jusko! Langya ka talaga!” Tapos pumasok na ako nang kusa sa loob ng kotse niya nang bitawan niya yung kamay ko.
Medyo nainis naman din ako sa sarili ko nang makaramdam ako ng kilig dahil sa malaki niyang ngiti nang umikot siya papuntang driver’s seat.
“Saan mo gustong kumain?” Tanong niya nang makapasok na siya sa loob.
“Sa Rich Manor nalang.”
Pangalan pa lang, sosyal na! Kaya naman yan yung pinili kung restaurant nang di na niya ulit maisip na pakainin ako dahil magasta pala ako sa pera!
“Good choice.” Tapos pinaandar na niya yung sasakyan niya.
Yun lang?! Di man lang siya papalag dun sa suggestion ko?!
“T-teka! Seryoso mo naman! Wag nalang dun! M-masyadong mahal dun eh! Di ko afford!” Palusot ko.
Napatingin naman siya sa akin habang nagsisimula ng magmaneho.
“Ako yung nag-imbita sayo ng lunch kaya ako rin ang magbabayad.” Aniya.
Nasa intersection road na kami nagyon at tumigil siya sa pagmamaneho nang nagkulay red yung light. Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan niya at medyo nangangati na yung bibig ko. Di ko kaya yung silence!
“Pwedeng i-on?” Tapos tinuro ko yung radyo.
Tumingin naman siya nang bahagya sa akin at tumango.
Nang buksan ko naman yung radyo, agad yung kantang kinanta niya kanina ang tumugtog.
Medyo naiilang pa ako dahil naaalala ko yung pagkanta niya kanina. Tapos sinabi niya pang para sa akin daw yung mga kinanta niya! Naghuhurumentado tuloy tong puso ko sa kaiisip sa mga iyon!
Sinabayan niya naman yung singer sa pagkanta nang mag-chorus na.
“If you’re gone maybe it’s time to come home;
There’s an awful lot of breathing room but I can hardly move...”
Napapansin ko naman mula sa sulok ng mga mata ko na tumitingin siya minsan sa akin. Nakakainis naman!
Dahil naiirita ako sa ginagawa niya at bumibilis na rin yung tibok ng puso ko kaya lumingon ako dun sa bintana nang di na siya makita pa.
“And if you’re gone, baby, you need to come home,
‘Cause there’s a little bit of something me in everything in you...”
“Patayin mo nalang yan! Ang panget pala ng music mo!”
Tumawa siya nang bahagya at pinatay din naman niya yung radyo.
Tahimik na naman ulit kami hanggang sa kumanta siyang bigla.
“If I lay here,
If I just lay here...”
Bigla na lamang siyang tumigil sa parteng iyon na ikinabigla ko nang husto. May kasunod pa yun eh sa pagkakaalam ko!
Dahil na-curious ako dahil tumigil siya, kaya dahan-dahan akong lumingon sa kanya.
Nagtagpo naman yung mga tingin namin. Hala!
“Would you lie with me and just forget the world?...” Patuloy niya habang tumitingin sa akin na para bang tinatanong niya ako kung nais ko bang humiga kasama siya at kalimutan ang mundo. Chos!
Iniwas ko agad yung mga tingin ko dahil ang bilis na naman ng puso ko! Nanginginig na rin ako mula sa inuupuan ko. Tapos parang gusto kong umihi ng sun rays! Bakit sa kanya rin, Erin?!
Narinig ko naman na napatawa siya dun sa ginawa kong pag-iwas sa mga tingin niya. Tsss.