Kabanata 25
Pangako
Linggo ngayon at kasama ko sina Clan, Flare at Adrienne na nagsimba.
Marami na ang tao nang makarating kami. Magkatabi kaming apat ngunit nakaupo ako sa may aisle na malapit lamang sa altar.
“Erin, huwag ka ng magpaupo diyan ah?” Sabi sa akin ni Clan. Tinutukoy niya iyong konting space na maaari pang maupuan ng isang tao.
“Bakit naman? Paano iyong matandang nais umupo dito? Papaalisin ko?”
“Huwag ka ng mabahala. Di naman matanda ang uupo diyan eh.” Tapos nagkindatan silang tatlo.
Naguluhan tuloy ako doon sa ginawa nila. Para bang may alam sila sa mangyayari ngayon.
“In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit...”
“Amen.” Sagot ng lahat.
Habang nagsasalita ang pari ay may isang lalaking tumabi sa akin.
Napahawak agad ako sa puso ko nang maaninag ang maaliwalas at nakangiti niyang mukha. Bumilis din naman ang tibok ng puso ko dahil hindi ko inasahan ang pagdating niya.
“Anong ginagawa mo dito?” Bulong ko sa kanya.
“What do you think?”
“Bakit dito ka nagsisimba?”
“Kasi nandito ka.” Aniya tapos ningitian pa ako.
Hala, Erin! Kinikilig ka!
“Di nga?” Tapos yumuko ako para di niya mapansin ang pag-ngiti ko. Pambihira!
Narinig ko naman na nagtatawanan sina Clan kaya naman tiningnan ko silang tatlo nang masama.
Kaya pala walang matandang uupo dito kasi si Sign naman pala ang tatabi sa akin. Tss.
Habang nagsesermon naman ang pari, naramdaman ko ang bahagyang paggalaw ni Sign.
Tiningnan ko siya at nagulat na lamang ako nang maramdaman ang kamay niya na nakaakbay na sa akin.
“Tanggalin mo nga!” Bulong ko sa kanya.
“Ayoko.”
“Adik ka ba? Ang PDA mo! Sa simbahan pa talaga!”
“Eh naghahalikan nga ang mag-asawa sa simbahan. Paano naman kaya iyong akbay lang?”
Sarap niyang sapakin! Pero kaharap ko kasi iyong pari.
“Sige ka. Di kita sasagutin niyan!”
“Bakit? Nanliligaw ba ako sayo?”
WHAT?! Nilingon ko siya agad. Tinignan ang mga mata niya. Nagbibiro lang siya diba? Ngumiti siya nang mapansin ang gulat kong reaksyon. Bakit ganyan ka lang? Pinaglalaruan mo lang ba ako? Sa simbahan pa talaga! Sa harap ni Lord!
Hinigpitan niya ang pag-akbay sa akin at dahan-dahan akong inilapit sa kanya. Gusto kong pumalag kaso nanghina ako dahil sa pagkakahawak niya sa akin. Nang magkadikit na ang mga balikat namin ay inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko.
“Sorry. Nagbibiro lang ako. Sorry talaga.” He assured me.
Nakikiliti ako at nanghihina sa bawat pagkakataon na dumadapo sa balat ko iyong hininga niya. Magkakasala ata ako sa harap ni Lord! Patawad po sa naiisip ko!