Kabanata 20

9 1 0
                                    

Kabanata 20

Liligawan Kita!

“Di ko’to ginagawa kasi nais kong gumanti sa’yo. Ginagawa ko’to dahil gusto kita, Erin.”

Grabe yung pigil na ginagawa ko sa sarili ko upang huwag lang mahawakan yung puso ko. Ang bilis-bilis ng takbo niya. Parang sumali lang sa triathlon! 

Pero pinaalalahanan ko naman agad yung sarili ko sa mga dahilan kung bakit imposible akong magustuhan ni Sign. Di nga niya ako type diba?! Tapos may kasalanan pa ako sa kanya!

At higit sa lahat... si Fade ang gusto ko.

Kaya dapat huwag akong magpaapekto masyado. DI NIYA AKO GUSTO. REVENGE ITO. PERIOD!

Tumingin nalang ako nang diretso sa kanya at bumuntong-hininga muna. 

“Sign, alam kong hindi mo’ko gusto. Kaya huwag mo ng ipilit. Hindi naman ako yung type mo diba? Tapos tandaan mong may kasalanan pa ako sa’yo. Sabi mong gusto mo’ko? Hindi naman totoo yan eh! Kasi ang totoo, bagot ka lang. Bagot ka lang, Sign.”

Kalma kong sinabi yun. Pero sa kaloob-looban ko, sobra akong nanghinayang dahil sinabi ko iyon sa kanya. What's with me?!

Napansin ko naman ang pagkunot ng noo niya na para bang galit.

“Kainis naman!” Tapos kinamot niya yung ulo niya.

Umurong siya nang konti sa kinauupuan niya at tinignan ako nang seryoso.

Di naman ako makatingin sa kanya dahil traydor ang puso ng isang babae!

“Erin, di ako bagot. Totoong gusto kita. Di pa ba iyon halata?”

“Hindi.” Agad kong sagot kahit halatang-halata naman talaga. 

“Fine! I will admit na nagselos ako kay Sean nung isang araw...”

Napatingin naman agad ako sa kanya.

Kaya ba umalis siya agad sa classroom nun at umabsent buong araw?

“Yes. I had sore eyes that time. Dahil masakit pala sa mata na makita kang kasama ang jejemon na iyon!” Aniya na para bang basa niya yung isip ko.

“At higit sa lahat... kinantahan kita sa harap ng buong school, Erin.” Patuloy niya na para bang may utang ako sa kanya. 

Nagmayabang pa siya! Ni hindi naman alam ng buong school na para sakin pala yung mga kanta niya.

“DI NIYA AKO GUSTO. REVENGE ITO. PERIOD!” I reminded myself.

Tumayo akong bigla na ikinagulat niya naman.

“Bahala ka! Ipilit mo iyan hanggang sa magsawa ka! Basta! Bagot ka kaya hindi mo’ko gusto! Itaga mo iyan sa lahat ng diamond rings sa mundo!”

Tinalikuran ko siya at naglakad nang mabilis palabas ng restaurant.

Dali-dali akong naghanap ng taxi. Kainis! Bakit ngayon pa sila kumonti?!

Nang may napara na ako, saglit akong napatingin sa restaurant at nakita siyang nagmamadaling lumabas.

Hala! Kaya binilisan ko ring buksan yung pinto ng taxi.

Pero bago ko pa masira iyon, napigilan na niya ako.

“Ayaw mong maniwala? Kaya itaga mo rin ito sa lahat ng diamond rings sa mundo, Erin! Bagot ako, kaya liligawan kita!”

Loving SignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon