Episode #3 ~ hello cookie love! <3

278 5 0
                                    

"Bessy, lumabas ka na diyan, ma-la-late na tayo, 7:00 am na, baka ma-traffic pa tayo diyan sa Espaňya, alam mo naman doon traffic lagi pag mag-se-seven na eh...lumabas ka na diyan."

Drama time: Nandito ako sa loob ng kwarto ko, hindi pa nakabihis for school, nakahiga sa higaan, nakatalukbong sa loob ng kumot, ayaw pang bumangon! Ayaw pang magising sa umagang 'to kahit gising na!

"ARAY KO PO!" In case, nanaginip lang ako kahapon, making sure na nightmare lang yung nangyari saakin nung first day. 

"NIAAAAAAAAAAAAA!!" 

ANAK NG--!  To the rescue naman 'tong si bespren, paano niya nabuksan yung naka-lock na pintuan kong yon? Double lock pa naman eh. Grabe, hilarious yung mukha niya nung pumasok siya dito, parang namatay na ako or something eh! 

"Anong nangyari sayo?" 

Back to emote moments. Umupo siya sa tabi ng higaan ko, habang ako ay nakahiga parin. 

"Bespren...ayoko ng pumasok..pakisabi nalang kay Sir Torres na..na....namatay na ako, may SARS ako! At lupasay na ako, hindi makalakad!"

Hinawakan ako ni Ian sa balikat at tinitigan ng mabuti. Ano ba yan, mukha naman kaming maghahalikan. @___@ "Ano pa ang gamit ng isang bespren kung nandito ako? Napa-believe mo ako sa ginawa mo kahapon, kitang kita kita na nag-shi-shine habang ginagawa mo yung speech mo. Tandaan mo. Ako si Ian. Ian na nandito lagi sa tabi mo, Ian na laging nandito para sumuporta sayo, Ian na mag-po-protect sayo!" 

"BALIW!" kinuha ko agad yung pillow sa gilid ko at hinampas ko siya sa pagmumukha niya. XD "BASTA! Absent ako ngayon, kaya ikaw nalang ang pumasok."  

Kinumutan ko ulit yung sarili ko. "HINDI PWEDENG WALA KA SA SCHOOL! C'MON LET'S GOOO!"

"IAAAAAAAAAAAANNN!!" Butete'ng lalake, hinatak ba naman ako para makabangon sa higaan ko? Ugh, no choice na ata ako eh. 

*******

Wala kaming flag ceremony ngayon, buti nalang. Tuwing Mon. Wed. and Friday lang ang scheadule namin. Hindi kami na-traffic nor na-late. Mali kasi yung orasan ni Ian, masyadong advance, kaya may 5 minutes pa kami before the bell.

THE LEGEND OF THE BLUE COOKIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon