Episode #33 ~ a pledge keep my secret

107 3 0
                                    

Grabehan ata ang maleta na dinala ko. Kahit 1 day overnight lang itatagal namin dito sa Enchanted Kingdom, parang dinala ko na ang buong laman ng closet ko. Sa tulong ng Gatorade, ang aking bespren, at si Mr. Sanchez, nadala namin ang tatlong maleta sa kwarto ko dito sa isang five star hotel malapit sa EK.

"Yun lang ba lahat ng mga maleta mo?" 

"Oo yun lang lahat yun."

Natawa ako dahil dapat ako sasagot sa tanong ni Russell saakin kaso sumingit nanaman si butete. "Tama si Ian, yan lang lahat yun." Binaba ko yung isang maletang hawak ko at humarap na ako kay Russell."Thank you nga pala ulit Russ. Talagang nag-enjoy ako ngayon gabi."

"Walang problema, you’re always welcome."

Nagsi-ngitian kaming dalawa sa isa’t-isa leaving the bespren in the middle. 

"O – osige na Russell! Salamat nalang sa pagtulong saamin magbuhat ng mga maleta!" hinatak ni Ian si Russell paalis. Habang hinahatak naman niya ako papunta sa loob ng kwarto. 

"B-Bye! G-Goodnight!"   

Nakapasok naman kami ng maayos ng biglang sinaraduhan nalang ng pinto ni Ian si Russell. Hindi man lang siya nakapag-proper “bye-bye” saakin. 

"Ano ka ba butete! Kinakausap ko pa yung tao."

"So ngayon si Russell nanaman kasama mo? Dapat sumama ka nalang saamin kesa doon ka nanaman sa lalakeng yun sumama. O kaya dapat hinanap mo nalang si Prince, nagsayang ka pa ng oras." naglakad pa ng papasok ng kwarto si Ian.

Si Ian ang nagsilbing katulong ko ng pag-u-unpack ng mga kailangan ko ngayong gabi. Wala na akong nagawa kungdi umupo habang ginagawa yung mga yon. Habang nag-u-unpack siya, tinignan ko ang buong kwarto na tutulugan ko. One word: NAKAKATAKOT. Bigla akong tinaasan ng buhok. Maayos naman ang kwarto, kaso parang ang luma luma na.

"D-Dito ka nalang kaya matulog Ian? Kasi ano eh ... alam mo namang mag-isa lang ako dito, wala naman akong ka-roomate. Kaya … please butete? Samahan mo ako?" 

Napatigil siya sa ginagawa niya. "Eh paano ba yan doon ako matutulog kila James, hindi ko naman pwedeng iwan sila doon. Alam mo naman ang rules na sinabi kanina diba? CLASS BY CLASS." sumimangot ako."Kung tawagan ko kaya si Prince para dito nalang siya?" sabay hugot niya ng cellphone niya. 

"WAAAAAAAAAAAAAG!" Tumayo ako agad para makuha ko yung cellphone niya. Sa masamang palad, matangkad si butete kaya hindi ko nakuha.

"Face the consequence. Ikaw ang gumawa ng decision right? Kung hinanap mo si Prince at tinangay mo siya kay Anna, edi siguro magkasama kayo dito sa kwarto mo ngayon." naglakad siya papunta sa pintuan, isang pormang parang lalabas na siya sa loob ng kwarto. "Now you have to deal with it. Ano? One lesson learned? Goodnight Nia, tapos ko na palang ayusin yung mga gamit mo. I’ll call you again okay? HAPPY NIGHT!"  

Iniwanan nga niya akong nag-iisa dito sa loob ng THE CREEPIEST ROOM I’ve ever seen! WTF. Langhiyang butete! Pa-one lesson, one lesson learned pa siyang nalalaman, hindi ba niya ako inaalala na baka kung anong mangyari saakin dito sa kwarto na ‘to? BAKA MA-MULTO PA AKO! O kaya … wag naman sana, baka bukas pag punta nila sa kwarto ko, NA-EXORCIST NA AKO! o____o

"Tabi-tabi po … " 

Slowly and attentively, ginawa ko na isa isa ang dapat gawin bago matulog. Nag-tootbrush ako habang nakabukas yung shower para maingay. Ayoko kasi ng sobrang tahimik habang naglilinis ng ngipin. Baka mamaya biglang may lumabas sa likuran ko. Pati sa pag-shower, nakabukas yung shower curtain habang naliligo ako, this time na-iimagine ko na baka may humawak sa leeg ko, yung itim na kamay na galing sa lupa. HOLY !@#$. Ano ba naman ‘tong mga iniisip ko?! 

THE LEGEND OF THE BLUE COOKIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon