Episode #7 ~ pwede ba kitang maging girlfriend?

200 3 0
                                    

*Beep Beep Beep Beeeeeeeeeeep!~*

Mga dyip nagkakagulo na! Mga kotse at mga tricycle. Kasalanan ito ni Prince, grrr-- ay hindi! Kasalanan ito ng palda ko. 

Or?? AKO? Umupo ulit ako sa kalsada para hindi mahalata yung butas!

"Tumayo ka nga diyan! Sa lahat lahat ba naman ng pwedeng malaglagan sa harap ka pa ng kalsada. Magpapakamatay ka ba?!" 

"Hindi ko naman kasalanan yun eh! Ikaw ang may kasalanan! Alis ka ng alis diyan! Tapos madadapa lang ako dito hindi mo pa ako matulungan..."  ='(

Hindi siya sumagot. So he doesn't care ba talaga sa situation ko? I'll go dramatic!

"ARAAAAAAAYYY!~ Ang sakit ng tuhod ko....huhuhuhu! Pa-parang nahihilo pa ako...ang sakit ng buong katawan ko." *sabay higa sa kalsada* 

OH YES, NIA. PAAWA FACTOR KA PA. 

*Beep Beep Beep Beeeeeeeeeeep!~*

"Umalis ka nga diyan miss nakaharang ka sa kalsada!" 

GGRRR~! Mga hadlang saaking paawang tagumpay! Hindi maari 'to, dapat maawa saakin si Prince. Tsaka ano ka hilo? Hindi ako tatayo dito hanggang hindi ako tinutulungan ni Prince. >=] Tsaka isa pa, may malaking butas ako sa likod ng palda ko noh. Kahiyayan! 

"Halika na nga." 

OMGEEE. Nanaginip ba ako? First love moment! 

Tinulungan akong makatayo ni Prince. Grabiiiiieeee. Para na akong matutunaw sa kakiligan ngayon, nanghihina yung mga tuhod ko nung unti unti niya akong tinatayo...tapos...parang may mga kumikintab na mga stars sa background. 

ayyyyieeee.

Ang bango ng hair niya kasi nag-flow sa face ko, syempre naamoy ko. Amoy head and shoulders! Tapos...tapos!! Habang naglalakad kami paalis ng kalsada...naamoy ko yung blouse niya...amoy AXE! Yung energy.

O.M.G. Pramis. Mamaya baka nahimatay na ako dito. ♥___♥

Naawa saakin ata si Blue Cookie ko kaya sinamahan niya akong umuwi ngayon. 

Sweet ano? Para talagang kami na, parang mag-on na kami, parang mang-lovebirds, parang mag-chuba chups chups. Ay ano ba yang pinagiisip mo Nia! Parang wala ng bukas! 

"P-Prince...kamsamnida (thank you in korean) .." aba'y feeling Korean! Para ba kaming nasa Koreanovela. 

"Sa susunod nga wag kang mag-da-drama ng ganon sa harapan ko. Kung nasaktan ka talaga, ipakita mong nasaktan ka. Hindi yung parang napipilitan pa yung pagmumukha mo."  *sabay alis* 

Hmmmff! Sungit talaga! But, baka nakakalimutan mo na Nia, may first moment kayo ngayon! YIKEEE.~!

"Bye bye bye bye bye my charming Prince. Mwah mwah mwah!" with flying kiss pa yan, para kompleto.  

***********************

HINDI AKO MASYADONG NAKATULOG KAHAPON. Nakatunganga lang ako sa bubong namin sa kakaalala nung mga moments na yon.

Maaga akong nagising, siguro mga 5 hours lang ang tulog ko. Tumawag kasi si Ian, magkikita kami ngayon, mag-lalaquartiya kami ngayong Saturday. Pagkatapos kong mag-bihis, kumain, at mag-ready,  pumunta muna ako sa may salamin ko, ang aking beauty paradise. Nagsuklay suklay, nagpaganda, at tinignan ang aking Hello Cookie Love~ 

May bago kasi akong sinusulat eh. 

"Nia! Nandito na sina Ian at Gale!" 

THE LEGEND OF THE BLUE COOKIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon