Episode #13 ~ i don't know who you are, but I'm with you.

143 3 0
                                    

LOVEDUB. LOVEDUB. LOVEDUB. LOVEDUB. LOVEDUB. LOVEDUB. 

&& This is my heart beating a million times already. Heaven na kanina pa, umiikot na yung buong camera saamin at sinasaksihan na ng mga mambabasa ang aming matamis na yakapan sa gitna ng kadiliman. Lord? Please, sana lumabas talaga si Mary Cherry Chua so that I can be in his arms forever.

"AAAAAAAAAAAAHHHHHHHH~!" 

Mali pala ang akala ko. Isang minuto lang ang tinagal ng aming yakapan, pero sa imahinasyon ko, poreber na sana yun.  

First real hug ko pa naman yon sa Blue Cookie ko, naudlot pa. Binato niya ako na parang sako, naglupasay na ako dito sa sahig.

"A-Ang sa-sakit na-naman..." 

Napatulala siya saakin, ayan nanaman parang kakainin nanaman ako sa tingin niya! Hindi kaya nagalit siya? Hindi eh, mukha siyang na-shock. Oo, ganun yung mukha niya, na-shock siya. Tapos..tapos, bigla na akong iniwan dito at nag-walk out nanaman! 

"Prince! S-sandali lang naman!" tumayo na ako, ayoko namang maiwan dito sa classroom, pagktapos ng kwento niya, ayoko na. Suko na ako. 

Takot na takot na ako! "PRIIIIIINNNCEEEEE!!" takbo parin ako ng takbo, kahit bumababa na siya sa 2nd floor, 1st floor ng biglang----! 

Tumigil siya sabay hugot saakin at dinala ako kung saan! A-anong balak niya saakin!? =X

"Shhh...wag kang maingay...." 

"H-Huh? A-Ako? Wag..wag maingay?" TAMA! May gagawin siya saaking hindi kaaya-aya ngayong gabi na 'to.  Naman, jusko, bakit pa dito sa 1st floor ng mga 3rd year magaganap ang aming kauna-unahang kababalaghan ni ---- 

"Meron tayong kasunod." 

"KASUNOD?! S-Sino? Wag mong sabihin na si Mary Cherry--!?" 

"Lintek, sabi kong wag kang maingay." bigla niyang tinakpan yung bibig ko na parang holdaper. Napa-gwapong holdaper naman nito oh Lord! I'm actually Petrified na! Kumulog nanaman ng malakas yung langit, tapos bigla akong may narinig na foot steps na pababa na sa hagdan. Syiet. Natatakot na talaga ako!

"Dali. Umalis na tayo." bigla niya akong hinatak nanaman paalis ng 1st floor. 

Sabay kaming tumakbo paalis ng buong school, tumakbo na...hawak hawak niya yung kamay kong mahigpit. Umuulan ng malakas sa labas, wala kaming payong, no choice, pareho kaming basang sisiw dahil sa labas kami ng quadrangle tumakbo. Wala paring tigil si Prince sa kakatakbo hanggang mapadpad na kami sa hintayan ng dyip at doon na muna kami tumigil.

"S-Sino ba...ba yon?..." Hingal na hingal na tanong ko sakanya. 

Di nanaman siya sumagot. "HOY! Kinakausap kita. Sino ba yong iniiwasan natin na yon? Yun ba yung mumu?!" 

"TANGA! Sa tingin mo ba yun yung multo na nakikita ko? Wala namang foot steps yung mga multo, kaluluwa lang lahat sila." Ay oo nga naman noh?  

"Umuwi ka na. Uuwi na ako." tumawag siya ng dyip, at esakto lang tumigil yung dyip na tinawag niya. 

Nakakainis naman 'to, bigla ba naman akong iniwanan? Tsss. Sumunod na rin ako sakanya. "Bayad po."......."Bayad din po.." 

"Anong ginagawa mo dito?!" 

"Hindi ako aalis dito hanggang di mo sinasabi saakin kung sino yung tinakbuhan natin. Si Manong Janitor ata yun noh? Aish, sabi ko na ba siya yon. Teka? Bakit natin siya tinatakbuhan? Diba alam niyang nag-tra-trabaho ka dun?"

THE LEGEND OF THE BLUE COOKIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon