Episode #25 ~ Nia, ang munting Princesa.

134 2 0
                                    

Monday afternoon lunch time at the cafeteria, with my 2 sweetest friend eveeeer. "ANO!? B-Binili mo si Gale ng diamond na singsing para sa engagement niyong dalawa?! HUWAAAT!?" 




SUSKODAY! Kaya pala laging nawawala 'tong dalawang 'to sa harapan ko dahil napag-isipan na nilang magpakasal. At heto na, haharapin nalang nila akong  engaged na! 




"Shhhh~!" awat ni Gale. "Wag ka ngang maingay insan! Secret palang natin 'toh no. Ikaw palang ang nakakaalam. Gusto lang namin ma-hingi ni Ian ang blessings mo." 




Biglang inabot ni Ian yung kamay ko sabay hawak niya ng madiin habang nagmamakaawa na parang isang gutom na aso. "Bespren! Ikaw ang pinakamahalagang tao sa aming dalawa. Umaprove ka lang dito at sasaya na kami ng todo todo. Please bespren? Please?"  




Hindi ba mukhang kalokohan agad 'tong nangyayari sakanilang dalawa? Di pa nga sila nakaka-two months tapos papasok na sila agad sa kasal. 




"MGA BUWANG!" Tumayo ako sabay hugot ng research paper ko at inikot para mapalo ko yung kanilang dalawang hibang na mga utak.




"Araaaay~!"




"Hah. Yan ang nababagay sainyo. Di niyo ba naiisip kung anong gagawin niyo kung magpapakasal kayo ng maaga? Isipin niyo nalang ang magiging reaction ng mga magulang niyo. Si Tito Lucas, lalo na si Kuya Mike. Di pa nga niya alam na kayo na, tapos ganito nalang ang mangyayari? Paano kung nagkaron na kayo ng anak? Sino ang magpapakain doon eh 'tong si Ian wala pang trabaho? Ikaw rin Gale wala ka pang trabaho. Mas mabuti munang magtapos kayo ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho para sa kinabukasan. Hindi pa sapat. Di pa pwede! Walang kasal kasal na mangyayari!" Halos di ako huminga sa mga sinabi ko. Umupo ako sabay laklak ng isang basong tubig. Naubos ko nanaman lahat yun ng isang tagayan lang!




Bigla natahimik silang dalawa na para silang mga anak ko na pinagalitan ng matindi. "Di naman namin minamadali. Plano namin 'to pagkatapos namin ng college. Plano namin ni Gale na pumunta sa Canada para magkaron ng pamilya."




"Oo nga insan. Kasasabi lang ni Kuya Mike na babalik na kami sa Canada after ng college ko. Habang maaga, susubukan kong sabihin agad kay Papa at Kuya tungkol saamin ni Ian. Pagkatapos, isasama ko saakin si Ian papunta doon. Ayoko namang iwan siya ulit dito mag-isa. Gusto ko siyang sumama saakin." 






"So iiwanan niyo nalang ako? Ganun?" Sila nalang nga ang natitingi kong kausap, kasangga, at kakulitan sa buong buhay ko tapos iiwan nalang nila ako ng ganun.




"B-bespren...di naman ganun yon." 

 



"I-insan...wag kang mag-alala, pagkatapos pa naman yun ng college. Marami pa tayong oras, marami pa tayong --" 


THE LEGEND OF THE BLUE COOKIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon